"ouch!!" mahinang tugon ko ng maramdaman kong may humampas ng ulo ko mula sa pag kakahiga ko. Agad akong napatayo para gantihan kung sino man iyon. "gising na gaga! may pasok ka diba? tsaka sabay na tayo, titingnan ko kung pwede pa ako makapag enroll". Bungad saakin ni mj. "Hays sige na nga, maliligo lang ako." Tugon ko na lang dito at dumeretso sa banyo para maligo.
Kakarating lang namin ng school. Si mj naman hinayaan ko na lang, bahala na sya sa buhay malaki na sya. Andito ako sa room ko at maya maya mag s-start na naman ang klase. "Yo amy." Biglang gulat ko ng makita ko na nasa likod ko pala si xairus katabi nga pala sya ni ellise. "Ano?" Pabalang kong sagot saka tinalikuran sya at humarap sa unahan ko. "Nothing." Sagot nito saakin, "sus tawag tawa pa wala naman palang sasabihin che!" Bulong ko sa sarili.
Habang nag kaklase kami, may isang estudyanteng sumilip sa pinto ng room namin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang kasama nito, si mj! hawak hawak sya ng lalaking estudyante sa braso at mukang galit na galit. "Excuse me sir, may nakakakila ba dito sa babaeng to sa inyo?? kanina pa sya uli ng uli sa harap ng room namin at nadi-distract na nag mga kaklase ko kaya kanina ko pa hinahanap kaninong kasama po ito??!" Mabilis na sabi nito. Agad naman akong lumapit sa dalawa, "sir please excuse me, you can continue your lesson now, i'm sorry." Pagpapaalam ko sa guro ko at lumabas saglit para kausapin ang dalawa, nagulat ako ng lumabas din si xairus at sumunod saakin. "Hey yow coz! calm down, bumalik kana sa room mo. Mamaya kakausapin kita." Sabi ni xairus sa kasama ni mj. Wait.. magpinsan ba sila??? Omygod. "Pinsan mo xai?" Tanong ko dito habang pinapanood maglakad papalayo ang lalaki. "yea, sensya na ha mainitin lang talaga ulo nun, btw kaano ano mo yan?". tanong nito saakin sabay turo kay mj.
"Best friend ko yan, hindi ko nga alam bakit kasama sya ng pinsan mo, siguro uli ka ng uli gaga ka!". Sabi ko kay mj sabay lingon. "Xai, pasok kana sa room pasensya sa abala kung napikon ata pinsan mo dito sa best friend ko. Pakisabi sorry." Nahihiyang sabi ko dito. Nang mauna na saaking pumasok si xairus ay si mj naman ang tiningnan ko, parang paiyak ito at hindi alam kung anong gagawin. Hinayaan ko syang mag salita at magpaliwanag dahil mamaya ay kakaltukan ko na ito. "Gusto ko lang naman mag enroll bakit galit na galit saakin ang panget na iyon! hindi ko lang naman mahanap ang principal nyo dahil doon sana ako mag tatanong, malay ko ba kung saan ang principal office dito huhu" sabi nito saakin, napatawa na lang ako dahil ang panget ng itsura nya, mukang pagod at parang basang sisiw sa pawis. "Oona mamaya antayin mo labas ko malapit na ang last subject ko kaya lalabas na din ako maya maya, antayin mo ako. Dito ka lang" sabi ko dito at pumasok na sa room.
"Tara na" pag aaya ko kay mj dahil kakatapos lang ng klase ko. Naglakad kami at pumunta sa principal office para doon mag tanong kung anong kailangan para makapag enroll sya. Abot pa naman pala ang gagang to at buti dala na nya kung anong kailangan sa pag e-enroll. Nang matapos sya ay umuwi na kami, bukas ang first day of school nya at tinuro na din sa kanya kung saang room at section sya kasama. Grade 12 lang ein din sya gaya ko.
"Napagod ata ako ah" biglang sabi ni mj pagkahiga sa kama. "Kung ano ano ata ginawa mo kanina! ginalit mo pa yung pinsan ng kaklase ko!! nakakahiya tuloy gaga!" Sigaw ko dito. "Haha pero infairness ang pogi nung xairus beh! akin na lang iyon ha? ireto mo naman ako sa kanya oh" malanding sabi nito saakin habang nag pu-puppy eyes pa. "Ayoko nga, muka mo manigas ka!" Inis na tugon ko at kumuha ng kumot dahil inaantok na namn ako at gusto ko ng matulog.
Habang nag papaantok ako, biglang pumasok sa isip ko si Clyde. Anong meron sa kanya at hindi ko sya malimutan?? Bakit ang familiar saakin nung pinsan ni xairus?? ang weird. Tsaka si Clyde? Bakit hindi ko sya makalimutan? kahit na ang busy ko may oras pa din ako para isipin kung kamusta na ba sya, kung okay lang sya. Hays, antok lang yan amy. Sabi ko sa sarili at umidlip ng kaunti.
Maya maya nagising ako at nagugutom na. Nakita kong tulog si mj parang enjoy na enjoy pa sa panaginip nya. Pag bukas ko ng ref ay nakita kong wala na pala irong laman, oonga pala ilang linggo na din akong hindi nakakapag grocery. Kinuha ko yung shoulder bag ko at umalis ng bahay, wala kaming kakainin kung hindi ako mag go-grocery e.
