STORM VILLAMORS POV
Walang billy na umuwi kagabi.
Ni hindi din siya nagsabi..
Hay! Bahala na nga siya sa buhay niya!
Bakit ko ba siya iniisip?
Eh wala naman pakeelamanan diba?
"Psst! meron nanaman akong bagong chismis.." Mahinang sabi ni Vangie.
Mabilis namang lumapit si Maggie at dito sa lamesa ko pa talaga sila tumambay!
Nailing nalang ako sa kanilang dalawa. Basta chismi napaka bilis!
"Alam niyo ba na nagbalik na dito sa pilipinas ang first love ni Billy my loves?!" Umpisa ni Vangie na ikinahinto ko sa ginagawa ko.
First love?
"Yan ba yung First love and first heartbreak niya na naging dahilan kung bakit siya naging playboy?" Pagkumpirma naman ni maggie.
First love and First heart break?
Bakit hindi ko to alam?"Teka.. San niyo naman nalaman yan?" Ako na nagtataka.
"Natural. Alam namin ang talambuhay niya no.." Sabay apir pa nilang dalawa ni Maggie.
"Teka-teka ano nga kasi ulit pangalan nung gurl?" Nag-iisip na tanong ni Vangie.
"Sandra.. Sandra Miller!" -Maggie
Mabilis kong sinearch sa google ang pangalan na binanggit nila gamit ang computer ko.
Sandra Miller. Dating fiance ng ngayon ay sikat na modelo at isa sa mga ceo ng S-fab clothing line na si Billy Williams.
"Hindi ba't engage na sila noon?" Pag-alala ni Vangie.
"Hindi nga natuloy diba? Dahil bali-balita na nahuli daw ni Billy si Sandra na nakikipag chukchakan sa tropa niya nung college sila!" -Maggie
"Oo nga pala. Sikat na college sweethearts pala sila noong nasa college pa sila." -Vangie
Sweethearts?..
Gusto kong matawa ng mapakla.
Yun pa naman ang tawag ko sa kaniya..
"Kailan pa daw ito bumalik sa pilipinas?" Tanong ko.
"Kagabi." Sabi ni Vangie na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Kaya ba hindi siya umuwi kagabi?
kaya ba hindi siya nagsabi? Dahil kasama niya yung first love niya?
Kaya ba..
"Restroom muna ako." Mabilis akong tumayo at halos lakad takbo ang ginawa ko makarating lang. Tinignan ko lahat ng cubicle at nung makita ko na walang tao ay dali-dali kong inilabas ang under maintenance sign mula sa ilalim ng lababo atsaka ko na ito nilock.
Isa-isang nagpatakan ang mga luha ko..
Wala nang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang scenario na magkasama sila at nagtatalik!
Ano bang nagyayari sayo storm?!
Talaga bang nahulog kana sa kaniya?
Ngayong bumalik na ang ex niya idedevorce niya na ba ako?
Ano ba yan natutuliro na ako!
Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko!
Kung idevorce kaniya edi mas maganda. Ayaw mo yun? Makakabalik ka na sa Stormtech?
BINABASA MO ANG
S-FAB CLOTHING LINE: BILLY WILLIAMS
RomanceBilly Williams is one of the four owner slash model in the S-fab Clothing Line company. The most famous brand in the Philippines. Siya ang cassanova sa kanilang Apat! Every month bagong flavor. Fling dito fling doon pero ni minsan wala siyang ginawa...