Chapter 6

1 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Sandlers Psychiatric Hospital. Kasama ko si Andrei, we are here to find match of the finger prints. But we are also here to visit Mama.

"Bro, mukhang may kaganapan sa garden ha," sabi ni Andrei at tinanaw ang garden sa labas.

Nandoon halos lahat ng pasyente. Nag-eexercise siguro sila, may instructor pa sa harap nila. Pati ang mga nurses at doctors ay nandoon din. Looks like they're having a great time outside. A refresher for them.

"Mukhang mamaya pa tayo makakakuha ng resulta dito. Nood muna tayo," aya niya saka ako hinila palabas papunta sa garden ng hospital.

Habang papalapit kami, mas lalong lumalakas ang tugtog. Nag-eenjoy nga ang mga pasyente dahil kita mo ang mga ngiti sa mukha nila. Nakita ko rin si Mama sa harap na aktibong sumasayaw habang nakangiti. Kinunan ko siya ng picture gamit ang phone ko.

Minsan ko lang makitang nakangiti at nag-eenjoy si Mama habang nandito siya. Minsan kasi kapag dumadalaw ako, she's just in the garden, staring out of nowhere and not speaking at all. Saka lang siya magkukwento kapag sinasabihan ko siya na magkwento sa 'kin. But, overall, she's improving naman.

We just watched them enjoy the exercise. Hindi rin naman kami nagmamadali, we just have to take our time.

Napalingon ako kay Andrei nung siniko niya ako. "Si Sandlers Hospital," bulong niya tsaka nginuso ang kinaroroonan ni Sandlers Hospital.

Pati ako nahawa na sa kaka-Sandlers Hospital niya. Nandoon lang siya sa malayo, habang tinatanaw ang mga pasyente. Walang emosyon ang kanyang mga mata. She's crossing her arms while looking at them blankly. She's in her usual attire, long and classy dress, and her hair is in a perfect bun. She must like her hair in a bun. And I know, she's Helleigna.

"Si Helleigna 'yan," sabi ko sa kanya.

"Paano mo nalaman?" tanong niya, sinusuri ako.

"Sa suot niya at sa paraan ng tingin niya. At blangko ang mukha niya," sabi ko habang tinititigan si Helleigna.

May alam na ako kung paano sila kikilalanin. Iba-iba kasi ang style nila. Napansin ko kasi na si Simone, nakalugay ang buhok, habang si Helleigna naka-bun o naka-pony tail, si Diana naman naka-pigtail at kung ano ang maabutan niyang style, stick na siya dun.

Hindi na ako nagulat nang nakatitig na din sa akin si Helleigna. Siguro nasanay na rin ako sa mga titig niyang ganoon. Kung nakakatunaw lang siguro ang mga titig niya, tunaw na ako ngayon.

Walanghiya ka Nathan.

We stared at each other for a while, before she let out her smirk and walked away. Malapit na rin matapos ang exercise session nila, I was about to follow her. But when I was just taking my first step, I was shocked and couldn't move even a bit because of what just happened. We heard a loud bang and everything went into chaos.

Nagsigawan ang mga pasyente at yumuko, pati ang mga nurses at doctor ay nagulat. Hindi sila mapakali. Hindi nila alam kung saan sila pupunta, kung saan sila tatakbo. Nagsisigawan na sila dahil sa takot. Habang ako ay hindi pa rin makagalaw dahil sa nasaksihan, hanggang sa sinuntok ako ni Andrei sa mukha, saka lang ako nagkatao.

"Ano ba! Dalian mo!" sigaw niya habang akay si Mama. Napatingin agad ako sa kanila at kay Helleigna.

Agad ko siyang nilapitan, dahil walang nakapansin sa kanya dahil sa sobrang taranta ng mga tao.

"Helleigna! Helleigna! Helleigna!" inalog ko siya at inakay sa mga braso ko.

Nakapikit siya at hindi humihinga. May lumabas din na dugo sa ilong niya. May tama ng baril ang gilid ng tiyan niya.

Save Me, Heal MeWhere stories live. Discover now