Chapter 14

199 7 3
                                    

Chapter 14: Chosen One

Tisha's POV

Pumasok kami sa loob ng maliit na kubo. The woman named Reilla lend me clothes to wear. It was a black dress just like hers, and a red cloak. Drix was already wearing a black long sleeves and slacks.

Sinunog ni Reilla ang aming mga uniporme. She said it's better not to leave any traces.

"Hali na kayo, tumatakbo ang oras natin." Si Reilla na nauna nang lumabas. Sumunod ako sakaniya nang bigla nalang siyang nawala sa paningin ko.

Naramdaman kong sumunod sa akin si Drix. Nilingon ko siya. He's wearing that playful smirk on his face. I just rolled my eyes at tinalikuran na siya.

Pero agad ding napatigil dahil hindi ko alam kung saang direksyon kami tutungo. And Reilla was already out of sight!

Nilingon ko si Drix na nakasunod sa akin at nakangisi. Nilagpasan niya ako. He kneeled and patted his back. "Sakay."

"What? No!" Sabi ko at umatras. Nilingon niya ako at binigyan ng tamad na tingin.

"Gusto mo bang magpaiwan?"

"H-Hindi,"

"Then, get on my back. I'll carry you." Sabi nito at tinapik ulit ang balikat niya. I sighed. Para naman meron pa akong ibang pagpipilian. I wrap my arms on his neck. "A'ight. Let's go," Sabi ko at tinuon ang mata sa unahan.

"Don't choke me babe." He chortled and put his hands on my legs. Napasinghap ako.

"Shut up." I said.

In a split seconds, the rough wind is already blowing against my face. Napakapit ako ng mabuti sakaniya dahil baka bigla akong mahulog. I closed my eyes. Pero agad rin akong napamulat nang may naramdaman.

Tumigil din bigla si Drix.

"They're ahead of this track, we should change route."

Lumingon ako sa gilid at nakita si Reilla na nakatayo sa sanga ng malaking kahoy.

"How many?" Si Drix at hinigpitan ang pagkapit sa akin. I bite my lips.

"Fifthteen. We can't engage at the moment, your highness. We must change route." Madiin ang bawat salita na binitawan ni Reilla. Naramdaman kong bumigat ang hangin sa paligid.

"Lead the way." Sagot ni Drix.

We run on the different direction. Halos ilang oras din kaming tumakbo—I mean sila lang kasi nakasakay ako kay Drix. Tirik na tirik na ang araw sa itaas. Ganoon pa man ay natatabunan ng mga dahon ng matataas na kahoy ang sinag nito.

Another hour passed at tumigil kami malapit sa isang talon. Binaba ako ni Drix.

"Magpahinga muna tayo." Si Drix at sumandal sa isang puno habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. I surveyed the place. Matalahib. Masyadong masabong ang mga halaman sa parte ng gubat na'to. Ang agos ng tubig mula sa talon ay rinig na rinig ko.

"Hindi tayo pwedeng magpagabi rito." Si Reilla na nakasilip mula puno na parang nagtatago. Inalis ko ang tingin sakanya at umupo sa isang malaking bato.

"Malayo pa ba tayo sa Kryptós?" Tanong ko. I made myself comfortable on the rock I'm sitting on.

"Malapit na. Dalawang araw nalang." Si Reilla ang sumagot sa tanong ko. Umangat ang tingin ko sakaniya.

"Dalawang araw?" Dalawang araw pa ako sasakay sa likod ni Drix? Baka kumuba na siya dahil sa akin. Bahagya akong natawa sa naisip. I caught Drix staring at me. Tinaasan ko siya ng kilay. He just smirked.

My Husband is a Vampire KingWhere stories live. Discover now