CHAPTER 35

5K 61 0
                                    

PAKIRAMDAM ko niloko ako ng tadhana. Pakiramdam ko rin pinaglaruan ako ng panahon.
Mula noong namatay si papa. Labis kaming nagdamdam ni mama. Labis kaming nasaktan nang nawala siya sa buhay namin.

Parang nabuhay ako sa mundong puro kasinungalingan lang. May mga sekretong aabot pa ng ilang taon bago mabunyag. Pero gano'n naman hindi ba? Kahit abutin man ng ilang taon ang sekreto na 'yan. Talagang mabunbunyag talaga ang lahat sa huli.

Wala naman sigurong sekreto na hindi nabubunyag. Mayroon ba?

At ngayon na nakita ko sa dalawa kong mga mata ang aking ama. Talagang masasabi ko na labis akong pinaglaruan ng panahon. Umiyak pala kami sa wala. Mapapasabi nalang ako na...

Ano 'yon, joke?

I want to run and hug him. Maraming panahon ang nasayang. Ten years old palang ako no'n nang iwan niya kami dahil sa inaakala namin na patay na siya. Hindi ko na alam....gulong-gulo na ako. There's so many questions I want to ask him.

Paanong nangyari na nabuhay siya?

Bakit hindi siya nagpakita saamin?

Alam niya ba ang hirap na pinagdaanan namin ni mama?

At bakit ngayon lang siya nagpakita sa'min?

I wonder? Mayroon pa ba? May mga sekreto pa ba na hindi ko alam? Pwede bang ibunyag nalang ngayon din, kasi parang maloloka na ako sa dami ng rebelasyon na aking nalalaman.

"Ibaba mo ang baril mo. Kung ayaw mong maunang bumaba sa impyerno," saad sa matigas na boses  na matagal-tagal ko nang hindi naririnig.

"P-Papa..." Mahinang bulong ko.

Kita ko kung paano unti-unting binaba ni Dominique ang baril na nakatutok sa pwesto namin.

"Mr. Torcino...tama pala ang hinala ni papa na buhay ka. Sana natuluyan kana," nakangising saad ni Nick.

Idiniin ni papa ang baril sa ulo ni Dominique. Subalit parang hindi naman natinag si Dominique. Na para bang wala lang sakanya ang baril na nakatutok sakanyang ulo.

"Tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang tuluyan ko."

Napailing naman si Dominique sa sinagot ng aking ama.

"Talagang sa'yo namana ni Michaela ang ugali mo." Tinignan ako ni Dominique. "Oh Michaela, ayaw mo bang yakapin ang ama mo? Hindi ba't miss na miss mo na siya?" Humalakhak na saad nito.

Hayop talaga!

Napatingin naman ako kay papa na natitig din pala saakin. I saw longing in his eyes. Nadagdagan na ang edad ng aking ama na hindi kagaya noon na medyo bata pa. Ngunit kahit na may edad na, makisig pa rin ang aking ama at may hitsura pa. May nagbago sakanya 'yan ang napagtanto ko. Siguro dahil na rin sa matagal ko na siyang nakita kaya mabilis kong mapuna ang mga pagbabago niya.

"Ilabas mo na ang anak ko rito Chester. Ako na bahala sa lalaking ito," maawtoridad na utos ng aking ama.

Hinawakan naman ni Chester ang aking kamay at hinila. Ngunit nabigla nalang ako dahil sa bilis ng pangyayari. Nakita ko nalang na nag-aagawan na ng baril si Dominique at ang aking ama.

Tumilapon ang aking ama nang malakas itong suntukin ni Dominique.

"Pa!"

"Chester, ilabas mo na si Mikay dito!" Sigaw ng aking ama.

He grabbed my hand. "Kaye, let's go!"

Mabilis akong umiling habang ang luha koy walang tigil sa pagbuhos. Gusto ko rito lang ako. Ayaw kong iwan ang aking ama. Ngayon ko lang siya nakita, ayaw kong may pagsisihan na naman ako.

Marahas kong binawi kay Chester ang aking kamay.

"I don't want to leave my father!"

