CHAPTER 19
Legacy
Pinapanood ko ngayon ang interview ni Melanie sa tv. Hindi sya mukhang malungkot... Bakit parang wala lang sakanya na nawawala ang kakambal nya?
O baka naman... Hindi talaga sya nawala?
Baka... Saakin lang talaga sya hindi nagpapakita?
Para na akong baliw na pinaulit ulit ang mga interviews ni Melanie para makahanap ng clue sa mga sagot nya.
But I found nothing...
Bakit... Hanggang ngayon pinaparusahan pa din ako ng diyos?
Binayaran ko na ang kasalanan na hindi ko ginawa, pero bakit binigyan nanaman nya ako ng panibagong problema?
Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, hindi pa nga kami nagtatagal pero nawala na agad sya.
Sabi nya... May emergency lang.
Pero bakit ilang buwan na syang hindi bumalik saakin?
Mahal nya ba talaga ako?
O nag panggap lang sya na mahal nya ako para sa misyon nya na hindi ko patayin ang sarili ko.
Dahil ba tapos na ang misyon nya, kailangan na nyang lumayo saakin?
Ganun na ba kalaki ang galit saakin ng mundo?
Buong buhay ko puro paghihirap nalang.
Ano nanaman to?
Pagod na pagod na akong maghintay.
Mag iisang taon na din pero hanggang ngayon wala pa din akong contact mula sakanya.
Pumunta na ako sa polisya pero wala naman silang sinagot saakin.
Lumapit na din ako sa mga Prinsesa pero ganun din... Wala din silang naisagot saakin.
Para bang may malaking bagay na tinatago saakin ang lahat.
Alam ba nila kung nasaan si Markus?
I hate to chase.
I don't chase.
Pero pag dating sakanya grabe ang paghihintay ko. Grabe ang paghabol ko sakanya habang sya ay lumalayo saakin.
Ano ba ang kasalanan na nagawa ko sakanya para taguan nya ako?
Kung ano anong bagay na ang pumapasok sa utak ko, pero ni isa wala naman naisagot o nagawa para makita sya.
Hanggang sa naalala ko nalang ang weirdong lalaki na nakilala ko sa HQ ng Prinsipe Reid.
Si Maddox.
Pinakilala nya ang sarili nya na anak ng partner ng magulang ko.
Gusto din daw nyang maging kapartner ako katulad ng magulang namin.
Gusto nyang umalis kami ng bansa at dun simulan ang plano.
He gave me his number...
Pero kaya ko bang iwan ng ganun ganun na lang ang bansang kinalakihan ko.
Ang mga bago kong kaibigan?
Ang pamilyang nabuo ko?
Si Lesley at Paisley.
Si Travis...
Ang mga prinsesa at prinsipe.
At si Markus... Kahit hindi ko sya nakikita?
Kahit na madami akong madilim na alaala sa bansang to... kaya ko ba syang iwan?
I found myself dialing Maddox's number.

BINABASA MO ANG
Keshia Myrette Raveah (Flora Vista Series #2)
RomanceThey call me "The Lady Lavender" A mysterious leader of all the mafia groups in the world. And when I say in the world... I meant the whole world. by: Miracla_Dawn June 30, 2022 ©