019

24 7 0
                                    

THIRD WHEEL

Habang inaayos ko ang sarili ko may biglang yumakap sa'kin.

"Kirby! Sama ka samin mamaya ha," masayang sambit ng kaibigan kong si Eysi.

"Saan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mag dedate kami mamaya ni Melvin," she answered.

"Date nga diba? E dapat kayong dalawa lang, may balak pa kayong gawin akong third wheel," mataray na sagot ko at bumalik ako sa pag-aayos ng sarili ko.

"Please Kirby pumayag kana," pamimilit nito sa'kin.

"Pumayag kana Kirby para hindi maging malungkot si Eysi ko," sabat ng boyfriend niya at inakbayan siya nito.

Because of what Melvin said, I rolled my eyes. "Okay fine basta libre niyo ako ng pagkain," I uttered.

"Yehhey thank you Kirby!" Eysi said happily and she kissed me on the cheek.
-------------

Gaya ng usapan namin, nandito ako sa plaza at hinihintay sila. Mga ilang minuto na pag hihintay ko agad ko silang natanaw na papalapit sa'kin na magkahawak pa ang kamay.

"Tagal niyo naman, tara na kung saan niyo gusto pumunta," naiinis na tunong sambit ko at nauna akong maglakad.
------------

We ate at the restaurant, pumunta kami sa mall, naglaro sa world of fun, nanood ng sine at sumakay kami ng mga rides.

They are so sweet to each other, habang kumakain kami sa restaurant nagsusubuan pa sila, halos hindi sila maghiwalay kulang na lang magpalit sila ng mukha.

At bilang third wheel, ako taga bitbit sa mga binili nila at ako ang taga kuha ng litrato nila.

Libre nga ng pagkain pero ginawa naman akong katulong.

"Umupo muna tayo," sambit ko at umupo sa bench.

"Oo nga pahinga muna tayo babe," malambing na ani ni Melvin kay Eysi at umupo din ito.

Tumaas ang kanang kilay ko nang makita kong kumandong si Eysi at kumapit ito sa batok ni Melvin.

"I love you babe," Eysi said.

"I love you too," Melvin replied and he immediately kissed Eysi passionately.

But this time napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila kasabay ng pagbasak ng aking balikat at umupo ako ng patalikod sa kanila upang hindi ko sila makita.

At ngumiti ako ng mapait.

I'm not jealous because I'm single, I'm jealous because I should be the one Melvin should kiss.

Hindi lang ako third wheel sa kanilang dalawa.

When Eysi introduced Melvin to me as her boyfriend I pretended that I did not know Melvin.

Do you want to know why? Because I'm his girlfriend.

Ako ang nauna pero bakit parang ako ang naging kabit?

I was the first but why I became a villain in their own love story?

TALES OF AGONY Where stories live. Discover now