Chapter 9

1 0 0
                                    

"Long time, no see, Michael," bati ni Andrei sa kanya habang nilalahad ang kamay para makipag-kamay kay Michael.

Pero hindi ito umimik, sa halip ay nakatitig lang sa amin na para bang iiyak na maya-maya lang. He is our highschool friend, kaming tatlo ang close noong high school pa lang kami. Pero noong nag-college na kami ay wala na kaming balita sa kanya. Ang sabi kasi ng mga kakilala namin dati, umuwi ng probinsya si Michael kasama ang Mama niya at nagpunta ng Cebu. Ngayon lang ulit namin siya nakita.

Sabay kami ni Andrei na yumakap sa kanya. Bigla nalang namin siyang narinig na sumisinghot at yumakap sa amin pabalik. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala kaming pakialam. Bumitaw din kami sa yakap at nagtawanan.

"Tagal nating hindi nagkita ah! Detective na kayong dalawa ngayon," sabi niya at tiningnan ang kabuuan namin. Tumawa lang kami sa kanya.

"Ikaw? Kumusta ka na?" tanong ko.

"Eto, ayos lang. May negosyo akong bar doon sa malapit, doon din nagtatrabaho si Cielo, girlfriend ko," sabi niya at biglang nawala ang mga ngiti namin.

Si Cielo, hindi niya pala alam na wala na si Cielo.

"Ano nga palang nangyari kay Cielo? Bakit ako pinatawag dito? Dalawang araw ko na siyang hindi nakikitang pumapasok sa bar. Hindi rin siya umuuwi," sunod-sunod niyang tanong habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Andrei.

Nawala din ang ngiti niya nang hindi kami sumagot ni Andrei. Tahimik namin siyang dinala sa loob ng interrogation room. Nandoon na rin si Detective Dan at Marcus pati na ang zip lock bag na may mga gamit ni Cielo ay nasa mesa na.

Naguguluhan man ay sumunod pa rin siya sa amin at kay Detective Dan sa loob ng room. Pinaupo siya ni Detective Dan habang kaming tatlo ay nakaupo sa harap niya, sa tapat ng mesa.

Tumingin siya sa amin ni Andrei na may bahid ng takot sa mga mata, pilit nalang kaming ngumiti sa kanya at hinayaan si Detective Dan na magtanong. Sinamahan lang naming siya sa loob para gumaan ang pakiramdam niya.

"Do you recognize these?" tanong ni Detective Dan at tinuro ang zip lock bag sa harap namin.

Tiningnan iyon ni Michael, nagungunot ang noo pilit na inaalala kung pamilyar sa kanya ang mga gamit. Bigla siyang lumuha at tumingin sa amin.

"Kay Cielo 'to. Bakit nandito 'to?" takang tanong niya habang tumutulo ang mga luha.

Detective Dan heaved a sigh and looked at Michael's eyes.

"We are sorry to inform you, but Cielo is dead. She is the sixth victim of the serial murder case," mahinahong paliwanag ni Detective Dan na siya mismong gumuho sa mundo ni Michael.

Umiyak siya ng malakas habang nakatingin sa mga gamit ni Cielo. Girlfriend niya si Cielo, kaya malamang nasasaktan siya ngayon. Humagulhol lang siya ng iyak at hinayaan lang namin siya.

"Bakit? Dalawang araw ko siyang hindi nakita. Bakit?!" sigaw niya dulot ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

Naiintidihan namin kung saan nanggaling ang nararamdaman niya ngayon. Limang pamilya na ang nakita naming naghihinagpis dahil dito pero wala kaming magawa. Biktima lang din sila, wala silang kamalay-malay sa mga posibleng mangyari.

"Wala ka bang contact sa mga magulang ng biktima?" tanong ni Detective Dan nang huminahon ng kaunti si Michael.

Umiling siya. "Wala, wala na siyang pamilya. Ako nalang ang meron siya pero wala akong nagawa," sagot niya at umiyak ulit.

Pinadalhan namin siya ng tubig at pinalabas muna ng interrogation room at pinghintay sa mga bench sa lobby upang kumalma siya. Ibang-iba siya sa nakikita namin sa kanya noon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Save Me, Heal MeWhere stories live. Discover now