Umaga na naman at nag bibihis na ako para makapasok ng maaga at ng hindi na naman malate. "Hoy mj! Bilisan mo naman" sigaw ko dito "teka eto na, tara na." Tugon nito saakin.
Nang makarating na kami sa school ay nang hiwalay na kami ng daan dahil magkaiba naman ang section namin at malayo ang room namin sa isa't isa. "Chat kita pag malalate ako ng uwi, pero mauna kana umuwi mamaya!" Sigaw ko dito dahil baka may project na naman akong tapusin at malalate na namn ako ng uwi. Kaway lang ang sinagot ni mj saakin, meaning "sige".
"Yo good morning amy!" Bati saakin ni rex sabay akbay sa balikat ko. "Good morning, bitawan mo na ako. Mang aasar kana naman e!" Sigaw ko dito. "Hindi ah, mabait ako ngayon kaya sulitin mo na" tugon nito. Kinuha ko ang kamay nyang naka akbay saakin at ibinababa kasabay ng pag irap at pag talikod ko sa kanya. Umupo ako at humarap kay ellise, gagaya sana ako ng assignment sa kanya pero nakita ko ang mungot na muka ni xairus. "Anyare?" Tanong ko sa kanilang dalawa dahil akala ko ay mag ka away sila ni ellise. "Luh ewan ko amy diko yan inaano ha kusa lang yang sumimangot, nagseselos ata sainyo yiii" kinikilig na sagot ni ellise. Hays ang haliparot na gagang to. "E?? Pagaya na lang ako ellise mamaya andito na yung mataray nating teacher dali" sagot ko na lang. Pansin kong tinitingnan pa din ako ni xairus pero hindi ko na lang iyon pinansin, naiilang ako.
Habang nag kaklase ay hindi ko maiwasang isipin kung nagseselos nga ba si xairus kay rex. Bakit sya mag seselos doon e lagi nga nun akong inaasar e! makita ko lang ang pagmumuka ng lalakeng yun nababad-trip na ako at nasisira na ang araw ko. Kung dati ay crush na crush ko ang mokong na iyon, ngayon ay hindi na. Ews. Pero bakit nga ba? bakit sya mag seselos? may gusto ba sya saakin? M-mygod. kapag nag tabi kami mag mumuka lang akong inaanak nya e! Feel ko maaawkward yata ako kapag kinausap nya uli ako. Siguro crush nya ako no?! Aaaaaaa!! "Miss amyyy!!!!" Malakas na sigaw ang narinig ko mula sa aking guro kaya naman nasirang bigla ang imagination ko, kainis. "I called you 3 times, hindi mo ba ako nakikinig?! Answer this question quickly." Mataray na sabi nito saakin, hindi ko alam ang isasagot huhu anong gagawin ko? Nabablanko ako. "Sorry ma'am hindi ako nakinig may iniisip lang po, hindi ko po alam ang sagot" nakayukong sagot ko.
"Hindi kasi kayo nakikinig! kanina pa ako nagsasalita dito. Sa susunod mag focus naman kayo, salamat." Kalmadong sabi nito saamin. Hays kahiya napagalitan na naman ako, nasabihan din tuloy ang lahat.
Kinuha ko na ang notebook ko at akmang aalis na dahil labasan na din naman. Nang may humawak sa balikat ko "tara? Kain tayo sa labas?" Nakangiti-ng pag aaya saakin ni xairus. Papayag ba ako?? Hehe sige na nga minsan lang naman e', "uhm sige ba, tara na?" Pagpayag ko dito. "Ahm wait, kasama ko pinsan ko e wala syang kasabay kumain, okay lang ba sa'yo?" seryosong tanong nito. Wait,pinsan nya? yung nagreklamo kay mj?? hala! Nakakahiya tumanggi. "Uhm oo naman okay lang" tugon ko dito. Nahihiya ako bakit ganun?
"Ey coz! let's go? ows by the way this is amy, my classmate. Sya yung best friend ng dinala mong babae nung minsan sa room namin." Pagpapakilala saakin ni xairus sa pinsan nya. "Hi i'm amy nice to meet you, and you are?" Tanong ko dito dahil hindi ko pa naman alam ang pangalan nya. "Yo hi amy, i'm kyle storm xairu's cousin, nice to meet you." Bati nito saakin habang kinakamayan ako. "Uhm pasensya na sa pinsan ko noong nakaraan ah? Mukang nagalit ka ata hehe ganon lang talaga yun, patanga-tanga kasi e" sabi ko dito "no worries, it's fine wala lang ako sa mood noon" tugon nito. Naglalakad kami papunta sa isang restaurant. "Amy what do you want to eat? don't be shy libre ko naman ito sayo, ay sa inyo pala." Sagot nito, natawa ako ng kaunti doon ah HAHA nalimutan nya atang tatlo kami. Kawawang xairus. "Waiter!" Tawag ko para maka order na din kami ng kakainin namin, lumapit ito at sinabi ko kung anong gusto kong i-order.
Habang kumakain kami, may napapansin na naman ako kay kyle. I don't know why but he's so familiar. Gustong-gusto kong itanong sa kanya kung may rp acc ba sya pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Nang matapos kami kumain ay naglakad na lang kami pauwi gusto daw nila mag muni-muni kaya sumabay na lang ako sa kanila imbes na sumakay. Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin ang isa naming kaklase, may dala itong papel, mukang invitation card. "Uy buti nakita ko kayo papunta sana ako sainyo amy,xai. Pwede ko ba kqyong imbitahin pumunta sa birthday party ko bukas? Sakto wala tayong pasok non. Punta kayo please? Debut ko na bukas i'm already 18 finally HAHA, antayin ko kayo ha?? salamattttt!!!" Sabi nito saamin, hindi pa man kami nakakasagot ni xai ay umalis na ito mukang ayaw nya kaming tumanggi. Hays anong magagawa ko? pupunta na lang ako kesa mag tampo pa iyon. "Hindi manlang tayo inantay makasagot e no?" Reklamo saakin ni xai. "Pumunta kana lang kesa mag tampo pa sayo ang babaeng yon" tugon ko at nagpatuloy na uli kami sa pag lalakad. "Ang ganda nun ah isama mo naman ako bukas sa birthday party nya coz!" Biglang sabi ni kyle. Mukang babaero ata to ah. "Ang tanong, inimbita kaba? Nakinig mo namang kami lang ni amy ang inimbita nya diba? mahiya ka nga!" Natatawang sagot ni xai sa pinsan.
"Edi ako ang bodyguard ninyong dalawa! Diba amy? Isama nyo na ako please" pagmamakaawa nito saamin. "Kaya ko namang protektahan si amy ah! wag kana ngang sumama." Eh ? Eh? Henebe. Kikiligin naba ako doon? "Nako kayong dalawa dito pa ata kayo mag aaway! Osya dito na lang ako salamat sa pag hatid!! Haha kyle! Makiusap ka kau xai na isama ka, kulitin mo hanggang sa hindi makatulog!" Biro ko sa dalawa habang naglalakad papalayo. Mababait din naman pala ang dalawang loko, hinatid ako hoho.
"Mj! Aljur! Andito na ako!" Pambubulabog ko sa dalawa pagpasok ko ng bahay. "Ang ingay mo gagaka! Ano naman kung andito kana? Todo sigaw kapa e kakatulog lang ng kapatid mo!" Inis na sabi saakin ni mj, wow kelan pa to nag ka concern sa kapatid ko? Aba himala. Pagkapasok ko ng kwarto ay nahiga na agad ako dahil medyo napagod ako kanina at nagmuni-muni saglit pampa-antok dahil mukang malalasing ako bukas sa party na pupuntahan ko..
YOU ARE READING
you.
RomanceSa pagpasok natin sa totoong mundo, magpapasalamat ako sayo. Dahil nakilala kita at nakasama. I finally found you love. -amy.