Chapter 4

2 0 0
                                    

Ngayon lang yata ako nakaramdam ng gaan ng loob at walang sakit sa katawan. Kagabi lang kasi siguro ang pinakamahaba kong tulog kaya napa-sarap din ang gising ko ngayon. Medyo good mood pa nga ako e.

"Good morning, Detective," bati ng isang pulis pagpasok ko.

Nginitian ko naman siya at binati. "Good morning," tsaka ininom ang hot coffee ko.

Nagtungo agad ako sa table ko at sinimulang basahin ang mga kaso ngayon. Wala naman akong magagawa, wala pa rin si Andrei dahil laging late naman 'yon. Hanggang sa maubos ang kape ko, wala pa rin siya.

"TULONG! TULONG!" Nabulabog kami nang may biglang sumigaw sa loob.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ng isang pulis.

"M-may nakita po akong bangkay ng babae s-sa palayan namin!" natatarantang sigaw ng lalaki. Nakasuot pa ito ng boots na tulad sa sinusuot nila sa palayan.

Tarantang-taranta siya, hindi niya alam kung sino ang lalapitan niya. Lumapit sa matanda si Detective Dan.

"Huminahon ho kayo. Sabihin niyo po sa amin kung saan at kailan niyo nakita ang bangkay," mahinahon ngunit puno ng awtoridad na tugon ni Detective Dan.

"S-sa palayan namin! S-sa Sitio Kalayaan! Kanina, nakita ko iyong babae!" tarantang sagot ng matanda.

Tinawag ni Detective ang unit namin at naghanda na. Hanggang ngayon wala pa rin si Andrei.

"Team! Let's go!" sigaw ng head namin, si Detective Dan.

Agad naman silang sumunod sa head, gano'n din ako. Posible kasing konektado ito sa serial killing na nagaganap ngayon.

"Hoy! Tagal mo! Halika na!" sigaw ko kay Andrei nang prente siyang pumasok sa loob ng quarters.

Sumunod naman agad siya dahil hinatak ko.

Sinama namin ang witness para matunton ang lugar ng pinangyarihan. Mahigit 20 minutes ang layo ng lugar mula sa headquarters, kaya bilib naman ako sa tinakbo ng matanda. Sa sobrang takot at taranta niya siguro ay nakalimutan niya nang sumakay.

Nang makarating kami doon, halatang secluded ang lugar. Tanging malalawak na palayan lang ang makikita sa magkabilang gilid ng maputik na kalsada.

"Dito po," sabi ng matanda, kaya huminto ang van tsaka kami bumaba. Tinuro niya ang kinalalagyan ng bangkay.

Agad kaming nagtungo sa tinuro ng matanda. Sobrang maputik kaya dahan-dahan kaming naglakad patungo sa kinaroroonan ng bangkay.

Nandoon nga ang katawan ng isang babae, nababalutan ng putik ang ibabang bahagi ng katawan nito. Nakapantalon ito at puting blouse. May nakasabit pa na ID sa leeg niya. Tinignan ko iyon.

Mikaela Corazon. She's a call center agent.

"Tawagin niyo ang kapitan o kung sino man ang namumuno sa lugar na 'to," utos ko sa isang pulis na kasama namin na nagsuri ng bangkay.

"Tinawagan na po namin, Detective. Papunta na po sila rito kasama ang pamilya ng biktima," sagot niya.

Nang hinawakan ko ang bangkay, malamig at medyo nanigas na. Ilang oras na ang nakakaraan simula nang mamatay siya.

Her face was covered in dirt, as long as her lower body and clothes. The look on her face looks like she was struggling to survive. She's frowning in pain.

She must've been reported missing already. It must've been 24 hours since she got missing and it's possible that it's also been 24 hours or so since she was killed. Poor her.

Binarekadahan na rin ang lugar upang walang makapasok sa crime scene. May mga tao na rin kasing nakikiusyoso sa amin.

"Bro, may gunting," sabi ni Andrei at tinuro ang gunting sa bandang uluhan ng biktima.

Save Me, Heal MeWhere stories live. Discover now