CHAPTER 8

12 0 0
                                    

Shit! Anong gagawin ko ngayon?? Parang nahihiya ako kay xai.

It's already 7 o'clock at kakadating ko lang ng school, naglalakad ako papunta sa room ko na medyo kinakabahan na hindi ko maintindihan. Mygosh mag so-sorry na lang ako at mag papanggap na okay lang ang lahat. Sana hindi naman galit saakin ang xai na iyon.

"Good morning amy!" Bati saakin ni rex pero ewan ko ba kahit wala naman tong ginagawang ikakagalit ko ay kahit sa simpeng bati lang kinaiinisan ko na ito.

Pag pasok ko ng classroom ay nakita ko si xairus na nakikipag daldalan sa iba naming kaklase habang naka sandal sa upuan. Hindi niya ako nililingon kahit sabihan na sya ng kadaldalan nya na andoon ako sa likuran nya. Alam ko na, galit nga ito saakin. Siguro naman ay madadaan pa ito sa icecream no? Hays.

Tinawag ko ito ngunit parang wala pa din syang naririnig. Kainis bakit ko kasi nakalimutan hayst.

Wala pa naman ang teacher namin kaya nag cellphone na lang ako dahil hindi naman ako pinapansin nung isa dyan.

Bago ko pa lang bubuksan ang bag ko para kunin ang cellphone ko ay narinig kong may tumawag na sa pangalan ko, pero hindi naman ito kaboses ni xairus.

Lumabas ako ng room para tingnan kung sino iyon. Si mj lang pala kasama si kyle. "Hi baliw! May gustong kamustahin ka oh kaya dinala ko dito" biglang sabi nito saakin sabay lingon kay rex na biglang napa kamot sa batok kahit na mukang hindi naman makati.

"How are you amy? Is everything okay? Nag aalalang sabi nito saakin. "yea don't worry okay lang ako salamat sa pag aalala." Tugon ko dito at nginitian. "You're welcome, mabuti at okay ka dahil kung hindi sisisihin ko talaga si xai." Sabi nito saakin. Tinawanan ko lang ito.

Bigla bigla ay lumabas si xairus at pinuntahan kami nina kyle na nag uusap lang sa labas ng room namin. "Wazzup coz!" Bati ni kyle kay xairus. Imbes na batiin nito pabalik ang pinsan ay bigla nitong hinala ang kamay ko at patakbo kung saan, "ah guys mamaya uli b-byeee!!" Sigaw ko sa dalawa dahil napaka bilis ng paghila ni xai sa kamay ko.

Nang tumigil ito kasabay ng pag bitaw sa kamay ko ay napaupo ako habang hinihingal. "Ano ba! Hindi manlang ako nakapag paalam ng maayos sa pinsan mo e!" Inis na sabi ko dito. "Tsk bakit kausap mo ang pinsan ko? At talagang ang saya mo pa! Psh! Galit na sabi nito saakin. Sabagay bakit ngaba ako masaya habang may kasalanan pa pala ako sa lalaki na to. Ay naku.

"Syempre kinamusta ako ng pinsan mo! kaya dapat masaya ako! Tugon ko dito.

Lumalapit ito saakin habang ako ay paatras ng paatras, kinakabahan ata ako baka susuntukin na nya ako mygooood! Habang umaatras ako ay humahakbang naman sya palapit saakin.

Hanggang sa hindi na ako makahakbang dahil sa pader na nasasandalan ko. "Shit! Anong gagawin ko?? huhu pipikit na lang ako para hindi ko masyado maramdaman ang sakit ng suntok nya!!" Bulong ko sa sarili. Ngunit hindi suntok ang ginawa nito.

Ramdam ko ang unti unti nyang pag lapit ng kaniyang mga labi saaking tenga habang sinasabi na "sa susunod na aayain mo ako lumabas, tutupadin mo dahil inaantay kita kagabi sa labas ng bahay nyo hindi mo ako nilalabas." Bulong nito saakin habang naka suntok ang isang kamay sa pader na sinasandalan ko, nang tinanggal nya ito ay naka hinga na ako ng maluwag. Oras na para mag paliwanag.

"Okay xai, ganto kasi yun. Dumating ang nanay ko kagabi lang at matagal ko syang hindi nakasama, surprise kumbaga umuwi sya ng hindi namin alam ng kapatid ko. Hindi ko pansin ang oras at nakalimutan ko na inaya kita kagabi kaya hindi ko na nagawang buksan ang message mo, sorry xai." Mahinahon ko na tugon dito.

"Ayoko ng sorry, gusto ko ng icecream mamaya pagkatapos ng klase." Masungit na sabi nito at umalis na. Sabi na ngaba icecream lang katapat neto eh, sa wakas okay na din kami. "Let's go. Bilisan mo ang lakad hindi yung para kang minion dyan na tumatalon." Biglang sabi nito na dahilan para mainis na naman ako, hays hindi naman ako maliit ah! Matangkad lang sya! Balak ko sana itong sambunutan kaso naisip ko na kakabati lang namin kaya sa susunod na lang. "Oo na po! Pasalamat ka hindi kita magantihan!" Mahinang sigaw ko dito at binilisan ang lakad. "May sinasabi kaba?!" Masungit na sabi nito. "Wala!" Tugon ko dito habang sinasabayan ko itong mag lakad papunta sa classroom namin.

