Chapter 11

491 9 7
                                    

The One Who Saved MLife

JOSEPH'S POV

"JUSTINE?"

"JOSEPH?"

Tignan niyo nga naman, napakaliit talaga ng mundo. Dito rin pala siya nagaaral. Ay mali, dito na pala siya magaaral. 

Matutuwa ba 'ko, maiinis, magagalit o---aish! Bahala na.       

"Dito ka rin pala nagaaral? Ahh thank you nga rin pala." tas ngumiti siya.        

Dapat mainis ako sa kanya, sino ba naman yung hindi mababadtrip kung may gala KAYO tas may dadating na EPAL tas dun siya sasama, pero parang nawala lahat ng inis, badtrip, asar, at kung ano-ano pa nung ngumiti siya.  

Di pwede, dapat cold muna ko sa kanya. Parang di ka galit sa kanya pero kung makitungo ka sa kanya parang galit ka. Basta, yun na yun.        

"Ah oo, since nursery. Walang anuman. Sige, una na ako." patalikod na sana ko nung hinawakan niya yung wrist ko.    

"Pwede ba tayo magusap? Kahit 5 minutes lang, hindi pa naman time eh."        

"Ah eh next time na lang kasi--------"        

"Joseph, 3 minutes na lang. Please lang talaga." ayan, tinawag niya na ko sa pangalan ko, ibig sabihin seryoso nga  talaga siya.        

Hay sige na nga, maguusap lang naman eh. Mabuti narin yun diba. "Oo na, sige. Upo tayo dun." sabay turo sa bench sa tabi ng quadrangle. Bale, nasa first floor kami ngayon.           

Nakaupo na kami't lahat-lahat, wala saming niisa nagsasalita. Ayos 'to ah, gusto daw niya kami magusap tas hindi magsasalita.         

"Uhh......Joseph." ayun buti naman nagsalita na siya.      

"Ano?"       

"Sorry nga pala------"      

"Di, okay nga lang. Pinapili ka naman namin eh. Dapat hindi ako magalit sayo or what. Inis pwede pa pero galit? Nung una, pero naintindihan ko naman eh.............kasi si Seph yung mahal mo, kaya siya yung napili mo. Sino ba naman ako diba? Haha. Kaya okay lang." tapos nagsmile ako sa kanya, fakesmile, para iassure siya na okay lang ako.      

Di ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito eh, yung mga sinasabi ko ambakla pakinggan pero parang kusang lumalabas sa bibig ko yun eh, hindi ko nacocontrol kumbaga.  

"Ayaw ko talaga kasi magaway kami ni Seph kahit alam kong mali yung ginawa ko." nakayuko parin siya hanggang ngayon.      

"Okay nga lang. Pag hindi ka pa tumigil diyan sisiguraduhin ko yang mens mo lalabas sa ilong mo---ARAY!  Haha. De, loko lang." paano ba naman, binatukan ako. Sadista talaga eh.    

"Loko ka talaga. Haha. Pagbabake na lang kita ng chocolate cake. Oh, wag ka na kumontra. Hobby ko rin yun eh. Bukas ko sa'yo ibibigay." 

I smiled at that.

Parang pageeffortan niya pa ko para sa peace offering niya sakin. I am not assuming or anything. Natutuwa lang talaga ako.

Baka nga pag binigay niya sakin yun, hindi ko kainin. Ipapreserve ko na lang. Haha. Pero ang OA naman nun.

"Okay, sabi mo eh. Siguraduhin mong masarap yan."

The One Who Saved My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon