Chapter 8

1 0 0
                                    

"Hi, Simone," bati ko sa kanya at ngumiti.

Ngumiti naman siya bilang sagot sa akin tsaka siya tumingin sa likod ko kung nasaan si Andrei at ngumiti din.

"Hi, Simone. How are you?" seryosong tanong ni Andrei tsaka naupo sa upuan sa tabi ng higaan ni Simone.

Naupo rin ako sa tabi niya.

"I'm doing fine. Recovering," maikling sagot niya.

"Dinalhan ka pala namin ni Nathan ng bulalo. Baka kasi 'di ka kumakain ng maayos dito kasi walang lasa ang pagkain 'di ba? Huwag mo lang sabihin sa nurse o doktor mo na kumain ka ng bulalo kung bawal," mahabang litanya ni Andrei at inihanda ang bulalo.

Tinanggal niya ito sa pagkakabalot at tsaka inabot kay Simone. Tinanggap naman ito ni Simone, ngumiti muna siya sa akin bago humigop ng sabaw. Napapikit naman siya sa sarap kaya napangiti ako nang malamang gusto niya rin ito.

"Thank you for this. Nag-abala pa kayo," tugon niya. Hinayaan lang namin siyang humigop ng sabaw.

Napansin kong ganoon pa rin ang ayos ng bed side table niya kahapon at ngayon, siguro walang ibang dumalaw sa kanya. Tatanungin ko sana siya pero I think it would be rude to ask that.

"Bro, iiwan ko muna kayo ha. May gagawin lang ako," paalam ni Andrei tsaka tumayo at lumabas dala ang bag niya.

Alam ko kung ano ang gagawin niya kaya pinaubaya ko nalang sa kanya iyon. He smirked at me on his way out, and I know what that smirk means.

"Hi, may masakit pa ba sa 'yo?" tanong ko sa kanya nang isara ni Andrei ang pinto ng kwarto.

"Medyo masakit pa iyong sugat ko sa operation but I can manage," sagot niya.

Natahimik kaming dalawa bigla. Nahihiya ako bigla at hindi makapagsalita. Mahiyain din kasi si Simone. Hindi tulad ni Helleigna na matapang magsalita, lalo nang hindi tulad ni Diana na isip-bata kaya madaling kausapin.

"So, how's the case?" biglang tanong niya upang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.

"Yeah, he's facing charges. I mean, the one who shot you," mahinahong paliwanag ko.

Tumango-tango lang siya.

"I'll get out of the hospital later, may marami pa akong gagawin kasi. I can manage naman. The nurse taught me how to do things on my own," paliwanag niya.

"Pero kakabuti pa lang ng pakiramdam mo, baka mapano ka niyan. Wala kang kasama."

Nag-aalala lang ako sa kanya. She's reckless at times and she's living alone, batay sa tsismis sa akin ni Andrei. Kung may sakaling mangyari sa kanya, walang ibang tutulong sa kanya. And if she's in her Helleigna state, sigurado akong mas lalong hindi siya hihingi ng tulong sa kung kanino. She's strong and independent. And stubborn.

"I'm fine, I'm not a kid," she insisted kaya hindi na ako nagsalita pa dahil wala rin naman akong karapatan na samahan siya, let alone pigilan siya.

Hindi naman na kami nag-usap pagkatapos kaya naisipan ko nalang magpaalam para tingnan kung ano ng nangyayari sa ginagawa ni Andrei.

"Alis na ako, magpahinga ka na. Lalabas ka pa naman mamaya. You need energy. Just tell me if you need anything," paalam ko.

"Okay thanks. Bye," sagot niya tsaka humiga ng maayos at tumalikod.

Lumabas na din ako at hinanap si Andrei sa Nurse' Station. Natagpuan ko siya doon nakatayo at nakikipag-usap sa mga nurse. Binibiro niya pa ito habang tumatawa naman ang mga nakikinig sa kanya.

"Oh, kumusta?" tanong ko nang makalapit.

Nagpaalam muna siya sa mga nurse at pinalayo kami ng kaunti mula sa kanila.

Save Me, Heal MeWhere stories live. Discover now