Kinabukasan, we went on with Plan B. To check the other hospitals here in Quezon City. The hospitals near us failed to give us the matching prints of the suspect. Kaya susubok ulit kami, kakasimula pa lang ng araw kaya hindi kami pwedeng mawala ng pag-asa. Ang mga tao ay hindi nawawalan ng pagpasa sa amin kaya hindi namin sila bibiguin.
Ilang hospital na sa Quezon City ang napuntahan namin, pati sa mga kalapit na lungsod. Alam naming imposible but we have to take a risk.
The people are in chaos, the nation is. Every night is a nightmare for them. They can't even sleep knowing that their child is still outside. Some of the women cut their hair short, avoiding the possibility of being the next victim. Everyone is worried and as is our job, we have to take action.
"Bro, kain muna tayo. Ala-una na pero wala pa tayong lunch," aya ni Andrei.
Kanina pa kami dito sa hospital, wala pa rin namang update kaya lumabas muna kaming tatlo para kumain diyan sa malapit na fast food chain.
Nag-order lang ako ng fried chicken, gano'n din silang dalawa. Naupo kami sa bakanteng mesa na pang-apat malapit sa bintana. Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Gutom nga talaga kami dahil sa bilis naming kumain, pagod din kami dahil ang aga namin nagsimula.
"Detective, kanina pa po nakatingin sa 'yo 'yong babae oh," sabi ni Richard, ang kasama naming pulis habang may tinuturo ang likod ko. Katabi ko si Andrei at pati siya lumingon.
Napa-ubo agad si Andrei nang makita niya si Sandlers na nakapila sa counter. Nagkatitigan kaming dalawa, ngumiti siya sa akin. Si Simone. I knew from her looks today and the way she smiles.
I can't believe na kumakain siya sa ganitong kainan knowing kung gaano siya kayaman. Ang akala ko maarte siya, pero baka itong si Simone ay isang simpleng babae lang.
Sa totoo lang kapag nakikita ko siya hindi ko alam kung sino siya hanggang hindi siya nagsasalita o kung hindi ko nakikita ang kabuuan niya. Doon ko lang malalaman kung sino siya kapag nagsasalita siya o kung paano siya gumalaw at manamit.
Tulad ngayon, alam kong siya si Simone kahit hindi pa siya nagsasalita dahil sa pananamit at galaw niyang hindi makabasag pinggan.
Bumagay sa kanya ang suot niyang maikling fit, at kulay blue na dress na may malaking ribbon pa sa may kaliwang balikat. Nakalugay rin ang mahaba niyang buhok ngayon. Para siyang model lagi sa suot niya, magaling siyang mag-ayos, parang araw-araw runway.
Pinagtitinginan na din siya ng ibang customer dahil sa suot niya. Lalo na ang mga kalalakihan, sa iksi ba naman ng suot niya at hapit pa sa katawan. Sino ang hindi mapapatingin dun? Nakakainis bigla.
Nang matapos siyang mag-order, bitbit niya ang tray ng pagkain niya at lumapit sa mesa namin.
"Ehem!" pag-iinarte ni Andrei.
Ngumiti naman si Simone sa amin.
"Hi, can I sit here?" malumanay niyang tanong.
"Oo naman. Gusto mo tabi pa kayo ni Nathan e," sabi ni Andrei at lumipat sa tabi ni Richard. Nilapag naman agad ni Simone ang tray at naupo sa tabi ko. Umusog ako sa gilid para hindi magtama ang balat namin.
"Thank you," sabi niya na tinanguan ko lang at bahagya siyang nginitian dahil naiilang ako sa kanya.
Sinimulan na niyang kainin ang burger niya. Parang hindi naman ako makapaniwala na dito siya kumakain, I mean, masyado siyang elegante para sa lugar na 'to. Hindi bagay sa kanya at sa suot niya.
Parang wala lang at nagpatuloy sa pag-kain ang dalawang kasama ko habang nanunukso ang mga mata. Palihim ko silang inambaan ng suntok dahil sa inis.
Napatingin ako sa mga lalaki sa tapat ng table namin. Sumisilip sila sa ilalim ng mesa, napansin ko agad na sa legs ni Simone sila tumitingin. Inis kong hinubad ang denim jacket ko at pinatong sa legs niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko, ganoon din ang dalawa sa harap namin. Umiwas ako ng tingin, naiilang ako. Bakit ba kasi ganyan ang suot niya?
YOU ARE READING
Save Me, Heal Me
Mystery / ThrillerDetectives Nathan Mendoza and Andrei Morales are in their quest to find the suspect of the serial murder that is happening in town. In the midst of their investigation, they met a woman with a multiple personality disorder or MPD. They are somehow l...