Aakma niya sana akong hawakan ulit ngunit mabilis kong iniwakli ang kanyang kamay. Tatakbo na sana ako nang makita ko kung paano mabilis na kinuha ni Dominique ang kanyang baril sa sahig saka itinutok sa direksyon ni Chester. At napagtanto ko kung ano ang kasunod. Walang pagdadalawang-isip akong humarap kay Chester at sinalo ang bala na para sakanya.

Putok ng baril ang umangalingawngaw sa buong sulok. Para akong nabingi sa ingay. Pakiramdam ko unti-unting bumagal ang takbo ng oras.

"Kaye/anak!"

Hinawakan ni Chester ang aking likod. Ngunit bigla niyang pinaputok ang kanyang baril ng dalawang beses saka niya ako pinagtuonan ng pansin.

Parang wala akong naramdaman na kahit na anong sakit. Para akong namanhid hanggang sa unti-unting akong kinain ng dilim.


YOU can't really expect that your life will always be happy. Kasi walang gano'n, We live in a beautiful yet cruel world. Aasahan mo talaga na ang kasiyahan ay hindi permanente. Sa mundong ito masasaktan ka talaga sa iba't-ibang paraan. But that's life...

Tunog ng machine ang una kong narinig nang dahan-dahan kong imulat ang aking mata. Puting kisame ang unang bumungad saakin. Inilibot ko sa loob ng silid ngunit mag-isa lang ako. Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko kaya. Kaya hindi ko nalang ulit sinubukan.

I want to shout to let them know that I'm awake but I can't. No words came out. Mariin akong napapikit nang maalala ko ang nangyari doon sa abandonadong building.

I...I was shot.

Nanlamig ako bigla sa naalala. Napatingin ako saaking tiyan. Nang may mapagtanto.


My b-baby...

Dahan-dahan kong ginalaw ang aking kamay. Nanginginig ang aking kamay nang hinimas ko ito saakib tiyan.

Is my baby o-okay?

Mabilid naman akong napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas. At tumambad doon ang ina kong namumugto at pagod na mga mata.

Narinig ko ang pagsinghap nito nang makita akong gising na. Tinakbo niya ang distansiya naman at mabilis akong hinawakan sa kamay.


"A-Anak..." naiiyak na saad ni mama. "May kailangan ka ba? T-Teka, tatawagin ko muna ang doctor."

Mabilis niya akong tinalikuran para tumawag ng doctor. Ngunit wala pang isang minuto nang nagsidatingan ang doctor at nurse. Namataan ko rin si Chester katabi ni si mama. Kahit may distansiya kami ay kitang-kita ko parin ang namumula niyang mata na para bang galing sa pag-iyak.


Mabilis akong inasikaso ng doctor. At binato ako ng maraming tanong na inilingan at tinanguan ko lang bilang pagsagot.

Kahit nakahiga lang ako pakiramdam ko para akong nakipagkarera sa pagtakbo sa labis na pagod ang nadarama. I tried to speak at mabuti naman may mga salita ng lumabas saaking bibig kahit nagkanda utal-utal pa.

"M-My b-baby...h-how...how's my b-baby..." Nahihirapan kong banggit.

Nginitian naman ako ng babaeng doctor matapos kong itanong 'yon.

"Your baby is fine misis. Kaya wala kanang ikabahala pa."

Para akong nabunutan ng tinik matapos niyang sabihin iyon. Akala ko...akala ko may nangyari ng masama sa anak ko. Talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko king sakaling may mangyari hindi maganda saaking anak.

Umalis na rin naman ang doctor kasama ang nurse kaya kami nalang tatlo ni mama at Chester ang natira sa silid. Ngunit nagpaalam naman agad si mama at sinabihan ako na may kukunin daw siya. Gusto ko sanang itanong kong nasaan si papa ngunit pinigilan ko nalang. Kaya ang ending kami nalang dalawa ni Chester ang natira sa loob.

Ramdam ko ang pananahimik nito habang patuloy pa rin nitong pinipisil ang aking kamay. Kaya pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Magulo ang buhok nito at mapupula ang kanyang mata. He has dark circles under his eyes na halata talagang pagod din siya at walang tulog.

