BILLY 70

76 2 4
                                    

THIRD PERSON'S POV 

Lumipas ang mga araw na ganoon pa din ang sitwasyon ni Storm.. 

Ni hindi siya lumalabas ng Opisina niya.. 

Hindi siya tumitigil sa kakatype sa keyboard niya hanggang sa makatulugan niya nalang ang ginagawa niya dala ng pagod at puyat. 

Nagkalat din ang mga pinagkapehan, mga pinagkainan at may mga mangilan-ngilan na bote ng alak sa lamesa niya hanggang maging sa lapag. 

Tila ibunuburo niya ang sarili niya para lang malimutan yung nangyari noong gabing iyon. 

Iniiwan nalang nila Vangie at Maggie ang mga files sa kanilang Desk dahil kusang lalabas si Storm kapag gusto na niya itong pirmahan.. 

Napapabunting hininga nalang sila kapag nakikita nila ang kaibigan nila na nasa ganitong sitwasyon.. Maging sila ay nahihirapan at naapektuhan.. Dahil wala silang magawa kundi panoorin lang siya.. 

Ganoon din si Thunder at Michael. 

It was like her own way of torturing her self through work and programming.. 

Hindi alam ng karamihan na ang Buong top floor ay tila sarili na nitong tahanan.. 

Maliit na portion palang ang opisina niya at ang front desk.. Pero sa likod noon ay isang malawak na espasyo kung saan naroon ang kaniyan Living room, Bed room, Gym, Dinning room at marami pang iba. Meron din siyang malawak na balcony na tanaw ang buong siyudad.. 

Madalas siyang tumambay sa balcony kapag gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin.. 

Walang nakakaalam kung hanggang kailan siya mananatili sa ganoong sitwasyon.. 

Hanggang sa lumipas na ang maraming buwan.. 

At sa wakas ay napag desisyunan na niyang lumabas muli.. 


VANGIE DAVID POV 

Bumukas ang pintuan ng Opisina ni Storm at tila nasilaw kami dahil sa sinag ng araw na tumama sa amin! 

Nang sumara ang pintuan ay bumungad sa amin ang isang napakagandang dilag! 

Laglag ang panga namin siyang pinagmasdan mula ulo hanggang ibaba! 

Nakakaspeachless ang awra at kagandahan niya! 

"Maggie, Try nga natin pumasok sa loob at mag stay ng matagal para maging fresh at blooming naman tayo!" Seryosong sabi ko sa katabi ko habang nakatingin parin sa babaeng nasa harapan namin..

"Oo nga.. Tara!" Sabay kaming nag martsa at nilagpasan si Storm!

"Eh? Saan kayo pupunta?" Nagtatakang tanong niya. 

"Papasok sa loob. Baka sakaling paglabas namin maging kasing ganda mo kami!" Sabay hatak kay Maggie nang inawat niya kami. 

Nang magkaharapan na kami at nagkatitigan ay hindi ako nakatiis at niyakap siya ng mahigpit!

"Welcome back Storm!" Masaya kong bulong sa kaniya. 

Gumanti siya ng yakap at maging si Maggie ay nakiyakap na din! 

*Sniff! Sniff!* 

Nagkalasan kami sa isa't-isa upang tignan kung sino yung naiiyak! 

Nagkatinginan pa kami ni Storm bago dumako ang tingin namin kay Maggie na pinipigilan ang kaniyang pag-iyak!

"Oh! Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Storm sabay alo sa kaniya. 

Ako naman ay tumingala dahil mukhang papatulo na din ang luha ko! 

S-FAB CLOTHING LINE: BILLY WILLIAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon