CHAPTER 13

13 4 0
                                    

CHAPTER 13

The truth


"Excuse me?" taas kilay kong tanong

Go out of the country with him? Did he lose his mind?

I don't even know him!

"Think about it... H.Q. is the only safe place for you and nowhere else. You're not even safe in your own house... I'm just offering you a good partnership with me cuz you need to escape from your enemies." pagkumbinsi nya saakin kaya napatahimik ako

Tama sya... Pero hindi solusyon and pag takas sa problema.

"I..." walang salita an lumabas sa bibig ko dahil hindi ko din naman alam and gusto kong sabihin.

"What's stopping you?" takang tanong nya nang napa tikim ako.

Napa isip naman ako sa sinabi nya... Ano nga ba ang pumipigil saakin? 

Yung business ko! Hindi pa nga tapos ang pagpapatayo ko ng branch ng club ko sa Flora Vista eh... Hindi ko pwedeng iwanan nalang yun.

Kahit na pwede ko itong iasa kay Travis, mali pa din na sa ganung paraan ko nalang bibitawan ang pinaghirapan ko.

Pero tama pa din sya... Kahit ano pa ang pumipigil saakin, kailangan ko pa din umalis dahil mas pipiliin ko naman ang kaligtasan ko kaysa sa negosyo ko eh.

"Maddox--" I was about to say that I agree with him until Prince Reid came.

"Raveah." pagtawag saakin ng prinsipe kaya parehas kami ni Maddox na napa lingon sakanya.

"You've asked for me?" tanong nya saakin habang tinitignan si Maddox na katabi ko.

Parang may tanong sa mga mata nya pero hindi ko na pinansin yun.

"Well... I suppose, I need to leave now." sambit ni Maddox nang lumapit saamin ang prinsipe.

Sinundan ko naman sya ng tingin hanggang sa nawala na sya.

"So?" tanong saakin ng prinsipe

Bumalik tuloy sa isip ko kung bakit ko sya pinatawag kay Fiona kanina.

"Ah... You're majesty---"

"Please, just Reid." napa pikit pa sya bago ako diretsong tinitigan sa mata

"Okay, just Reid. Pwede--" parehas kaming natigilan sa sinabi ko

Just Reid??

Makahulugan nya akong tinignan bago napa ngisi.

"Hala sorry, medyo lutang..." nahihiya kong sabi at sya naman ay bahagyang natawa.

Ngayon ko pa nga lang ata syang nakitang tumawa or even ngumisi! Dahil sobrang seryosong tao sya!

"It's okay." natatawa pa din nyang sabi.

Nakakahiya ka Keshia!

Andami kasing laman ng isip ko eh, inaalala ko si Markus atsaka yung sinabi saakin ni Maddox kanina.

"You were saying?" tanong ulit nya

Oh shit, oo nga pala.

"M-may tanong lang sana ako..." napakagat ako sa labi ko bago nagpatuloy.

"Kasi... uhm... let's say that I kinda... found out... what's the use of the diamond... but I don't know if I can... show it to you... cuz I don't know if it's even right... cuz I know that it will also cause a chaotic problem to your family---"

"Hold on... My family?" pagputol nya saakin, hindi makapaniwala sa sinabi ko

"I'm so sorry, Reid... Nagsisisi ako na ako ang unang nakatuklas sa sikreto ng pamilya mo. Ayoko din kasi na itago ito ng matagal saakin dahil mas lalaki lang ang problema--- I've seen your cousin... Naaawa ako sa tuwing nakikita ko ang paghihirap na dapat hindi nya maranasan..." 

"Which cousin?" hindi makapaghintay nyang tanong.

Alam kong gusto na nya malaman kung ano ba ang ibig kong sabihin pero ayoko itong madaliin, atsaka mahirap din para saakin na aminin ang tinago ko ng ilang linggo.

Yes... Ilang linggo ko ng alam kung ano ba ang use ng dyamanteng tinago ng pamilya ko sa katawan ko.

"Both of them..." maluha kong sagot at mariin naman syang napa pikit

Halatang namomroblema na din sya ngayon.

"What is it?" inip nyang tanong saakin.

"I was just staring at the Diamond at that moment when I noticed something different from it... There's a message inside of it--- So I look at it in the microscope and it says..."

"What does it fucking say, Keshia?" hindi sya galit nang sinabi nya yan, hindi lang talaga sya makapaghintay.

I'm sorry...

"The key of the untold story of Isaac and Jynne." sagot ko

"That's my... That's Ivy's mother." mahinang sabi nya, nag iisip.

"Isaac is... Irene's father..." dagdag pa nya at napa tango lang ako.

"It only says the key of their untold story-- what did you find out? how did you find it out?" tanong pa nya

"Irene is not the real daughter of Queen Diana..." pag diretso ko at hindi naman nya alam kung anong irereact nya dahil nanatiling naka awang ang bibig nya.

"I don't want to tell you the whole story, I want you to find it out by yourself... With your cousins... With the true Princess of Dandelion." hinawakan ko ang braso nya gamit ang kaliwa kong kamay at tsaka ko binigay ang Diamond sa kanan kong kamay.

"Give it to your cousins... Let them know the truth--- and by the time that you know it... Please, gawin nyo ang nararapat na gawin sa may kasalanan." paalis na sana ako nang hinawakan nya ang kamay ko.

"How are we even going to find out the truth if we don't know where the door of this key is... We need your help, Keshia... Please stay." walang tonong pagpigil nya saakin.

Hindi na ako nangulit pa, sumang ayon nalang ako sa gusto nya. I just hope na parehas sila ng desisyon ng mga pinsan nya.

I don't want to disrespect them dahil karespe-respeto silang tao. It's not like I have a plan of disrespecting them... May palagay lang ako na sa simpleng bagay na gagawin ko or even sasabihin ay baka mabastos ko sila.

Sa pangalan ko pa nga lang ay kabastos bastos na.

Ninakawan sila ng magulang ko... Pero tinulungan pa din nila ako

Well hindi pa naman nila alam ang totoo kaya nagiging mabait pa sila saakin... Pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari saakin once they found out the truth.

Again... Ayokong tumakas sa sarili kong problema kaya sumang ayon akong tulungan sila.

Kahit na alam ko ang kaya nilang gawin saakin kapag nalaman na nila ang totoo.

"Come with me." hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming sumakay sa sasakyan nya.

Sa tingin ko ay papunta kami ngayon sa Kingdom of Anemone... Kung nasaan ang dalawang prinsesa.

"I want to thank you for the decision that you made..." biglang sabi nya matapos ang katahimikan namin sa byahe.

"Hmm?"

"Hindi mo sinabi saakin ang buong istoryang nalaman mo dahil gusto mong kami mismo ang makatuklas ng untold story ni Isaac and Jynne." 

"Dahil yun ang tama..." 

"Again... I want to ask you the same question that I said earlier-- that you didn't answer by the way." nagulat ako nang bigla nyang itinigil ang kotse sa gilid ng kalsada.

Napansin ko ding naka autolock ang apat na dalawang pinto kaya hindi ako pwedeng makalabas ng kotse.

"How did you found the door of this key?" hindi naman sya mukhang galit sa expressions nya pero alam kong kanina pa sya nagtataka sa tanong na iyon kaya siguro inihinto na nya ang kotse.


-----------------------------

To Be Continued...

Keshia Myrette Raveah (Flora Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon