CHAPTER 11
Followed
Pinakita nya saakin ang maliit na pinto sa mga bakod at binuksan yun para makapasok ako sa terotoryo nila.
Hindi ko alam na may ganun pala dito.
Hindi na kami nahirapan lakarin pa ang buong hardin dahil may golf cart naman sila kaya dun na kami sumakay para maka punta sa mansion nila.
Mas malaki ito sa mansion ko kaya napa awang ang bibig ko at nang napnsin nya ito ay natawa naman sya.
"This is my grandfather's house, they build it in the 40s." aniya saakin at napa tango naman ako.
It doesn't look old kahit ilang dekada na din ito naka tayo.
But I was actually loving the smell of it, dahil sariwang sariwa ang pagkabulok ng amoy nito.
Yung bulok na masarap amuyin dahil hindi masakit sa ilong.
"Come in," anyaya nya saakin at pinapasok ako sa pinto nila.
"Wow..." hindi ko na matikom ang bibig ko dahil mas maganda pala ang loob kesa sa labas.
Para itong vintage hotel at madami din antique figures na naka design sa paligid.
I'm not the type of person that would like this stuff but I was impressed.
Binigay ni Summer si Rhode sa katulong at may kinuha sa gilid bago lumapit saakin.
"Here, a welcome gift." sambit nya at binigay saakin ang hawak hawak na box.
"Oh no you don't need to." binalik ko sakanya ang binigay nya saakin pero hindi nya ito tinanggap.
"I insist, I made it by myself, only for you." pagpumilit nya kaya napa buntong hininga ako tsaka tinignan kung ano ang nasa loob.
It's hair keratin???
Uhm...
Natawa sya sa reaksyon ko pero mabilis din naman syang nagpaliwanag.
"I noticed that your ginger hair is dying, we have the same hair color so I know how you would take care of it with Hair keratin. And yes I made it by myself with organic ingredients fresh from our farm." ngumiti sya saakin, halatang proud sa sarili.
Ngayon ko lang napansin na namamatay na pala ang buhok. Para tuloy akong mangkukulam at lagi pa akong naka lugay!
"T-thank you for this... Now I feel guilty cuz I don't have any exchange gift for you." napa nguso ako at nag isip ng ireregalo sakanya.
"Oh no you don't need to give me something." aniya pero naka pag isip na ako ng ibibigay sakanya bukas kaya tumahik nalang ako.
She told me to wait on the porch inside while she was preparing our drink.
Napansin kong may mga laruan na naka kalat na sa tingin ko ay kay Rhode iyon.
Napaka cute ng bata na yun.
"Here... An anemone tea, fresh from Kingdom of Anemone." naka ngiti nyang nilapag ang tasa sa maliit na lamesa bago umupo sa harap ko.
"Please, help yourself." aniya at pina inom saakin ang tsaa.
Well, this isn't what I thought it would be...
I thought we were going to drink alcohol... not... herbal tea?
"You look disappointed..." natatawang sambit nya
"No... it was just, uhm."
"Oh, you don't drink tea? I'm so very sorry...." bigla syang tumayo at mabilis na kinuha ang tsaa pero pinigilan ko sya.

BINABASA MO ANG
Keshia Myrette Raveah (Flora Vista Series #2)
RomanceThey call me "The Lady Lavender" A mysterious leader of all the mafia groups in the world. And when I say in the world... I meant the whole world. by: Miracla_Dawn June 30, 2022 ©