CHAPTER 2

35 1 2
                                    

Alas dose na ng tanghali at kakagising ko lang, puyat kasi ako netong mga nakaraan lang dahil sa mga schedule ko. Nag simula na kasi ang face to face classes namin netong nakaraan lang dahilan kung bakit umalis na lang ako ng rpw.

Hindi na ako nag paalam kay Clyde dahil hindi ko kaya, kay mj naman nagpaalam ako sa gagang yon at doon sinabi nya saakin kung anong real account nya, yea nag uusap pa din kami ngayon in real world. Mas baliw sya sa inaakala ko sobrang walang kwenta kausap pero ayus na din kesa sa wala.

Namimis ko si Clyde parang gusto ko mag open ng rp account ko tutal linggo naman ngayon at walang pasok. pero parang ayoko kasi nahihiya ako sa kanya kung sakaling makausap ko sya, syempre madaming pagbabago tagal na din kasi mula nung umalis ako ng rpw.

Gusto ko din syang makilala kahit makita lang sya okay na ako.

Kinuha ko na lang ang bag ko at nagsimulang mag review ang hirap mag aral jusko mag asawa na lang kaya ako?? sabagay masarap din naman pumasok kasi andami kong poging kaklase na nagiging inspiration ko at isa na dun si Rex valles first day of school pa lang sya agad yung unang napansin ko kasi naman, bakit ang pogi??? crush ko nga yun e lalo na kapag nakakasalubong ko sya yumuyuko pa sya ng kaunti saakin kasi matangkad sya tapos yun ngingiti lang saakin. Nakakainsulto ng kaunti pero ayos lang hehe.

"AMYYYYYYYYY!!" Chat saakin ni mj na ikinasakit ng tenga ko, natutulog kasi ako at napaka lakas ng ringtone ng cellphone ko, hindi ko ata nahinaan kanina bago ako mapaidlip. " Anoba?? ingay mo punyeta ka!!" Reply ko sa kanya, hays nakakainis naputol na naman tulog ko dahil sa babaitang to. "meet up tayo, gusto ata kita makita in person plsss!!" nagulat ako sa reply nya kasi first may mag aya saakin makipag meet up, baliw nga talaga to. "ata?? parang hindi pa sure ah!" Reply ko sa kanya. Iisang oras lang naman siguro ang byahe ko papunta sa kanila kasi hindi naman masyadong malayo ang lugar nila mula dito saamin kaya okay lang saakin ang meet up.


Nag set kami ng date at eksaktong oras para sa meet up namin. Lunes ngayon at may pasok na naman ako, pang umaga ang klase namin at sa hapon ay wala na kaya pwede akong bumyahe pagtapos ng klase, matatapos na ang klase ko last subject na kasi at tanghali na din. Grabeng excitement ang nararamdaman ko ngayon, mag memeet up kami ni mj parang hindi ata ako makapaniwala.

Nang matapos ang klase ko ay umuwi agad ako at kumuha ng pera sa kapatid kong kupal para may maipamasahe ako, 
"Uuwi din naman ako aning ka! May pasok ako bukas natural uuwi ako, may pupuntahan lang kaya babye bitch lumamon kana dyan mamaya, mamaya pa uwi ko!!" Paalam ko sa kapatid ko at umalis na ng bahay para makasakay na din ako agad.

Andito naako sa lugar kung saan kami mag kikita ni mj ang tagal naman nya naiinip naako dito. "Asan ka ng gaga ka?? kanina pa ako dito" chat ko sa kanya, hindi ito nag siseen kaya nag inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid. May nakita akong isang pusang nag lalakad sa gitna ng kalsada at saktong may dadaan namang kotse kaya tumakbo ako para patigilin ito. Abot naman ako, ligtas ang pusa at heto ako ngayon aawayin kung sino man ang gag0ng nag didrive ng sasakyan, hindi sila tumitingin sa dinadaanan kainis.

"Hoy kung sino ka man lumabas ka dyan!!" Sigaw ko sa harap ng kotseng muntik bumangga sa pusa. May isang lalake ang lumabas mula sa pinto nito, na ikinagulat ko dahil sa tangkad at poging itsura nito, idagdag mo pa ang bango nya. Pero hindi ako nagpatinag dahil lang sa pogi sya patatawarin ko na sya agad?? no way amy. " What's your problem miss??" Malagong na tinig na narinig ko mula sa lalakeng bumaba ng sasakyan. "Wag mo akong ma-english english dyan kapre ka! hindi mo ba nakitang may tumatawid na pusa??? Kung hindi ako humara baka patay na yung hayop sir, tumingin ka namn sa dinadaanan mo sa susunod." Sabi ko at nagmadaling umalis, narinig ko syang sumigaw ng "miss!" Pero hindi ko yun nilingon dahil sa inis.

Binuksan ko ang cellphone ko at sa wakas nag reply na ang babaitang si Mj.
Andito na daw sya at hinahanap ako kanina pa, Nakita ko syang nakaupo ngayon sa labas ng 7 eleven doon kasi kami magkikita talaga.

"EMJEEEEEEEEEEEEY!!!" sigaw ko sa kanya habang malayo pa ako at habang tumatakbo sa gawi nya. Lumingon ito at tumayo, "bakit ang tagal mo tanginaka!" sabi nya habang sinasakal ako. "Bitawan mo muna ako hindi ako makahinga anoba!!" Angal ko dito at binitawan ako saka umupo.

Nag usap lang kami at kumain, gusto nyang mag hanap ng bording house malapit sa lugar namin at syang lilipat sa school na pinapasukan ko para daw mag kasama kami ng siraul0ng to. Sa sobrang daldal nya ay hindi ko namalayan na lumalalim na pala ang gabi kaya nag paalam na ako sa kanya dahil maaga din ako bukas para pumasok. "Babye amy see you again, isusurprise na lang kita pag lipat ko dyan sa inyo!!, Ingat kaaa". Sigaw nito saakin, "bahalakasabuhaymo kung lumipat ka samin edi masaya, ingat mj!!" Tugon ko sa kanya at umuwi na.

Kakarating ko lang ng bahay ay kinig ko na agad ang hilik ng palamunin kong kapatid. Dalawa lang kasi kami dito sa bahay, ang nanay naman namin nasa ibang bansa nag tatrabaho para saamin, ang tatay naman namin may ibang pamilya na kaya kami na lang ng kapatid kong lalake ang andito, isang beses isang taon lang din umuuwi ang nanay namin mula Malaysia, tuwing pasko lang. Ako ang panganay kaya ako ang nag aalaga dito, pero diko na naman masyadong binabatayan to grade 7 na din kasi kaya tingin ko kaya na nya sarili nya. Bahala na sya sa buhay nya.

you.Where stories live. Discover now