"H-Hey..." Kuha ko sa atensyon niya ngunit parang hindi niya ako narinig.

"Chester..." Tawag ko ulit sakanya.

Napakurap-kurap naman itong nakatingin saakin. I smiled faintly at him.

"What are you t-thinking?" Mahinang wika ko.

Ngunit napasinghap nalang ako bigla. Nang makita kong bumuhos ang kanyang mga luha na kanina niya pa pala pinipigilan. Kaya hindi ko mapigilang hindi mag-panicked.

"Oh Chester...Why a-are you—?"

Hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Sinuklian ko naman siya ng yakap at marahang hinihimas himas ang kanyang likuran.

He looks like a big baby who cried because he lost his toys.

Nanginginig ang balikat nito habang nakayakap pa rin saakin.

"I-I'm sorry...If I could...If I c-could—Fuck!" Mabilis utong umiling. Parang hirap-hirap ito sa pagsasalita. Ngunit hinayaan ko lang siya.

"I don't k-know what to d-do if...if something bad happened to you and to o-our b-baby. Hindi ko talaga alam kung m-mapapatawad ko pa ang sarili ko Mikay."

"Shh..."I hushed.

This is the second time I saw him being weak. The first one is when I broke up with him because of the lies that Dominique made me believe. At ito ang pangalawa. The Chester I know was strong at magaling magtago ng damdamin. Hindi nito basta-basta pinapakita ang pagiging mahina. But right now, this is the second time I saw him in his weak situation. 

Kumalas siya sa pagyakap saakin saka hinawakan ang aking mukha. Hindi ko mapigilan ang pagiging emosyonal ko nang makita ko na umiiyak ang taong mahal ko.

"Nawala na ang m-magulang ko. Ayaw kong pati ikaw at ng magiging anak n-natin ay mawala rin dahil sa pagiging p-pabaya ko."

Hinalikan niya ang aking noo. Kaya napapikit ako nang lumapat ang mainit niyang labi saaking noo.

"And I thanked God for answering my prayers. I'd never go to church before, I'd never pray to him. Ngunit nang makita ko kung paano ka maputlang nakahiga at walang malay. Nagdasal ako at nagdasal na sana g-gumising kana. K-kasi gusto ko pa kitang makasama hanggang tumanda kasama ang magiging anak natin. And he did, God heard my prayers."

How can I unloved this man in front of me? Mas lalo ko ata siyang minahal. I know that we meant for each other. I already can see my future with him together with our kids.


MABILIS lumipat ang mga araw. Unti-unti nang bumalik sa dati ang buhay namin. Ngunit hindi kagaya ng dati na parang may kulang saamin. Chester and I also live in our house for a while. Gusto kasi ni mama na masubaybayan ang pagbubuntis ko lalo na't maraming inasikaso si Chester sa kompanya. Kaya ngayon, masaya at kumpleto na kami.

'Yon nga lang si mama...

"H'wag na h'wag mo akong hawakan Rogilbert Torcino!" nanlilisik ang mga matang ani ni mama habang nakatingin kay papa. "Baka nakalimutan mo na may kasalanan ka sa'min. Kung ang dalawang anak mo ay kaya kang patawarin, pwes ako hindi! Hindi ko basta-bastang makakalimutan kung paano ka naglihim saamin. Inakala namin patay kana tapos mabibigla nalang ako kasi nandito kana at buhay na buhay!"

Napakamot sa batok si papa habang nakatingin kay mama na may dalang sandok na nakaturo kay papa.

Napanguso naman ako sa inakto ni mama. Para kasi silang teenager kung umasta. Kahit si Chester ay pinipigilang hindi matawa sakanilang dalawa.

"Sus, si mama. Patawarin mo nalang kasi si papa. Alam naman namin ni ate kung gaano mo kamahal at ka-miss si papa. Gabi-gabi mo pa ngang pinagmasdan ang litrato ni papa e' tapos hinahalikan mo p—ma naman!" Biglang piningot ni mama ang tainga ni Mike.