Pagsakay ko ng jeep ay punuan at sikip, masyadong madaming pasahero si manong kainis. Nasisiksik ako, ang sikip. Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bag dahil naboboring ako, medyo traffic at may pagkamalayo ang palengke dito. Kaso wag na lang, naalala ko na baka madukutan paako kung sakali.
Pagka baba ko ng jeep ay nakita ko si xairus na naglalakad habang inaakay ang isang matandang babae. Mukang lola nya iyon. Hindi ko na sana papansinin dahil nagmamadali ako, baka magising na si mj at walang makakain doon ang bruha. Kaso nakita kong may nalaglag na wallet mula sa bulsa ni xairus, tanaw ko ito dahil hindi naman ako kalayuan sa kanya. Lalapit na sana ako para kunin iyon kaso may nauna saaking lalakeng madungis, tinakbo nya ang wallet at hindi iyon napansin ni xairus kaya heto ako ngayon hahabulin ang gag0ng yun para kunin yung wallet.
"HintooooooooooOoo!" Malakas kong sigaw dito, ramdam ko ang gulat ni xairus ng lumingon ito saakin pero hindi ko yun pinansin dahil hinahabol ko ang lalaki. Naabutan ko ito sa dulo ng palengke, yes nalibot ata namin ang palengke iyon sa pag hahabulan dahil sa lintik na wallte na yan. Nang ma-corner ko sya ay kinuha ko ang shoulder bag ko pinaikot ikot hanggang sa tamaan sya. Sakto sa mata nya tumama kaya nabitawan nya ang wallet kaya nakuha ko ito at agad tumakbo papalayo, hinablot ko yung wallet sa kanya at pinulot yung bag ko saka mabilis na tumakbo.
Pawis na pawis ako at pagod nadin. Nilibot ko ang tingin ko at nakita kong nag aantay si xairus sa may pinto sa isang maliit na mall na halos katapat lang din ng palengke. Nakita ko sya doon at ang mata nyang puno ng pag aalala. "Yo xai, asan yung matandang babaeng kasama mo?? ayos lang ba kayo?? Eto yung wallet oh, sa susunod mag ingat kayo ha." Sabi ko sa kanya habang hinahabol ang sarili kong hininga sa pagod. "Huy thankyou, si lola ko yun. Hinatid ko muna sa sasakyan dahil napagod kanina sa pag lalakad, ayos ka lang amy? gusto mo bang magpahinga muna?? tara kain tayo, libre ko." Biglang aya nito saakin. "You're welcome by the way next time na lang kapag free na ako at walang ginagawa hehe mamamalengke kasi ako ngayon ay kailangan na ding umuwi." Tugon ko dito. "Owss samahan na lang kita, tulungan kita mamalengke" pag aya nito saakin. Hindi ako makatanggi kaya pinayagan ko ito sumunod sa kung saan ako pupunta, sya din nag dadala ng pinamimili ko.
Kakatapos ko lang mamalengke at kukunin ko na ang kanina pa dala dala ni xairus ang pinamili ko. "No, hatid na kita para hindi kana mahirapan, masyadong mabigat ito at dumidilim na din, delekado." Sabi nito habang nakayukong nakatitig saakin. "Oona!, Pero wag mo naman akong tingnan ng ganyan kung maka yuko ka parang ang liit ko ah!" Naiinis pero natatawang sabi ko dito, naglakad lang kami habang nag uusap kapag kinukuha ko ang dala nya ay hindi nya binibigay, alam kong pagod na ito dahil mabigat din naman ang mga pinamili ko. Hays.
"Here you go. thankyou sa pagkuha ng wallet ko HAHA astig mo kanina. Kung diko kasama ang lola ko, baka sinuntok ko na ang lalaking iyon. Natatawang sabi nya saakin ng makarating na kami sa tapat ng bahay ko at inaabot saakin ang mga pinamili ko. "Nako HAHAH sa sunod ingatan mo na wallet mo ha, by the way thankyou sa pag hatid, mabigat din ito at alam kong napagod ka din, ingat sa pag uwi!" Nakangiting tugon ko dito at pumasok na ng bahay.
Pagka uwi ko ay nakita ko na tulog pa din ang gaga at wala manlang nag bago sa pwesto nya, hays gigisingin ko na ito at syang uutusan ko mag luto, kapagod kaya. "Gaga! bumangon ka dyan at lutuin mo yung pinamili ko! jusko" sigaw ko dito para magising, ang haba ng tulog nya hindi ba sya nababagot. "Ohmm~" tamlay na tugon nito at nag inat-inat ng katawan. Pagtayo nya ay dumeretso na sya sa kusina para mag luto. Himala naman ang sipag ng gaga.
Pagtapos nya mag luto ay tinawag ko na ang kapatid ko at kumain na kami, hmm pwede na masarap din. Kahit baliw to napapakinabangan pa naman kahit papaano.
YOU ARE READING
you.
RomanceSa pagpasok natin sa totoong mundo, magpapasalamat ako sayo. Dahil nakilala kita at nakasama. I finally found you love. -amy.