-01-

11 0 0
                                    

"Ms. Agoncillo! More facial expression!" Ani ng director namin. Two weeks ago pa nag start ang rehearsals. After ng announcement ay agad ring nagmeeting for the play. Masaya ako simula ng first day of rehearsal kahit na pagod iba pa rin talaga pag gusto mo ang ginagawa mo.

After kong malaman na ako ang nakakuha ng lead role ay umuwi agad ako pero hindi ako pinansin ni mommy and that was expected. Nasasanay na ko sa trato nilang ganoon sa 'kin at blessing in disguise din dahil malayo kong nagagawa ang gusto ko.

"Ang lahat ng ito ay pansariling intensyon niyo lamang! Kailanman hindi magiging tama ang pumaslang ng tao, ano mang dahilan, kung mali ang paraan ay mananatiling mali." Pag-arte ko. Matalinhaga ang bawat salita dahil ang punto ng play namin ay mga problema ng bayan.

"Let's call it a day, improved the rage of your voice and gestures, okay?"

"Yes, Direk!" Sabay-sabay naming tugon at nagsimulang ayusin ang mga gamit.

"Lory!" Masayang pagtawag sa 'kin ni Criss at nginitian ko siya. "Galing mo, ah? Para kang inspired. Uyy..." Pagdutdot niya pa sa tagiliran ko. Para talagang bata ang isang ito. Kinuha ko ang hawak niyang tumbler at saka uminom.

"Inspired? By who?"

"Malay ko, mamaya may prince charming ka na pala tapos nililihim mo lang," she pouted as if naman totoo ang sinasabi niya. Lawak talaga ng imagination ng isang 'to.

'Sa ating dalawa Criss ikaw ang iniisip kong maglilihim tungkol diyan' bulong ko sa isip ko habang nakatingin sa kaniya. Napailing na lang ako at nagpunas ng pawis.

Two weeks nang gano'n ang routine ko. School-rehearsals-bahay-cinema. Uuwi ako sa bahay para iwan ang iba kong gamit at aalis din para pumunta sa sinehan. Minsan ko lang naman maabutan na nasa bahay sila mommy.

Yes, after that night parati akong nagpupunta sa sinehan nagbabakasakaling makita ko ulit siya at makapagpasalamat. I'm really thankful by his presence that night and thanking him is the least thing I can do.

Pero in that two weeks, no sign of him, and now I'm in the exact spot where we talk that night.

I sighed after the movie has ended. Lory, what do you expect? He's not like you maybe it's just pure coincidence that night.

Tumayo na ko at humakbang pababa.

"Miss me?" That voice. I heard him chuckled. That laughing machine. Wait-He's here? Mamaya imagination ko lang 'to or baka panaginip.

Narinig ko ang hakbang niya papalapit sa 'kin at hindi nga ako nagkamali ng pumunta siya sa harapan ko saka ko nakumpirma na nandito talaga siya.

"K-kanina ka pa ba nandiyan?" Pinilit kong huwag ma-utal dahil hindi ko naman na inexpect na magsshow up pa siya after that night. 

Tama, tama, Lory. Hindi ka naman nandito for him.

"Yes...and I saw you, para kang may inaantay since aligaga ka sa upuan mo." So, kanina pa talaga siya dito and he just watch me? This guy is really something.

Nakita niya siguro ang naging reaksyon ko kaya pinigilan niya ko magsalita. "Cute mo."

And there he made me blush. Madilim man dahil nasa loob pa rin kami ng sinehan ay alam kong kita ang pamumula ng pisngi ko. Talaga ba, Lory. You blushed because he call you 'cute'.

"I'm not a dog!" Nagdabog akong bumaba at umalis ng sinehan at nadinig ko ang tawa niya.

"Hey! Hey! Wait up," hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako roon. Pero mukhang wala lang 'yon sa kaniya kaya tumingin ako sa kaniya.

UNMASKING THORNS Where stories live. Discover now