Chapter 3: Jackson's
Keisha's POV
Mga ilang minuto pa akong nag-stay doon pagkatapos niyang umalis. Nakakunot ang noo ko habang iniisip kung bakit pinapahanap niya sa akin ang librong iyon. Hindi naman na kailangan na hanapin ko pa iyon kasi nasa akin na talaga yun. But... What's with that book?
Naglakad ako papuntang cafeteria nang maalalang iniwan ko pala si Tisha sa Classroom. Babalik na sana ako nang makasalubong ko siya. Matalim na tingin ang binigay niya sa'kin. I just smiled.
"Saan ka ba nagpupunta? Kanina pa ako naghahanap sayo! Saan ka galing?" She bombarded me with her questions. I just sighed.
"Come on, let's just eat." Sabi ko at hinila siya.
"Tsk."
Pagkatapos ng lunchbreak ay naging mahaba ang hapon dahil sa surprise quizzes na binigay samin sa bawat period. Halos napiga ang ulo ko dahil doon.
"Diba may kukunin ka pang long quiz kay Mrs. Esperanza?" Saad ni Tisha habang naglalakad kami palabas ng campus.
Napabuntong hininga ako.
"My brain cells can't take another question to be answered. My stock knowledge got out of stock. I'm so drained. Give me a break."
"Alrighty! By the way, I'm going with you." She said excitedly before clunging her arms to mine.
"What do you mean?" I asked.
"Duh? Sleepover?" Sabi niya at inirapan ako. Napakurap ako bago napatangu-tango.
"Ahh... Oo nga pala."
Nang makauwi kami, agad kaming sinalubong ni Nanay Ema sa main door.
"Nilagay ko na sa guestroom ang mga gamit mo hija," sabi ni nanay Ema. Napangisi ako bago nilingon si Tisha.
"Po?"
"Alright, I'll be in my room." Sabi ko at naunang umakyat.
"We're supposed to have a sleepover!"
"We do. And you're sleeping in the guestroom."
"It's not it. I'm sleeping beside you!"
Hindi ko na siya sinagot at tumakbo papunta sa kwarto ko. Agad kong hinanap ang libro na yun. I checked my drawers pero wala.
"Saan ko ba nailagay yun?" Bulong ko at yumuko para tingnan ang ilalim ng kama ko. Pero kahit doon wala. Grabe saan ko ba talaga nailagay yun.
Napabuntong hininga bago tumayo ng maayos at umupo sa kama. Kanina pa ako naghahanap! Halos malibot ko na ang buong kwarto. I even checked my bathroom. Damn.
"What the hell? Nilibot ko na lahat tas andiyan ka lang!" Sambit ko nang makita ang libro sa ilalim ng lampshade sa side table. Kinuha ko iyon at tinignan ng mabuti. The whole cover was black and the font color was crimson red.
Tiningnan ko ang likod para tingnan ang story description but there was none. Kahit ang pangalan ng author ay wala, wala kahit ano. It's just the title: The Vampires Life.
My eyes widen when I saw blood in my hands. Nanginginig kong nabitawan ang libro. Lumabo ang paningin ko bago ako nilamon ng kadiliman.
Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo. Agad kong tiningnan ang kamay ko pero walang dugo. Was it all a dream?
Dahan-dahan akong bumangon sa kama. I'm still in my uniform.Nilingon ko ang sahig pero walang libro doon. Nilingon ko ang side table, wala din ang libro dun. Maybe, it was all just a dream.
I checked the time at halos liparin ko ang banyo dahil late na naman ako! It's already 7:20 in the morning! Mabilis akong naligo at nagbihis. 7:43 na nang matapos ako!
YOU ARE READING
My Husband is a Vampire King
VampirKeisha Fauz Alferiz. A girl who's living her life normal despite of everything that's happening to her family. She doesn't have a mother or father to lean on, both is busy in their own world which is business. She doesn't even seemed to exist. Unti...