NAKAUPO na kami ngayon ni Chester dito sofa. Kanina pa ito tahimik ang kasama ko. Kung tinatanong ko naman kung okay lang ba siya he always mouthed 'I'm okay' saka ibinalik ang pagtingin-tingin sa loob ng aming bahay. Kahit wala namang magagandang titingnan.
Bumalik si mama na may dalang juice. Kaya naalala ko ulit ang strawberry smoothie ko at mga boxes ng muffins na nasa sasakyan ni Chester.
Ipapakuha ko nalang iyon mamaya.
Ininguso ni mama si Chester saka ito ngumiti ng matamis. Hindi kasi nakatingin si Chester kay mama kasi abala pa sa pagtingin-tingin ng kung ano-ano kaya hindi niya tuloy naramdaman ang presensya ni mama.
"Gwapo." My mama mouthed at parang kinilig. Kaya biglang uminit ang pisngi ko.
Hindi naman siya ganito dati kay Nick eh.
"Uminom ka muna ng juice, hijo."
Napatingin naman si Chester kay mama saka tinanggap ang isang basong may laman na orange juice.
"Thank you, ma'am," magalang na saad ni Chester.
"Call me mama nalang. Nararamdaman ko na kasi na sa simbahan na rin kayo papatungo," natatawang saad ni mama na nagpalaki ng aking mata.
Muntik na namang nabilaukan si Chester sa pag-inom ng juice.
"Asus, h'wag na kayong mahiya. Malaki na kayo, marunong na kayo magdesisyon. Basta sabihan mo lang ako Chester kung kailan mo kukunin itong anak ko."
"Mama!"
Tinawanan naman ako ni mama.
Ano ba 'to. Kahit sarili kong ina parang pinamimigay na ako.
"H'wag po kayong mag-alala. Kung sakaling hihingin ko ang kamay ni Michaela. Kayo po ang unang-una kong ipapaalam," seryoso saad ni Chester kaya napatingin naman ako sakanya na nakatingin na rin saakin ngayon.
Inamin ko. Kinikilig ako ngayon dahil sa sinabi niya.
"Sya nga pala hijo. You looked familiar. Have we met before? What's your family name?"
Napaayos sa pag-upo si Chester. Tinignan na muna ako nito kaya nginitian ko siya. He looks so nervous while looking at my mom. Habang ang ina ko naman ay nakangiting nakatingin kay Chester at naghihintay sa sagot.
"I g-guessed we'd met before. I'm Chester Gr—"
"Mama nakauwi na ako!" Malakas na sigaw ng lalaki sa labas na wala iba kung 'di ang kapatid ko.
Kaming tatlo ay napalingon sa taong sumigaw. At nang makapasok ang kapatid ko sa loob. Bigla itong napahinto. At nanlaki ang mata nang makita ako.
May bitbit itong bola. Saka nakasuot ng kulay pula na jersey. Ang itim na backpack nito ay nakasabit lang sa isa niyang balikat.
"A-Ate..."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksiyon niya o maiiyak. Para kasi siyang naiiyak ng makita ako. Ni hindi man lang gumalaw sa kitatayuan.
Tumayo ako saka humakbang patungo sa harapan niya. Huminto ako sa paghakbang. Kunting dipa lang ang layo namin sa isa't-isa ngunit nakaawang pa rin ang kanyang labi at hindi pa rin gumalaw.
Natawa nalang ako.
"Oh ano? Tatayo ka nalang ba diyan?"
Bigla itong Napakurap-kurap.
"A-Ate!" Dali-dali siyang tumakbo saka ako niyakap.
Ano ba 'tong kapatid ko parang bakla.
"Ate, namiss kita," saad nito matapos akong yakapin.
BINABASA MO ANG
SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]
RomanceTo those people who lived in the place of no light and pure darkness. They only need one thing. And that is to see a light, like stars in the sky to serve as light in the dark. Is it really possible that we can reach the stars? Very impossible isn't...