Chapter 17

448 13 12
                                    

Tignan niyo si Albie sa gilid (------->) Haha.

ADVANCE HAPPY BIRTHDAY DJ! 

----------------------------------------------------------

----------------------------------------------------------

The One Who Saved MLife

ALBIE'S POV

"JULIEANN! OY! TEKA LANG!" 

Nagmamadali kasi siyang maglakad, eh kailangan ko pang tanungin yung mga detalye tungkol dun sa muntik na pagkakabangga ni Justine sa park dati. Para 100% sure na talaga ako na siya yun, malay mo iba pala.

Huminto naman ng paglalakad si Julieann at tumingin sakin.

Nagmadali akong pumunta sa kanya. 

"Peram ako ng *pant* isang minuto mo. May *pant* itatanong lang ako sa'yo. Importante 'to, kaya please? *pant*" 

"Ba't ba hingal na hingal ka? And pwede ba bukas mo na lang itanong? Pupuntahan ko pa kasi yung party organizer para kunin yung mga invitations para sa debut ko." 

"Eh Julieann, isang minuto lang talaga. Please? Hindi lalampas dun. Atsaka bayaan mo yung party organizer na yan, ikaw magbabayad tas ikaw pa yung pinagmamadali. Ayos ah. Yaan mo siyang magintay." 

"Loko haha. Oo na, basta one minute lang ah. Oh, your one minute starts now."

"Ah. Eh. Uhm. P-paano ko ba 'to uumpisahan?"

"Ikaw bahala. *tingin sa relo niya* 50 seconds left."

Wait, teka nga lang. Ano ba dapat kong itanong? Ah, alam ko na!

"Narinig ko kasi yung usapan niyo ni Justine kanina, about dun sa muntik na siyang mabunggo. Sorry. *kamot sa ulo* Hehe di ko sinasadya."

"May lahi rin pala kayong chismoso! Nako, masama yan. Tsk tsk." 

"OA naman neto. Haha. So bale, ang tanong ko nga eh. Anong month nangyare yun?"

"Ano naman pake mo dun? Ba't mo tinatanong---"

"JUST PLEASE ANSWER THE QUESTION, JULIEANN!"

"Woah, chillax lang oh. Eto na nga eh, sasabihin na. Pero teka lang, isipin ko lang ah. Ang tagal na kasi nun eh, 6 years ago na yun eh."

Nag-iintay lang ako sa susunod na sasabihin niya.

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Ramdam na ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kung hindi si Justine yun, hindi ko na alam kung ano na gagawin ko. 

Hay buhay parang life.

"Ang naalala ko eh summer nung nangyare yun. So bale, I think......"

MAY

MAY

PLEASE SAY MAY

 "May? Ay oo nga, May yun. Sigurado ako."

O_O Seryoso?

"M-may? Sigurado ka? U-umaga o hapon?"

HAPON

The One Who Saved My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon