CHAPTER 5
Book
"Which one is yours?" tanong saakin ni Markus nang nakapasok na kami sa syudad, tinutukoy ang mga bahay kung saan ba duon ang amin.
"I have no idea..." bulong ko at inisa isang tinignan ang mga bahay para alamin kung saamin ba yun.
"Oh wait... I remember now." bigla kong sabi at tinuro sakanya ang daan.
Dahan dahan syang nag drive hanggang sa nakarating kami sa mansyon ng aking mga magulang.
Biglang tumaas ang mga balahibo dahil sa kakaibang pakiramdam nang nakita ko ang dati naming bahay...
Kaunti pa lang memories na nagawa ko sa bahay na ito pero hindi ko ipagkakaila na namiss ko dito..
Kung saan ako lumaki...
Kung saan ko nakasama ang magulang ko..
Kahit si Markus ay napa mangha sa harapan ng mansyon.
"Sigurado ka bang... sa pamilya mo to?" hindi makapaniwalang tanong nya at napa tawa nalang ako.
"Tao po?" pagkatok nya sa pinto
Umiling ako sa ginawa nya at pinindot ang doorbell.
Nagulat kami nang biglang may nagbukas ng malaking pinto at nagpakita ang isang babae.
My guess, I think she's just my age.
"Ma'am Raveah?" gulat nyang tawag saakin at lalo pang binuksan ang pinto
Sigurado akong ngayon ko pa lang sya nakita kaya bakit kilala nya ako?
Sabagay... Sya naman ang caretaker eh.
"A-ahh... Sino po kayo?" nauutal na tanong nya kay Markus nang lumipat ang tingin nya dito.
"I'm Markus, her bodyguard." naka ngiting sagot naman ni Markus.
She made an "o" shape from her mouth when Markus answered her question.
"P-pasok po kayo.." anyaya nya saamin at tinulungan buhatin ang mga maleta ko.
Nang pumasok ay pinagmasdan ko agad ang kapaligiran. Mas malaki pa ito sa inasahan ko.. At isa sa pinagkaka-taka ko ay kung bakit marami din gwardya.
"B-bakit---" magtatanong na sana ako nang bigla akong pinutulan ni Markus.
"The Prince send them for your protection." sagot nya at napa awang naman ang bibig ko.
How did I not think about that?
I thought those guards are from my father's but I know that it would be impossible cuz their boss is already dead.
And it was a dumb expectation.
Anyway, hindi ako komportable na nandito silang lahat. Akala mo tagong kriminal ako na kailangan bantayan para hindi makatakas.
"Pwede bang... sa malayo nalang sila magbantay--- okay lang na may kaunti sa loob." pakiusap ko kay Markus.
Hindi naman kasi ako sanay sa gantong klaseng buhay... Siguro noong bata ako ay ganto ako protektahan ng magulang ko pero dalawang dekada na din ang nakalipas at hindi na ako ganun mamuhay.
"I'll ask the Prince..." simpleng sagot nya kaya napa tango nalang ako.
"Anong pangalan mo?" tanong ko dun sa babaeng sumalubong saamin kanina
"Paisley po, madam. Anak po ako ni Julieta, ang dating mayadorma ng mga katulong dito." aniya
Julieta...
"J-julieta?? Hindi ba kasama sya sa namatay nung sinugod ang mansyon?" tanong ko
"Ah hindi po, natamaan po sya ng bala pero buhay pa po sya. Mabuti nga po ay naka dating agad ang ambulansya, nung mga panahon na yun ay nasa sinapupunan pa lang nya ako at may posibilidad na makunan sya pero hindi nangyari." mahabang pagpaliwanag nya.
"Kung alam ko lang na buhay pala sya edi sana ay hindi na ako nauwi sa ampunan..." maluha kong sabi
"Hindi naman po sya ang legal guardian nyo kaya malabo din pong mangyari yun. Atsaka plinano din po talaga ng magulang nyo na kapag namatay sila ay dun po kayo sa bahay ampunan lalaki dahil katiwala nila ang mga tao dun." sagot nanaman ni Paisley.
