That guy never failed to flatter me. Not even a day. After that 'hangout' we always texting and sometimes video calling.
Nakwento ko kay Criss na gano'n ang lagay namin ni West at kinukulit niya ko na ipakilala ko raw sa kaniya si West para makilatis niya.
"Dali na kasi!"
"Sus, alam ko na ang gagawin mo. Titingnan mo kung pasok sa standard mo!" Natatawang ani ko.
"Hindi kaya! Bakit ko naman ipapasok sa standards ko 'yon, eh, ikaw ang nilalandi no'n!" She rolled her eyes and looked at me intently.
"May nililigawan ata 'yon." Hundi pa rin naman nawawala sa isip ko 'yyng lockscreen niya.
"At hindi, ikaw? You sounded like disappointed." Asar niya at nakangising aso siya.
"Disappointed? Me? Nasisiraan ka na ba? Pake ko kung may nililigawan siya." Alam kong sa mga oras na 'yon nakanguso ako dahil sa pagpprotesta kay Criss.
"Hindi disappointed pero mukhang bitter." Pagpaparinig niya habang tumakbo papalayo dahil alam niyang sasabunutan ko na siya.
Bitter? Never.
May usapan kami ni West ngayon, papaano tuwing may bago siyang kainan na nadidiscover ay gusto niyang puntahan at lagi niya kong sinasama.
Nakita ko siya sa may parking na nakasandal sa motor niya.
"Tired?" Salubong niya at umiling ako. "Kinuha niya ang isang helmet at ako naman ay nagsalita. "West..."
"Hmm?"
"Is it okay if you meet my best friend?" Nagaalinlangan tanong ko.
"P'wede naman pero why?" Takhang tanong niya habang binababa ang footrest.
"She just...uhhm want to meet you." Nahihiya man ay nasabi ko na rin naman.
"Sure, kailan ba?" Ngiting tingin niya at nabuhayan naman ako.
"Talaga?"
"Oo naman, anything for you." He casually said. Minsan nagugulat ako sa pagiging straight to the point niya.
Pinanliitan ko siya ng mata. Naisip ko baka may hingin na namang kapalit ang kumag na 'to.
"Why are you looking at me like that?" Hindi ako nagsalita at pinanliitan ko pa siya lalo ng tingin.
Tumawa siya. "Stop it, you look like at idiot."
Napapadyak ako. "Eh, ikaw kasi. Mamaya may hilingin kang kapalit kaya ka pumayag agad." He chuckled. This laughing machine. Grr.
Napahawak siya sa baba niya na parang may kalokohang naiisip. "Actually...Hmm meron nga." A devil grin flashed to his face.
Napalunok ako. "W-wag na nga lang!" Kinabahan kong sagot sa kaniya.
"Hop in, hindi ka p'wedeng gabihin masyado." Sumakay siya do'n at tuwing nasa motor siya makikita ko na ang kisig ng katawan niya.
"Sinong nagsabing hindi p'wede?!" Wala namang pake ang mga nasa bahay. I can do anything I want.
"Me?"
Right. Fuck this heart, stop beating for him!
He snap his finger in my face. "Sabi ko tara na, alam kong pogi ako kaya tama na kakatitig," he smirked as he successfully annoyed me. He really knows how to irritate me.
As usual banayad ang pagpapatakbo niya. Hindi na rin ako masyadong dumaldal dahil masyado akong abala sa kakalingon. Ang ganda ng mga ilaw sa mga gusali.
Ligero City became the busiest city in the region. Hindi na rin ako nagtaka dahil nandito ang lahat ng opurtunidad.
Maya-maya ay huminto kami sa isang bagong cafè. Sumisigaw ng aesthetic ang coffee shop na 'to. Light banner, paintings, books and a romantic ambiance.