-07-

1 0 0
                                    

We are flawed. That's one thing for sure. We lived to make mistakes and learn a lesson from it. Hindi ko alam kung lahat ba ng ginagawa kong desisyon ngayon ay tama o dadalhin ba ko nito sa mali.

What I feel for West became deep, deeper than I expected. It's a seed and the roots never stop growing. Natatakot ako na sa sobrang lago nito ay ito ang ikapahamak ko, naming dalawa.

"Are you okay, Lory?" Ysla took a snap infront of me.

"Ha?"

"Lalim ng iniisip mo, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. It's a gift from above, simula ng sumama ako sa kanila ay nadagdagan ang mga taong  nagbibigay ng importansya sa 'kin.

"Ayos lang baka napagod utak ko sa exams." Totoo 'yon katatapos lang ng unang set ng exams namin at mas mahirap 'yon sa inaasahan ko.

"Kaya nga, hindi pa naman nadadaan sa floorwax mga lec natin." Cline said, Ysla's best friend.

"Gaga! Tiles naman kasi ang rooms sa 'tin." Sita ni Ysla at natawa ako sa kanila.

"Si West, oh..." Baling nila sa likod kaya napalingon ako. Nakatayo si West sa hamba ng pinto ng room namin. I think he's in good mood.

Nagpaalam muna ako kina Ysla at Cline at saka dumiretso kay West.

"How was the test?" Ayon agad ang tanong ko.

"I love you, wala bang kiss muna diyan?" Natatawang biro niya at inirapan ko lang siya.

"Sungit." Mahinang buling niya pero rinig ko pa rin.

"Okay, fine. I think it was okay. It should be okay." Parang nag-aalinlangan niyang saad.

Huh? Hindi siya sigurado? He needs to ace the exams! Inaasahan 'yon ng pamilya niya. "Bakit parang hindi ka sigurado? Baliw ka! Kailangan mo taasan ngayon, marami kang missed na gawain." Direstong sermon ko sa kaniya at agad bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. I scratched my nose to avoid his gaze.

Oh no. Nadulas ako.

"How... how did you know? I didn't tell you about that..." He crosses his arms. Nandito pa rin kami sa pinto at seryoso siyang nakatingin sa 'kin.

"Exactly, hindi mo rin sinabi sa 'kin. I deserved to know!" Kailangan kong unahan magalit. He needs to ace all of the exams.

"Paano mo nga nalama-"

"Napapansin ko, West!" Sigaw ko at natigilan siya.

"What?" Naguguluhang aniya.

"Noon ko pa napapansin... masyado kang tutok sa 'kin na umabot sa puntong hindi mo na nagagawa ang mga responsibilidad mo sa pag-aaral." Naiiyak ako pero hindi ko puwedeng ipakita 'ton sa kaniya. I knew he would think about me. At sa huli ako na naman ang uunahin niya.

"Are you saying na kasalanan mo? Fuck that!" Tumaas ang boses niya at bahagya akong napagalaw dahil doon.

"Saka na tayo mag-usap."Akmang tatalikuran ko siya pero marahas niyang kinuha ang braso ko.

"Ano ba?! Nasasaktan ako, West!" Agad lumuwag ang hawak niya sa 'kin. Naiintindihan ko ang reaksyon niya dahil 'yon ang gusto kong maging reaksyon niya. Ang magalit siya sa 'kin.

"Kahit kailan hindi ikaw ang may kasalanan! It was my fault... inuna kita because that's my choice! Hindi ko sinabi sayo dahil ikaw ang iniisip ko!"

"Ayon na nga! West... hindi mo ba naiintindihan? You're love for me became toxic! Hindi healthy ang ganito!" Now, I've said it. Bumalatay ang sakit sa mga mata niya ng marinig ang aking sinabi.

"My love... for you is toxic? N-nasasaktan ka na b-ba?" Slowly, he's voice broke and I saw tears in his eyes. Hindi ako sanay na ganito siya. Pero ayaw kong magsinungaling.

UNMASKING THORNS Where stories live. Discover now