"Teka nga, paano mo nalaman ang mga ganyang storya? Asan ba ang nanay mo? Si manang Julieta.." tanong ko pero natigilan naman sya.
Gusto ko sana tanungin pa ang nanay nya ng mga bagay na hindi ko pa nalalaman tungkol sa magulang ko.
Wala pa akong ka-alam alam sa mundo nang nawala sila, at bilang bata noon ay napaka hirap saakin na mawalay sa magulang.
"W-wala na po sya... Kaya nga po kinokontak ko po kayo para dito na kayo tumira dahil balak ko po sanang umuwi sa probinsya." saad nya at parehas kami ni Markus na natigilan.
"Uuwi ka na ba sa probinsya, ngayong nandito na sya?" tanong ni Markus
"Baka sa susunod pong buwan, pero kung kailangan nyo pa po ako dito ay willing naman po akong pagsilbihan kayo." naka ngiting sagot naman ni Paisley.
"Salamat.." ngumiti din ako sakanya at umakyat na.
Naalala ko pa kung saan ang kwarto ko dito...
Binuksan ko ang kulay pink na pinto at naamoy ko kaagad ang pang batang pabango. Naalala ko na ito lagi ang sinosoot kong pabango noon..
Napa upo ako sa maliit kong kama at niramdaman ang lambot nito...
Nakita ko din ang ibang mga laruan na naka lagay sa aparador, nakita ko din ang maliliit kong damit noon.
Hinawakan ko ito at tinignan.
Ganito pala ako kaliit noon...
Matapos kong pagmasdan ang kwarto ay sinunod ko naman ang kwarto ng magulang ko.
Ngayon pa lang ako makakapasok dito dahil hindi naman ako pwede dito noon. Lagi akong pinapagalitan ni Daddy nang binalak kong pumasok noon.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong naluha nang naka pasok ako sa loob, nakita ko ang ibang litrato ng magulang ko sa hallway.
Para itong wall of pictures dahil madaming frame na naka-dikit sa pader. At halos lahat ng nasa litrato ay puro sila lang....
Wala ako.
Natawa nalang din ako sa sarili o dahil bakit ba ako umasang nandito ako... Siguro ay ayaw nilang makita ang pagmumukha ko sa bawat pag gising nila.
Pumasok pa ako sa loob at nakita ko ang kama at ang side table na may frame din... At ako ang nasa litrato.
Para akong niyakap ng sobrang higpit nang nakita ko ang litrato ko noon. At ang fact na katabi nila matulog ang litrato ko...
Akala ko ay wala na akong litrato.
Kinalkal ko ang mga aparador nila at naghanap ng kahit ano. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong bagay na dapat kong hanapin dito.
Pero isa lang ang alam ko, na nandito ang kailangan ko.
Wala akong nakita sa aparador kaya pumunta nalang ako sa isang pinto. Kaso naka lock ito... At parang laser ang button.
Umamba akong tignan ito kaso bigla itong umilaw at bumukas ang pinto.
Nakita ko ang mahabang hagdanan pababa, ngayon pa lang ako nakapasok sa kwarto ng magulang ko kaya ngayon ko lang din nalaman na may ganto dito.
Bumaba ako dun sa hagdanan at agad na nagulat sa nakita.
Punong puno ng koleksyon ng armas ang paligid at may mga antique na bagay pa na sa tingin ko ay malaki ang presyo kung ibenta.
At may pakiramdam din ako na ninakaw yun ng magulang ko sa dating biktima nila.
Pero sa dalawang bagay lang ako tunay na namangha. Sa isang lalagyanan ng Dyamante at sa isang makapal na libro na sa tingin ko ay yun ang tinutukoy nung lalaking nang kidnap saakin.
-------------------------------
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
Keshia Myrette Raveah (Flora Vista Series #2)
Roman d'amourThey call me "The Lady Lavender" A mysterious leader of all the mafia groups in the world. And when I say in the world... I meant the whole world. by: Miracla_Dawn June 30, 2022 ©