-06-

4 0 0
                                    

What? Akala ko na bago na lang ang play ang pagpapakilala sa 'kin? Not that I'm not ready but I'm nervous about this.

Kahit magkasama na kami ni West ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ng kapatid niya.

"Are you okay, babe? You look pale." Of course, mapapansin niya. Act, Lory, act. I gave him a smile. Pati sa kaniya nagagamit ko na ang pag-arte ko.

"What kind of person is your mom?" Wala sa sariling napalakas kong sabi. Nasabi ko ata ang nasa isip ko. Shit.

"Hmm?" Ramdam ko ang bahagyang pagkagulat niya sa tanong ko pero agad ring nawala iyon. "She's great, just like you." He planted a small kiss at the side of my head.

"You think magugustuhan niya ko?"

"She'll love you, babe. Sometimes I think... I don't deserve a woman like you." It flattered me. Every words he said make my heart jump.

'I'm nervous, babe. I don't know what ahead of us but I hope no matter what happens... you and I... will  end up together'

I said it at the back of my mind while staring at him.

"Patay na patay ka na ba sa 'kin at hindi mo na maalis ang titig mo?" Umayos ako ng pagkakaupo at nilipat ang tingin ko sa librong hawak.

"Asa! Magbasa ka na nga!"

"Why? Hindi mo ba ko papalasalan pag bumagsak ako?" Nagulat ako sa tanong niya. Biro man o hindi ay hindi ko alam ang sagot.

"Syempre hindi ka babagsak! Kaya nga tayo nag-aaral ngayon 'di ba?" I flashed a fake smile.

"Kidding. I won't fail. Trust me." Maliiit na ngiting paggarantiya niya sa 'kin.

'You should keep your words. That's the only thing I'm holding right now'

Hindi ko rin kasi alam ang mararamdaman ko dahil alam kong ako ang maaring maging rason kung babagsak man siya.

Dating gawi ay hinatid niya ko gamit ang motor niya. Maaga ko rin siyang inaya umuwi para makapag-aral pa siya. Pagdating ko sa bahay ay nagulat akong naka upo sa sala si Dada.

Balak ko sanang umakyat na ng diretso. "Oh, nakauwi ka na pala. Wala ka bang balak batiin ako?" Mahihimigan ko ang inis sa tono niya.

"Oh, hi! Happy?" Walang ganang sagot ko.

"Aba't! Mallory! Siniraan na ba ko ng nanay mo sayo?!"

"Wala nang dapat sirain pa sayo. Sirang-sira ka na sa 'kin" Lumapit siya at hinanda ko na ang sarili ko sa sampal niya at nang dumapo ang palad niya sa pisngi ko ay namanhid ang mukha ko. Kita ko ang pagiba ng ekspresyon niya. He look at me apologetically.

"You've done it. If satingin mo si mommy ang may kasalanan dito. Parehas kayong mali! You failed as her husband and as a father to me! And she failed as a wife and a mother to me! Kung magsisihan kayo ay parang ang dami niyong ginawang tama!"

"Wala kang alam!" Hindi ko na nablpigilan ang luha ko. "You're mother made me do it! Oo, nagloko ako at alam kong mali 'yon! Pero minahal ko ang mommy mo..."

"You love her? Tanginang pagmamahal mo 'yan, dad. Satingin mo ba bulag ako? Noong nagsisimula ka pa lang sa kumpanya mo, anong ginagawa mo? Umuuwi kang lasing at binubunton mo ang sisi mo kay mommy!" Natigilan siya. Inakala niya ba talaga na wala akong alam? Stupid.

"Si mommy... sinuportahan ka niya. Kung anong meron ka ay dahil din sa kaniya! Naniwala siya sayo! Nagbago siya dahil sayo! You never appreciate her, do you even thank her? No! Puro sakit ang binibigay mo sa kaniya! Sa amin!"

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Baka eto ang kailangan niya. Ang isampal ang katotohanan sa kaniya.

Tinitigan ko pa siya. I heard him sobs but I ignored it. Pinunasan ko ang luha sa mukha ko at umakyat na sa kwarto ko. Pagkasara ng pinto ay agad kong nilabas ang emosyon ko. Ilang linggo ko na ring hindi nakikita si mommy. I missed her.

UNMASKING THORNS Where stories live. Discover now