-05-

5 0 0
                                    

""That will be our first monthsary." The moment that Criss stop walking, hearing what I've said. I smirked. Aaminin ko pakiramdam ko pinapahiya niya ako kanina.

Mabilis naglakad si Criss papalayo at tinapunan ko naman ng tingin si West na parang nakagat ng ahas.

"What...was that?" Parang hindi makapaniwalang saad niya. Tama ba ang ginawa? Or did I impulsively do it.

"Ayaw mo ba?" Tinaasan ko siya ng kilay at ininom ang frappe ko na halos tunaw na.

"Do you really mean it?" Naupo siya at may kung ano sa mata niya na nagsusumamong 'oo' ang isasagot ko.

Huminga ako ng malalim at pinagkrus ang mga kamay. "I like you, West... Before ka pa magconfess kagabi, I know that I like you... it just that..." Natigilan ako, gusto kong sabihin na natatakot ako sa mga p'wedeng mangyari.

"Stop overthinking. I know you, may iniisip ka." I'm impressed, who wouldn't fall for this small gestures of him.

"I mean it, West." Of course I mean it, sasabihin ko pa rin naman sadyang napuno ako kay Criss.

"Now, I get it." Nangingiti siyang tumango-tango. "Huh?" Ang bilis talaga magpalit ng mood ng isang 'to.

"Akala ko guni-guni ko lang, noong time na nakita mo 'yung lockscreen ko, selos ka no?" Asar niya pa, kahit kailan ang taas ng confidence.

"Maybe?" Kaswal na sagot ko saka kinagat-kagat ang straw ng iniinom ko. Wala namang dahilan para itanggi ko.

Napansin ko ang magkatitig niya sa 'kin na para bang manghang-mangha. "What?"

"Nothing. So... you're my girlfriend now?" Bakas mo sa tono niya na gusto niyang kumpirmahin.

"Ano ba sinabi ko kanina?" Mataray na saad ko at mas lalo siyang ngumiti.

"Say it." Agad akong umiling. Natatawa man ay tinago ko ang tawa ko dahil ang cute niya.

"Say it... Please...Babe..." Babe? May endearment agad si mokong.

"Patay na patay ka talaga sa 'kin, no?" Pangaasar ko at natawa din siya. Sumandal siya at nangalumbaba at tumitig sa 'kin.

"I fall for everything you do. If only you knew..." Natulala ako sa kaniya. Ganda ng mga mata niya. Hindi pangkaraniwan ang pagka brown. Para akong nakalutang ngayon, kylang ang salitang masaya sa nararamdaman ko.

"Sorry about Criss pala." Pagiiba ko ng topic. Too cheesy na kasi at hindi pa rin talaga nawala sa isip ko ang asta ni Criss.

"It's fine but is she the Criss na kinukwento mo? She's kinda far from what you've told me about her." He brushed his hair using his fingers and I looked at him intently. Parang mas lumakas dating niya sa 'kin.

"Yeah... Hindi ko nga alam anong nangyari sa kaniya, eh." I sighed my frustration. The Criss I know will never do that. Kasalanan ko ba? Baka masyado akong magfocus sa problema ko at napabayaan siya.

"Hey... Don't you ever blame yourself, okay? People change, got it?" He hold my hand and gently caressed it.

"Bakit ka gan'yan?"

"Like?"

"You always knew what's on my mind."

"Syempre... pogi, eh." Nagsign pa siya ng pogi at hinampas ko naman ang kamay niya.

"Walang matinong usapan sayo!"

"Babe... my heart can see what's on your mind..." The fuck? Cringe niya na pero tinago ko ang sumisilay na ngiti.

Sinamaan ko siya ng tingin at natawa siya.

"Binibiro ka lang, eh. Seryoso na." Seryoso niyang saad at masama pa rin ang tingin ko. "Baka kasi...masyado ng marami 'yung kini-keep mo na problema to the point na hindi mo na matago." Makahulugan niyang sabi at napaisip ako, ang dami ko ngang iniisip lately.

UNMASKING THORNS Where stories live. Discover now