LOVE, is an intense feeling of deep affection. All of us, whether young or old can feel the word love. Love is a strong word that a person can feel. We can feel it to our family, to our friends and to a special person that you really cared about.
Love can be the greatest feeling one can ever feel. Love means knowing that no matter what, you have someone to count on. A person who will stay by your side. A person who will accept the whole you. Who will accept your flaws, your insecurities, and your imperfections.
Love is an emotion that keeps people bonded and committed to one another. It can keep the bond of the family stronger. Hindi lang naman kasi sa dalawang tao umiikot ang salitang 'love' kasi pwede ito sa lahat. Pwede sa pamilya, sa kaibigan, sa guro, sa mga artista, pwede nga rin sa mga fictional characters.
And did you know? The word 'love' can also make a person change? Nang dahil sa salita na iyan nagbabago ang isang tao. Halimbawa, iyong mga taong masasama o badboy kunwari. Nagbabago sila dahil sa salitang 'love'. Pero may iba rin na nagbago talaga dahil nasaktan sila. The word love can hurt you emotionally na talagang masasabi mo sa sarili mo na 'Ayaw ko ng magmahal ulit'
See? Love is a strong word. But despite everything we choose it. We choose to love and to be loved.
"Alam mo kasi Mikay, wala namang masamang sumugal. Alam kong takot ka, kasi baka lokohin ka at masaktan ka lang sa huli. But why don't you try it kasi hindi naman lahat ng tao kagaya ni Dominique."
I sighed deeply upon hearing Hera's advice. Sinabi ko kasi sakanya ang nangyari kanina. Patuloy kasi na bumabagabag saakin ang sinabi ni Chester. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko.
GABI na nang napagpasyahan kong lumabas. The cold wind enveloped the whole place. Tunog ng panggabing insekto at ng dagat ang maririnig. May mga taong lumalabas para magsaya sa ilalim ng madilim na kalangitan.Walang masyadong tao dito sa banda na pinupuntahan ko. Inangat ko ang aking tingin para malayang pagmasdan ang madilim na kalangitan. Ngunit, wala akong nakikitang mga bituin. Pakiramdam ko nga uulan dahil sa makakapal na ulap na makikita ngayon.
I sighed.
Matapos kong maglakad-lakad ng halos isang oras. Naramdaman ko na ang pananakit ng aking paa kaya napagpasyahan ko na bumalik na sa loob ng aming cabin para magpahinga.
Until, someone blocked my way. And that someone is no other than Licca. My forehead creased by her sudden presence.
Ang maitim na hanggang balikat nitong buhok ay medyo magulo. Para itong hinahangos sa hindi ko malaman na dahilan. Taas-baba ang dibdib nito.
She sighed deeply before she uttered some words that made me listen to her for a moment.
"Michaela, look! I'm not Chester's girlfriend nor a wife because I'm her cousin," she confessed.
Mahina akong napasinghap. Hindi dahil sa sinabi niya kun'di dahil sa pag-e-explain nito saakin. Pero mas naging maluwag ang puso ko matapos niya itong sabihin. Iyon nga lang, wala namang saysay ang pag-amin niya dahil nagsinungaling na ako kay Chester tungkol sa nararamdaman ko.I tilted my head a bit. Hindi ko siya sinagot at nanatiling tahimik. Ang dalawang kamay ko ay nanlamig bigla. Dahil parang kinutuban ako sa susunod niyang sasabihin.
"I'll explain the details later. But now, I want you to know that I know that you have feelings towards Chester."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Hindi ako nakaimik. Gusto ko man magsalita pero walang lumabas na salita saaking bibig dahil sa pagkagulat.
"Ramdam ko Michaela. Damang-dama ko na may gusto ka sa pinsan ko. Pero wala ng oras."
Napakunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin na wala ng oras?" Puno ng pagtataka kong sambit.
"Aalis si Chester ngayon at babalik na siyang maynila. Hahayaan mo lang ba na aalis siya na hindi mo man lang sinabi ang totoo mong nararamdaman?"
Aalis siya?
BINABASA MO ANG
SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]
RomanceTo those people who lived in the place of no light and pure darkness. They only need one thing. And that is to see a light, like stars in the sky to serve as light in the dark. Is it really possible that we can reach the stars? Very impossible isn't...