MATAMAN akong nakatitig sakanya. At ganoon din siya saakin. Hinihintay ang sagot ko sakanyang tanong.
"Uh...hindi pa," sagot ko ng may pag-aalinlangan.
Walang namang masama sa tanong nito. Medyo nabigla lang ako sa tanong niya na kahit kailan hindi ko maiisip na itanong niya iyon saakin. And I guess wala namang masama kung sasabihin kong hindi pa akong kumain hindi ba?
Wala siyang naging tugon sa sagot ko. Humakbang siya na kaunti para maabot ang aking kamay saka walang pasabi-sabing hinila niya ako. Nabigla ako sa ginawa niya pero sumunod nalang ako.
Kung sa ibang tao ito nangyari. Baka sinipa ko na ang lalaking nanghila saakin. Dahil una sa lahat, ayaw na ayaw ko na hinihila lang ako ng kahit kanino lang. Every move that they will make na tungkol saakin kailangan may approval ko. Pero sa kondisyon ko ngayon hindi ko alam kung bakit basta nalang ako nagpahila sakanya.
At dahil ako si Michaela Kaye Torcino. Kinakailangan din na alam ko kung saan kami pupunta ng kasama ko. Hinding-hindi ako sasama sa isang taong basta-basta nalang akong dalhin kahit saan. Kahit kaibigan ko pa ang taong iyon kailangan ko pa ring malaman kung saan kami pupunta. And damn! Bakit kung si Chester hinahayaan ko lang?
Hindi ko maiintindihan ang sarili ko. Dapat nga ang ingay ko na ngayon sa kaka-protesta ko pero hindi eh. Hindi ako makareact. At hinding-hindi ko gusto ang paraan ng pagkabog ng dibdib ko. Para itong lalabas saaking dibdib dahil sa lakas ng kabog. Gustuhin ko mang huminto kami at tanungin siya hindi ko magawa. Parang may sarili utak ang paa ko dahil sumunod lang talaga siya sa lalaking nasa harapan ko.
Hindi ko maiwasang hindi paglakbayin ng aking mga mata ang likod ni Chester. And I can't deny the fact that he's hot kahit nakatalikod lang ito. He's wearing a black t-shirt na hapit na hapit sa makisig nitong katawan. I find him sexy kahit ano pa ang isusuot nito.
Oh shit Mikay! Stop praising him!
Pinagmasdan ko ang magkasalikop naming mga kamay. Kung sa ibang lalaki ito nangyari, I find it uncomfortable. Pero dahil si Chester ang nakahawak sa kamay ko, I feel like I'm safe. Aminin ko man o sa hindi. Masarap sa feeling na hinahawakan niya ang kamay ko.
Crap! What are you thinking about Michaela Kaye?!
Napailing ako sa naisip saka mariing nakapikit. Shit! He's still a stranger to me. At ganoon din ako sakanya.
"Kung stranger siya sa'yo bakit mo hinahayaang magkasalikop ang inyong mga kamay? At bakit mo hinahayaang hilahin ka niya?" saad ng malikot kong isip.
Kahit anong isipin ko. Hindi ko pa ring magawang sundin dahil parang wala ako sa tamang pag-iisip ngayon.
PINAGMASDAN ko ang kumikislap na tubig sa harapan dahil sa sinag ng araw. Ang hampas ng alon na kay sarap pakinggan. Pumikit ako ng mariin saka nakangiting dinama ang maalat na hangin. Hinayaan ko lang ang buhok kong sumasayaw. Idinilat ko ang aking mga mata sa pag-aakalang may nagmamasid saakin. At tama nga ako. Chester was intently looking at me with an amusement look on his face.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman. Alam ko naman na wala siyang ginagawa ngunit 'di ko mapigilan ang sarili ko na mailang sa mga titig nito.
We're here at the floating cottage. Nakaramdam daw kasi ito ng gutom kaya niya ako niyayang kumain. Since, wala naman daw siyang kasama. Sinama niya lang ako. Akala ko nga kung saan niya na ako dalhin, dito lang pala. Kaya ayan tuloy, I assumed too much. I assumed that his concerned about me, kaya niya ako tinanong kung kumain na ba raw ako. Siya pala itong gutom kaya pumunta kami rito.
Perks of being assumera!
At bakit nga naman siya maging concern saakin 'di ba? Kaya next time, ayaw ko ng bigyan ng kahulugan ang pinapakita nito o ng ibang tao saakin. Nakakahiya kayang mag-assume. Tapos in the end, madi-disappoint ka sa mangyayari kasi iniisip mo na may ibang meaning ang pinapakita nito, wala naman pala.
BINABASA MO ANG
SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]
RomanceTo those people who lived in the place of no light and pure darkness. They only need one thing. And that is to see a light, like stars in the sky to serve as light in the dark. Is it really possible that we can reach the stars? Very impossible isn't...