Mahina akong napahagikhik. Kahit si papa ay natatawa. Kasi totoo naman kasi e' gabi-gabi talagang pinagmasdan ni mama ang larawan ni papa.

Biglang nag walk-out si mama kaya ayon napailing-iling na sinundan ni papa sa kusina. They love each other kaya lang hanggang ngayon nagtatampo pa rin si mama dahil sa ginawa ni papa

Nakangusong hinimas-himas ni Mike ang kanyang tainga. "Si mama talaga pakipot."

Binato ko sakanya ang nilukot kong panyo kaya sapol naman sakanyang mukha.

"Epal ka kasi," I laughed.

"Tss...pati ba naman ikaw ate? Ano ba 'yan parang hindi pamilya. Ako 'tong bunso dito tapos sinasaktan niyo 'ko," nagtatampong saad nito.

Napairap naman ako sa inakto ng kapatid ko. Kahit ganyan 'yan. Mahal na mahal ko ang bruhong 'yan.

Akala ko talaga malala ang pagkakabaril sakanya noong lalaking dumukot saakin. Buti nalang nadaplisan lang siya ng bala.

Dominique was in prison right now kasama ang kanyang ama. Naungkat ulit ang kaso, kung sino ang may kagagawan sa pagkamatay ng mag-asawang Griffin. At napatunayan 'yon na ang ama ni Dominique na si Dominador ang may pasimuno lahat.

Dahil na rin sa pahayag ni papa ang isa sa mga witnessed ng gabing iyon maliban kay Chester. Kaya napatunayan talaga na sila ang may pasimuno ng lahat. At mas lalong bumigat ng kanilang kaso nang ilapag na ng abogado ni Chester ang lahat ng ebedinsyang nalikom niya.

Matagal na palang pina-imbestigahan ni Chester ang pamilyang Guanzon. At ang isa sa mga tauhan ni Dominador Guanzon na dinakip ni Chester ay nagsalita sa korte kaya wala silang takas sa mga mabibigat na kasong ipinataw sakanila.

Nalaman ko na rin kung sino ang nasa likod ng mga sulat na pinapadala saakin. Si papa lang pala. Akala ko kung sino, kasi labis talaga akong kinabahan sa mga babalang pinapadala niya saakin. Papa explained to me everything kaya nalinawan na ako. Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit 'G' iyong pala Gilbert pala meaning no'n. Niwala niya lang ang letter R saka O.

"ANG tagal ko nang hiniling ang araw na ito."

Bahagya aking napahawak saaking dibdib sa labis na pagkagulat saka nilingon si papa.

Tinabihan ako nito na may ngiti sa labi habang nakatingin sa labas kung saan nag-eensayo si Mike sa paglalaro ng basketball sa labas ng aming bahay.

Kumawala ng isang malakas na buntong-hininga si papa. Habang ako ay nanatili pa ring nakatingin kay papa. Nilingon ako nito saka tinawanan.

"Come here." saad ni papa.

Inilapit ko ang aking sarili kay papa saka niya ako inakbayan. I leaned my head on his shoulder. Napangiti nalang ako. Ito ang matagal ko ng hiniling noon. Ang makasama ko ulit ang aking ama. At ni sa panaginip hindi ko akalain na makakasama ulit namin siya. Kasi puro lang ako 'sana' noon.

Marahan nitong pinisil ang aking balikat. "I'm so proud of you, princess. At labis kong pinagmamalaki ang iyong ina dahil pinalaki ka niyang mabuti na mag-isa. Marami akong pagkukulang sainyo ng kapatid at mama mo. Ngunit, pangako ko sainyo. Babawi ako sa lahat." Ramdam ko ang paghalik nito sa tuktok ng aking ulo.

Bahagya kong tiningala ang aking mama. Naramdaman ko ang mga luha nangingilid saaking mata. Nang makita ko ang malungkot na ngiting iginawad ni papa saakin.

"Hindi mo naman kailangan bumawi papa e' kasi itong presensya mo ngayon ay sapat na saamin. Basta ba't hindi na kayo aalis okay na saamin 'yon." Napailing naman si papa at madramang pinahid ang kanyang luha .

