CHAPTER 6

25 0 0
                                    

Ano naman kayang isusuot ko sa debut na iyon? hays ang hirap naman hindi ako sanay mag dress. Bulong ko sa sarili habang nag hahanap ng isusuot. Alas-tres na ng hapon at kailangan ko ng mag-ayos dahil mamayang 5 ng hapon ay magsisimula na ang party. Ayoko naman malate. "Amy! Sabay na tayo pumunta doon. Sunduin kita dyan, i-chat mo ako kapag nakapagbihis kana.". Biglang chat saakin ni xairus, lalo tuloy akong nahihirapan mamili ng isusuot. Baka tawanan ako noon kapag nakita nya akong naka-dress hayst.

"Amyyyy!!! Tara naaaa" malakas na sigaw na narinig ko mula sa labas ng bahay namin. Sigurado akong si xairus iyon dahil kaboses nya naman. Bakit kailangan pa nyang pumunta dito? Hindi ba sya marunong mag antay ng chat ko? Kakatapos ko lang maligo e. Papasukin ko na lang muna to. "Tekaa laaaaaang! Pumasok kana lang dyan bukas naman ang pinto nagbibihis ako e! Dyan ka lang sa sala ha!" Sigaw ko dito. At nang madali sa pag aayos.

Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko. "Wow ngayon lang kita nakitang nag suot ng ganyan ah"
bungad saakin ni xairus, nahihiya tuloy ako dahil nakatitig sya saakin ngayon. Simpleng Of-shoulder na hanggang tuhod lang ang tanging dress na napili ko mula sa aking closet yun lang kasi ang matino sa lahat. Ayoko naman mang hiram kay mj dahil halos lahat ng mga dress noon ay kinulang sa tela. Ngayon lang ako nag suot ng ganto kaya hindi ako sanay, naka heels pa ako at mukang matatapilok ako bawat hakbang ko. Hindi ako sanay pero ang panget naman tingnan kung mag pa-pants ako at simpleng t-shirt diba?

"Aargh  wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Hindi ako sanay mag suot ng ganto e nahihirapan ako sa heels ko." Sagot ko dito, pansin ko na natatawa na sya saakin kaya inirapan ko ito ng palihim. Kainis.

Inaya ko na lang syang umalis na dahil baka malate pa kami kesa tawanan nya ako at asarin.

Nang makarating na kami sa event ay pinagbuksan nya ako ng pinto ng taxi na sinakyan namin. Nakahawak ako sa braso nya habang naglalakad dahil kapag hindi ako humawak sa kanya ay baka matapilok ako. Ilang kaklase din namin ang naroon habang tinitingnan kami xairus maglakad papasok.

"Yo, asan ang birthday girl?" Tanong ni xairus sa mga kaklase naming naroon. "Mamaya pa sya lalabas par kapag tinawag na sya ng host." Sagot ng mga ito. "Ikaw ba yan amy? Ganda mo ngayon ah!" Bati saakin ni rex. Andito nga din pala sya hays kainis nakita ko na naman ang pagmumuka nito. "Layuan mo nga ako, nasa mood ako ngayon kaya wag mong sirain ang mood ko" mataray na sagot ko dito. Nanahimik ito at pumunta sa kabilang table.

Maganda din ang event. Mukang matagal din pinaghandaan at inayos. Naupo kami ni xairus sa isang table kung nasaan ang iba naming kaklase para ma rin hindi kami ma-out of place at para may kausap kami at hindi din mababagot. "Good evening ladies and gentlemen! Thankyou for coming everyone. so let's start our party? Please enjoy the moment." Nagsimula na ang event hanggang sa lumabas na din ang may birthday naming kaklase. Ang ganda nya sobra, gusto ko din maranasan mag debut parang ang saya kasi.

Nang matapos na ang 18 roses,18 gifts, 18 blue bells at kung ano anong kaunting palaro para sa mga bisita ay nagsimula ng mag labas ng mga inuming alak. Hindi ako gaano umiinom kaya hindi ko alam ang mangyayare pag nalasing ako. "Cheer's!!" Masayang sigaw ni xairus sa amin, nag simula na kaming mag-inuman. Hindi naman matapang ang alak pero mabilis kasi ako malasing at ramdam ko ng namumula na ang muka ko kaya tumigil na ako sa pag-inom. Si xairus naman lasing na lasing na at kanina pa nag sasayaw. Hays mukang mababaliktad. Ako ata ngayon ang mag hahatid sa kanya pauwi at hindi sya.

"Enough xairus, your drunk. Paano tayo uuwi nyan? Ang bigat mo para buhatin ka aning!" Pagsuway ko dito, dahil hindi ko alam kung paano kami uuwi. Anong oras na din at mukang wala na kaming masasakyan. Anong gagawin ko dito? Hindi pa naman ako masyadong lasing pero ramdam ko na pag tumayo ako ay mahihilo ako ng bongga.

Nakita kong buhay ang cellphone ni xairus mula sa bulsa nya kaya kinuha ko ito ng hindi nya napapansin. Mukang may tumatawag sa kanya kanina pa. "Kyle"tama si kyle kanina pa sya tumatawag hindi yata napapansin ng lalakeng to!

Sinagot ko yon pero hindi ko sya marinig dahil masyadong maingay sa loob kaya lumabas muna ako. Pinilit kong maglakad ng matino kahit pagewang-gewang na ako palabas. "Kyle sunduin mo naman kami dito oh, hindi ko kayang ihatid si xai dahil medyo may tama na din ako at nahihilo". Malakas na sabi ko dito. "Omygod you two are okay? On the way na ako i-text mo saakin kung saan yan" nag-aalalang tugon nito. Pag tapos ko i-text sa kanya kung nasaan kami ay pumasok na uli ako at naupo.

Ilang minuto lang hindi ko ramdam na nakaidlip na pala ako. Ramdam ko na may gumigising saakin kaya nagising ako. Andito na si kyle sa wakas makakauwi na din kami. Dala daw nya ang kotse ng dad nya, hiniram lang daw nya iyon kaya may masasakyan kami.

Inuna nyang isakay si xairus na lasing na lasing. Bago nya ako inalalayan mag lakad dahil sobrang nahihilo na talaga ako.

Magkatabi kami ni xairus sa loob ng sasakyan at ang ingay ng lalakeng to. Naiirita na ako masyadong makulit. "Ikaw kyle? Diba nag rp ka noon? Kinwento mo saakin yun dati diba HAHA ano nga ba yun?? Ash?? Wahah" tumino ang utak ko sa narinig ko mula kay xairus, teka ash? Rp acc ko yun ah! Wag mong sabihin na... n-naa.. "hasyt shut up xai! Or else ihahagis kita dito sa tulay na dinadaanan natin!" Tugon nito kay xairus na natahimik at mukang inaantok na dahil sa pagod.

Inuna akong inihatid ni kyle sa bahay ko. Sya na daw ang bahala kay xairus. "Yo kyle thankyou sa paghatid pasensya na sa abala, ingat kayo!!" Pag papaalam ko dito ng makarating kami sa tapat ng bahay namin. "You're welcome amy, take care!" Tugon nito at umalis na.

Kahit may tama ako ay hindi ko malimutan ang sinabi ni xairus kanina. Hindi kaya si kyle at Clyde ay iisa?? Grabeng coincidence naman to kung sakali. Gusto ko syang tanungin kung tama ba ang hinala ko. Pero yun din kaya ang dahilan bakit sobrang familiar ko kay kyle?? Mygosh, pagod lang to amy lasing ka lang. Bulong ko sa sarili at pumasok na ng bahay.







you.Where stories live. Discover now