Matagal na sa mental hospital si Mama, mahigit tatlong taon na yata mula noong ipinasok namin siya sa ospital na 'yon. She's been haunted by her trauma for years now, the reason why she ended up in the mental hospital. Hindi madali ang dinanas namin, masakit makita ang Mama mo na unti-unting nababaliw at nagwawala. Kailangan naming tanggapin iyon ni Papa, ngayon, hinihintay nalang namin siyang tuluyang gumaling at bumalik sa buhay namin dati.
"Pwet mo matambok," sabi ni Andrei sabay palo sa pwet ko.
Another day, another case to solve. Sigurado akong may report nanaman mamaya. Sana nga lang hindi na prank call ang matatanggap namin ngayon. We don't have time for that.
"Bakla ka ba?" tanong ko sa kanya.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin tsaka tumingin sa labi ko. Iniwas ko ang mukha ko sa kan'ya tsaka siya naglabas ng ATM Card, inipit sa dalawang daliri at pinakita sa 'kin.
"Mamaya? Motel?" sabi niya sabay wink. Napangiwi ako kaya nasuntok ko siya sa sikmura.
"ARAY! Binibiro lang e!" asik niya habang hawak ang sikmura niya.
Napapailing nalang ang mga pulis na kasama namin sa quarters habang tumatawa.
"Biro mo, bakla," sagot ko sa kanya tsaka tinulungan na tumayo.
Minsan napapaisip na rin ako sa kasarian niya e. Umaastang bakla minsan.
"Hoy! Ilibre mo ako ngayon ng lunch. May promise ka sa 'kin," sabi niya habang pinagpagan ang damit. Talagang hindi kinakalimutan ang mga sinasabi ko sa kanya.
Actually, hindi kami nagsusuot ng uniform. Naka-polo lang ako lagi at pants, ganoon din si Andrei. Wala kaming official uniform, ewan ko sa headquarters bakit wala kami. Mga pulis lang ang meron.
"Wala ka bang pera ha? Noong isang araw wala kang pang-gas, tapos ngayon wala kang pang-kain," utas ko habang nagbibilang sa daliri ko.
"Nagtitipid kasi ako," sagot niya at umiwas ng tingin.
Tumayo ako at ako naman lumapit sa mukha niya at sinuri ito habang nanliliit ang mga mata. Naiilang naman niyang nilayo 'yon at kunwari ay umubo.
"Para saan naman?" usisa ko.
"Secret," sagot niya at kumuha ng folder para magbasa.
"Babae iyan ano? Papakasal ka na?" tanong ko ulit sa kanya at mas inilapit pa ang mukha ko.
Alam ko na ito. Kapag ganyan ang reaksyon niya ay babae ang iniisip niya. Puro nalang siya babae, kaya naturing na notorious flirt noong nag-aaral pa kami. Kahit ngayon ay lapitin ng babae, may nag-rereport dito na mga babae na nawawalan ng mga gamit e hindi naman namin sakop ang mga ganyang problema. Nagpupunta lang naman ang iba dito para kay Andrei, minsan hinihingi ang number naming dalawa na hindi naman namin binibigay.
"Hindi ah! Nag-iipon lang para sa future gano'n," depensa niya.
"Babae nga," tukso ko.
"Hindi nga," sagot niya at namula. Kinikilig pa ang bantot. Alam ko na galawan nitong si Andrei.
"Sabi mo e. Sino iyan?" tanong ko at inusog ang upuan papalapit sa kanya.
"Wala nga e. Iyong anak lang ng kaibigan ni Mama," sagot niya, nahiya pa ang animal.
Pumikit siya at huminga ng malalim dahil bigla siyang napaamin.
"Kailan pa?"
"Noong isang araw," sagot niya. Hinampas ko siya sa braso kaya siya napadaing sa sakit.
"Nakaka-ilan ka na ha?" reklamo niya at hinimas-himas ang balikat dahil siguro sa sakit ng hampas ko.
"Dalawa pa lang. Speed mo bro," biro ko sa kanya. Tumawa naman ang loko at nag-kwento.
YOU ARE READING
Save Me, Heal Me
Mystery / ThrillerDetectives Nathan Mendoza and Andrei Morales are in their quest to find the suspect of the serial murder that is happening in town. In the midst of their investigation, they met a woman with a multiple personality disorder or MPD. They are somehow l...