"Amy! Xairus! Late na naman kayo! Matatapos na lang ang oras ng klase ko ay wala pa kayo! Please Be responsible naman, hindi na kayo elementary para pagsbihan ko pa ng kung ano ano, next time sana naman wala ng malalate sa klase ko, maliwanag ba class? Okay goodbye." Sermon na natanggap namin ni xai mula sa aming guro, late na naman kami parehas kaya napagalitan na naman kami. "Ayan napagalitan tuloy tayo" bulong sakin ni xai." Ako pa talaga sinisi ng lalaking to wow ha. Bulong ko sa sarili, inirapan ko lang ito ng palihim at hindi sinagot dahil kung sasagutin ko ito ay hahaba ng hahaba ang asaran namin at wala ako sa mood para doon.

Ilang oras na lang ay matatapos na ang last subject namin, malapit na matapos ang klase ilang minutes na lang. Hindi ko inaalis sa isip ko ang icecream na ililibre ko kay xairus dahil kung nakalimutan ko na naman ito ay baka hindi na ako nito pansinin habang buhay. Joke, ang oa ko naman hehe.

"This is it! Lezzgooo amyyy ililibre mo pa akooo yiii" exited na pag aakit saakin ni xairus pag ka alis ng teacher namin. Ang olay naman ng lalaking to icecream lang naman masyadong exited ngayon lang ba sya makakakain ng icecream??

"Oona tara na para kang bata dyan tsk" tugon ko dito. Naglalakad kami papunta sa 7/11 na bibilhan namin ng icecream, naiilang ako dito naka hawak sya sa braso ko na parang bata na akay akay ko. "Anuba xai bitawan mo nga ako di mo ba kaya mag lakad mag isa" biglang sabi ko dito ng hindi ko na matiis ang pagka ilang ko. "Arte mo minsan lang e" tsk hayaan ko na nga hahaha sabagay muka naman talaga syang bata ang pinag kaiba lang matangkad tsk.

"Thankyou hehe hindi naman talaga ako galit sayo e HAHAHAHHAHAHA! Umarte lang ako para mailibre mo ng icecream" biglang sabi nito saakin pagtapos ko mag bayad sa counter. "Ano?!! Aysss sana umuwi na lang ako bahala ka nga!" Inis na tugon ko dito. "Ano kaba amy bakit ako magagalit, ano namang masama kung mag antay ako diba tsaka saglit lang ako nag antay dyan sa inyo umalis na ako agad dahil ang akala ko tulog ka dahil pagod, pero okay lang" paliwanag nito saakin habang kumakain ng icecream. "Nakuu ka talaga! Akala ko galit ka sana di na lang kita nilibre, ang daya mo!" Tugon ko dito na sinabayan ko ng kaunting hampas sa balikat.

"Hay nako sige na nga ubusin mo na yan mauuna na ako umuwi bye" sabi ko na lang dito, aalis na sana ako ng magsalita pa ito. "sino kasabay mo? Mag isa ka lang ba? Sunod sunod na tanong nito. Tumigil ako saglit para sagutin sya "wala akong kasama kaya ko naman ano kaba" natatawang sabi ko dito. "nah hatid na kita, mas maganda mag lakad pag may kasama" sagot nito at lumapit sakin para sabayan ako sa pag lalakad.

Habang nag lalakad kami nag ke-kwentohan lang kami tungkol sa mga kung ano anong bagay na nakikita namin. "Btw xai ano yung sinabi mo nung lasing tayo about kay kyle?" Biglang tanong ko dito dahil naalala ko na iyon nga pala ang sadya ko kung bakit ko siya inaya lumabas. "Ah alin don? Medyo hindi ko tanda" sagot nito. "Yung sinabi mo na kinwento sayo ni kyle tungkol sa rp nya someone name ashh?" Tanong ko dito. Ilang minuto bago ito sumagot na parang pinag iisipan pa kung sasagutin ba ako o hindi. "C'mon gusto ko lang malaman na curious kasi ako eh" pag pilit ko dito. Bago ito sumagot ay nag labas ito ng isang buntong hininga.

"So nasabi ko pala iyon kagabi? Yep matagal na ng nangyari iyon, si kyle na dating nag rp at nasanay sa isang babaeng palagi niyang kausap. Na Bigla na lang nawala at umalis ng rpw. Pagkatapos nun palagi na lang lumbay si kyle at lungkot na lungkot, masyado na syang focus sa pag aaral at para hindi maisip ang nangyare nag papakabusy sya at minsan pinapabayaan pa ang sarili. Dahil lang yun sa ash na yun ah" kwento nito saakin, so ako nga yun? ano kayang pangalan ng rp acc ni kyle?? "Uhm xai alam mo kung anong pangalan ng rp acc nya??" Tanong ko dito. "ah yeah, Clyde Edwards" ng marinig ko ang pagkakasabi nito ay hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko, i feel bad for him, nagbago sya dahil saakin. Tama ang hinala ko, si Clyde at kyle ay iisa, kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya unang kita ko palang .

"Oh! Mygod amy what happened? May nasabi ba akong mali?? Bakit ka umiiyak? Ohh please stop, I'm sorry" nag aalalang sabi nito ngunit nginitian ko lang ito. "No xai, salamat at sinabi mo saakin ang bagay na yan. So dahil malapit na naman ako saamin, salamat sa pag hatid, don't worry I'm okay, ingat ka pag uwi" tugon ko dito at nag lakad palayo.

you.Where stories live. Discover now