Xairus pov:
Amy! Wait! I didn't get it, bakit sya umiyak? Tapos bigla bigla aalis? weird huh.
Pag tawag ko kay amy pero hindi nya ako nilingon. Why? hays hayaan ko na lang muna ang babaeng to.
Naglalakad ako pauwi at hindi ko maiwasang isipin kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng Amy na yun sa sinabi ko tungkol sa aking pinsan.
Bakit? anong nakakaiyak dun?
"Peep peep!!"
"Ay Anak ng pating na may sampung anak!!"
Sunod-sunod kong sabi ng magulat ako sa busina ng isang kotse mula sa likuran ko. Bwisit ayoko talaga ng ginugulat ako.
"Yow coozz! mukang malalim ang iniisip natin ah at pumapagitna ka ng kalsada! Get in"
Bati saakin ng pinsan ko na si kyle. Sya pala ang nag mamaneho ng sasakyang gumulat saakin, hindi ko lang napansin na gumigitna na pala ako ng kalsada habang naglalakad kakaisip sa amy na yun shesh.
"Wait!"
Pagka upo ko sa loob ng sasakyan ay napapikit ako at napa idlip. "Let me sleep for a while here kai, I just want to rest" inunahan ko na si kyle, dahil alam ko na ayaw nya na may natutulog sa sasakyan nya pero pagod ako at gusto ko muna magpahinga.
Si kyle pa naman ang tipo ng tao na malinis at kakaiba sa mga normal na lalaki, daig pa nya ang babae sa pagbibihis pa lang napaka sagal na nito kumilos. Pero sya yung tipo ng lalaki na ang hilig sa nickname, kahit anong ibigay mo na nickname sa kanya basta maganda pakinggan, hindi nya lilimutan.
Kaya madami syang nickname na galing sa kung sino sino. And that's he always want, cute daw kasi pakinggan, but for me it's not. Ang cringe bruh.
"Yo, wakeup! We're here"
Paggising saakin ni kyle. Hinatid na nya pala ako sa bahay ko. Hindi naman kalayuan ang bahay nya sa bahay ko kaya naihatid nya ako kahit gabi na, I'm sure papagalitan na naman sya ng strikto nyang parents pag uwi dahil late na.
" Dito na pala ako e. Salamat kai, ingat pag uwi." Tugon ko dito at bumaba na.
"Ge, ingat" sagot nito.
Pagkapasok ko ng kwarto ko ay nahiga nako at natulog, syempre inaantok din kaya ako.
Amy's pov:
"Gosh! Bakit ko kasi tinanong? naiiyak tuloy ako. Masakit pala, so ano na self? anong gagawin mo ngayon ha? tanga mo kasi eh! kung si Clyde at kyle ay iisa, tapos pinsan pa nya si xairus edi sana sinaksak na lang ako ng sampong tao! Pamhirang buhay naman ito oo. Matutulog na lang muna ako dahil may pasok bukas hayst"
Malapit na ang exam namin at pagkatapos noon ay graduation na namin, mag kaka hiwa-hiwalay na kami, siguro ang iba naming kaklase ay sa ibang school mag co-collage. E ako? wala akong ka plano plano kung saan akong school mag aaral, hindi ko naman alam kung ano bang pangarap ko. Ano ngaba? si Ellise lang naman ang ka-close ko sa mga kaklase ko e.
Ang iba, hindi masyado. Siguro kung saan na lang ako dalhin ni lord doon na lang ako. Bahala na si batman eka nga.
Wait, sabi nila kung saan ka magaling, yun yung para sayo? sooo.. need ko kaya itry lahat ng pwede kong pasukang trabaho para alam ko ang kukunin kung track sa pag fill up ko ng form para sa collage?? para malaman ko kung saan ako magaling diba hehe.. can't waitt, andyan naman si Ellise para tulungan ako. Si mj? Busy yun kaya wag ko ng abalahin.
Habang nag iisip ng kung ano ano ay sa wakas nakatulog din ako ..
Nagising ako bandang 5 ng umaga, dahil naiihi ako. Papunta palang sana ako ng banyo ay nakita kong bukas pa ang ilaw ng kwarto ni aljur, siguro ay nag pupuyat na naman ang batang yun, teka nga papagalitan ko.
YOU ARE READING
you.
RomanceSa pagpasok natin sa totoong mundo, magpapasalamat ako sayo. Dahil nakilala kita at nakasama. I finally found you love. -amy.