"Ang da-drama niyo. Pasali naman!" Sigaw ni Mike ng makita kami ni papa. Mabilis nitong binitawan ang bola at patakbong lumapit saamin at yumakap din kay papa.

"So kayo lang?" Napatingin naman kami sa likuran nang biglang nagsalita si mama. "Hindi niyo talaga ako isasali?"

Napahagikhik naman kami ng kapatid ko sa inasta ni mama. Hinila naman siya ni papa saka mahigpit kaming niyakap tatlo.


"YOU okay?" Chester asked.

Napalunok naman ako sa sinabi niya saka marahan tumango. "A bit?"

"A bit, huh," he chuckled.

Inirapan ko naman siya. Hinarap ko ang magarang bahay saaking harapan. Tumawag kasi ang babaeng kapatid ng ama ni Chester.  At sinabi nito na kailan ba raw kami bibisita. At ngayon araw ay wala kaming ginawa kaya naisipan nalang namin na dalawin siya. Nasa labas pa kami at hindi pa pumasok. Ramdam na ramdam ko  ang panlalamig ng aking kamay. At parang nagwawala ang bulate saaking tiyan.

Wait...did I say bulate saaking tiyan?

Hinimas ko ang medyo kalakihan ko ng tiyan. May bulate ka palang kasama diyan baby. Napailing nalang ako sa aking naisip.

Napaangat ako ng tingin ng biglang bumukas ang front door at tumambad saamin ang magandang babae na sa tantiya koy nasa early 50's ang edad. Sa tingin ko magkasing-edad lang sila ni mama.

Magandang ang ginang kaya hindi talaga halata na nasa mga singkwenta na ang kanyang edad.

"Chester!" She beamed. At dali-daling pumunta saaming pwesto.

Mahigpit niyang niyakap si Chester pagkatapos no'n ay binalingan niya ako ng tingin.

"Oh my nephew, is this her? She's beautiful!" She complimented.

Ramdam ko ang pagkukulay kamatis ng aking pisngi sa sinabi ng ginang.

Tipid akong ngumiti sakanya. "Thank you ma'am."

"Cut the formality, just call me Tita Leizel."

Napangiti naman ako saka tumango.

Pumasok na kami sa loob. At ang kaninang kabang naramdaman ko ay nawala dahil sa mabuting pakikitungo saakin ni Tita Leizel at ang kanyang asawa na si Tito Thaddeus.

"Oh shit! Mikay!" Sigaw ng babae na dali-daling bumaba sa hagdan.

"Licca, your mouth." Seryoso ang mukha ni Tito Thaddeus na nakatitig kay Licca.

Humagikhik naman ito saka nag peace sign sakanyang ama. Narinig ko naman ang problemadong buntong-hininga ni Tito Thaddeus dahil kay Licca.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain sakanilang mesa. Habang masayang nagku-kwentuhan.


BIGLA akong napangiti nang maramdaman ko ang mainit niyang yakap saaking likuran. He rested his head on my shoulder. Matapos namin kumain ng hapunan at pagku-kwentuhan pinapunta na kami ni Tita Leizel sa guest room para raw magpahinga. Ngunit hindi pa kasi ako inaantok kaya naisipan kong buksan ang teresa saka pinagmasdan ang mga bituin.

Malakas akong napasinghap nang makakita ako ng shooting star.

"Chester look!" I pointed. "Come on Chester, let's make a wish." Niyugyog ko pa ang aking balikat kong saan nakapwesto ang kanyang ulo.

"Alright," suko nito.

Masaya ko namang pinikit ang aking mata. At nang matapos na akong mag-wish ay inimulat ko na ang aking mata at ang nakatitig na si Chester ang unang tumambad saakin.

"What's your wish?" I curiously ask.

"I didn't make a wish," seryosong saad nito habang ang buong atensyon ay nasa akin.

Napanguso naman ako sinabi nito. "Why?"

"I didn't make a wish because my one and only wish was already here in front of me. And that is you Michaela Kaye. You're my one and only wish  that I always wish upon the stars," he  said lovingly before he claimed my lips with so much love and passion. 

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon