Chapter 2: You'll see
Keisha's POV
Nagising ako sa kalabog ng pinto ko sa labas. Napatingin ako sa orasan at alas 6 y media palang ng umaga. Damn.
"Keisha!" Rinig kong sigaw ni mommy sa labas. Napabuntong hininga ako bago mabilis na bumangon at tinungo ang pintuan.
"Bakit my?"
"Aalis kami ng Daddy mo. We're off to L.A. We'll stay there for five months. Ikaw ang maiiwan dito sa bahay. Please don't do stupid things while we're not here." Sabi niya at tinalikuran ako. Pagod kong sinara ang pinto at dumiretso sa banyo.
Does it matter if I will do stupid things? Wala naman silang pake.
Mabilis akong naligo at nag-ayos. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon.
"Hoy! Asan kana! Baka late ka na naman?" Bungad ni Tisha sakin ng sinagot ko ang tawag niya. Nilagay ko ang phone sa balikat at inipit iyon sa tenga ko habang hinahagilap ang I.D ko sa drawer.
"Ang aga natin ah? 6:55 pa lang..." Sabay tingin ko sa orasan.
I smiled when i finally saw it. Bakit nga ba kita nakalimutan kahapon? Sinuot ko ang I.D at patakbong lumabas ng kwarto.
"The word traffic? don't you know it?" She said in a duh tone.
"Nega." Sabi ko nalang sakanya.
"Yaya! Alis na po ako!" Sigaw ko at tuluyang lumabas.
"Alam mo ba, sis! Si---"
"Sabihin mo nalang sakin yan mamaya sa school!" Sabi ko at pinatay ang tawag. I get in my car and drove it away.
Mapait akong napangiti ng mapagtanto na ako nalang mag-isa mamaya pagkauwi ko. They left. Leaving me all alone. They doesn't seem to care to me at all. Anak ba talaga nila ako?
Nakarating ako sa school ng eksaktong alas syete trenta. Napatingin ako sa dalawang itim na sasakyan na halos kasabay ko lang dumating. Alam ko kung kaninong sasakyan iyon. Bumalik na talaga sila ah.
Napailing nalang ako nang makita na maraming babae ang nakatayo sa labas ng gate. Hindi ko nalang sila pinansin at mabilis na tumakbo papasok sa campus.
Dumiretso ako sa classroom at nandun na si Tisha sa likod. Nakaupo at nagtatype ng kung ano sa cellphone niya.Kunti lang ang estudyante sa loob sa kadahilanang hindi ko alam. Wala pa si Mrs. Esperanza para sa first period namin at buti nalang talaga. Magtatanong pa ako if pwede pa akong kumuha ng quiz.
Umupo ako sa tabi ni Tisha at bumuntong-hininga.
"Problema mo?"
"Pwede kanang mag sleep over mamaya. Ako lang mag-isa sa bahay." Sabi ko at bagot na tumingin sa white board sa harap.
"Bakit?"
"Umalis sila. Puntang L.A." I smirked masking what I really felt.
May sasabihin pa sana si Tisha nang dumating na si Mrs. Esperanza. Umayos kami ng upo at diretsong tumingin sa harap. History. Here we go again.
YOU ARE READING
My Husband is a Vampire King
VampiroKeisha Fauz Alferiz. A girl who's living her life normal despite of everything that's happening to her family. She doesn't have a mother or father to lean on, both is busy in their own world which is business. She doesn't even seemed to exist. Unti...