"Hahaha!" Malakas na tawa ni Criss sa kwarto ko. She's been here for 4 days. I heard there's a feud in their family."HAHAHA" Pagtawa niyang muli at kunot ang noo ko dahil nagkakabisado ako ng script. "Kung tumawa ka ay parang wala kang problema, ah?" Saad ko at pinatong ang paa sa may unan habang nakasandal ako sa headboard ng kama.
Tiningnan niya 'ko at agad binalik ang tingin sa phone niya. "Wala namang mangyayari if papaapekto ako sa mga problema ko." So, pinoproblema nga rin niya.
Napaisip ako sa sinabi niya. Does it always need to ignore problems? How to resolve problems without doing anything?
Binalik ko na lang ang tingin sa script na hawak ko at nagconcentrate. Nang mangalay ay kinuha ko ang phone ko at nag scroll muna sa mga socials.
Westley Briar Abelardo sent you a friend request
Halos mapamura ako dahil notification na 'yon. Bakit naman nag-add ang isang 'to, eto ba 'yung sinasabi niyang 'I'll keep appearing in front of you'?
Bago ko siya iaccept ay inistalk ko muna ang profile niya.
"Parang babae, ang linis ng timeline." Bulong ko habang tinitingnan ang layout ng facebook niya.
Westley Briar Abelardo
20
May nilalandi🤭
Kumunot ang noo ko sa bio niya. Wow, may nilalandi. Sana all. Ang mga featured photos niya ay maayos ang pagkakaorganized. Napatango ako sa pagkamangha.
Ang una ay larawan ng motor niya sa iba't ibang lugar. Ang pangalawa naman ay puro pagkain. At ang pangatlo ay hindi ko maintindihan parang criptic pictures, hindi ko maintindihan.
Matapos ng ilang minuto ng pagsscroll ay inaccept ko na rin siya.
"Huli!" Sigaw ni Criss sa tenga ko at halos masira ang eardrums ko. "Anong huli pinagsasabi mo?" Inis na angil ko.
"Ikaw, ha? Hindi ba siya 'yung sumala sayo nung audition?" Makahulugang asar niya at mas lalo naman akong nainis.
"And so?"
"Anong 'and so' ka diyan. Bakit nag-add sayo at inaccept mo?" Kita mo sa mukha niya ang nakakaasar na ekspresyon.
"Kasi gano'n sa fb?" Balik kong tanong at tinginan niya kona para bang hindi siya naniniwala.
"Kilala kita, minsan ka lang mag-accept. It's either friends mo or nakausap mo na," sabay tudyo sa tagiliran ko. Napaka kulut talaga nito.
I sighed. "We're... friends, I guess?" Nagaalinlangan kong saad at nanlakinaman ang mata niya. "OMG! OMG! How?" Naeexcite niyang lapit sa 'kin at mukha siyang batang nanghihingi ng candy.
Nagkibit balikat ako at bumalatay ang pagkabigo sa mukha niya kaya naman bahagya akong natawa. "Stop, there's nothing between us, okay?"
"Whatever."
Nagmovie marathon na lang kami para pampaantok nang biglang may kumatok.
"Lory?" Agad akong tumayo dahil tulog na si Criss baka magising pa.
Pagbukas ay agad bumungad ang malungkot na mukha ni mommy.
"Why po?" Nagtaka ako, may nangyari ba? Nagugulan ako at medyo kinakabahan.
"Ang daddy mo, may... anak sa labas," humagulgol siya at ako naman ay hindi maiproseso ang mga sinabi niya. Nanatiling akong nakatitig kay mommy.
"Hindi... you're lying, r-right?" Namumuong luhang saad ko. Emotions dominated my whole existence. I was beyond hurt.