Ashley's POVI look myself in the mirror. Ang ganda ganda ko talaga. Buti nalang maganda yung genes ng mga parents ko..:)
By the way, ako nga pala si Ashley Hernandez, 18 years old. Maganda ako, matalino, at palakaibigan. Alam nyo ba kung anong height ko? Well my height is 9'2. Para mas malinaw NAHINTO!! Maliit lang akong babae namana ko sa mom ko. Ano nmn kung maliit ako, at least maganda ko. HAHA. I'm now a second year college student taking Bachelor of Elementary Education in Einstein University. Mayaman ang pamilya namin pero napagdesisyonan kong mging isang guro balang-araw dahil sa mga batang ndi kayang pag-aralin ng knilang mga magulang. In short, good samaritan ako! ^.^Papunta ako ngayon sa condo ng boyfriend ko. I want to surprise him because it's our 2nd anniversary. He's so sweet and gentleman, and of course gwapo! Pipili ba naman ako ng hindi? :D HAHA. Anyway, andito na ko sa harap ng condo niya. Hindi na ko nagdoorbell since may spare key naman ako. Pumasok na ako sa loob.
Richard? Nasan ka babe?. Patanong na tawag ko sa aking boyfriend.
Pumunta ako sa kwarto niya. Nasa labas palang ako ay may naririnig nakong mga boses na nag-uusap. Parang may nagtatalo.Alam ko na mali ang mag-eavesdrop pero wala akong pakialam. My curiosity is killing me.
Hon, kelan mo ba hihiwalayan yung girlfriend mong hilaw?. Sabi nang isang malanding boses ng babae.
Malapit na hon. Konting hintay nalang. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses un ni Richard. T-eka, ako ba ung pinag-uusapan nila?
Bakit ba kasi ayaw mo pa siyang hiwalayan? She's so boring. Maganda nga siya pero para naman siyang manang. Sabi ng babae.
Yes, I know that. Pero alam mo namang kailangan ko ng pera niya para may magamit tayo sa pagppakasal natin diba? Let's just wait for the right moment.
Sa sinabi niyang yon, ay nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. So, all this time ginagamit niya lang pala ako at pineperahan. Minahal ko siya ng buong-buo pero ito lang ang mapapala ko?
Hindi na ko nakatiis, pumasok na ko sa kwarto ng walangya kong boyfriend.Hi babe! Happy 2nd Anniversary! Sabi ko sa kanya habang ako'y ppalapit sa kinaroroonan nila ng malanding babae.
B..abe? Ka..nina ka pa ba diyan? Ba't di ka manlang nagtext?
Because I want to surprise you. And to answer your first question, yes knina pa ko nandito. Na..dinig ko lahat..Minahal kita pero ito lang ang igganti mo sakin? Bakit? May nagawa ba kong mali ha? Hindi pa ba ko ------
Hindi ko na naituloy ang ssabihin ko. Tuloy tuloy sa pagtulo ang aking mga luha.B...abe, let me explain. Nagawa ko lang yun kasi -----
Kasi ano? Kasi hindi mo kayang tustusan yang babae mo? Kasi wla kang perang panggastos pag nagpakasal kayo? Well, Sorry pero hindi mo nko mahuhuthutan kasi break na tayo ! G*go ka!
Lumabas ako ng condo kahit na hilam ng luha ang aking mukha. Wala akong pakialam khit na pinagttinginan ako ng mga tao.
Ang sakit palang magmahal. Simula ngayon ipinapangako ko sa sarili ko na hindi na ko magmamahal ulit. I will not fall inlove again.
BINABASA MO ANG
Fall in Love Once Again
RandomSi Ashley ay isang babae na kabilang sa grupo na NBSB o No Boyfriend Since Break-up. Marami siyang mga manliligaw ngunit wala siyang ineentertain kahit isa sa mga ito dahil sa kanyang past experience. Meet David Lazaro, ang CEO ng pinakamalaking win...