XV

88 5 1
                                    

To everyone who has been here since my very first story, from YTOIW, to AA, to KJ OS, to YSNM, and lastly, AKNGK. thank u somucho! Whether ure a silent reader or a very active one, yung mga andiyan kahit alanganing oras sa madaling araw ako kung magupdate, yung ang tiyaga niyo pa rin kahit minsan once a month na lang ako kung magupdate. I owe u guys gratitude. Thank u for reading my story kahit pakiramdam ko hindi siya worth it basahin.

I am not good as the other authors but atleast I tried to give you the best story / stories I could.

If you found yourself crying, laughing, angry while reading AKNGK then I think my clutched nights writing this story paid off.

I appreciate all of you! Thank u again! ♡

•••


"I miss her." SS started the conversation as they went out of the car.



"Sino bang hindi?" Shyriz asked back as she press the car's key lock.



"Mauna na ba tayo doon? or let's wait for them na lang?"



Shyriz gets her phone from her pocket. "Ace texted. Malapit na daw sila, sabay sabay na tayo pumunta doon." Shyriz informed SS.



SS sighed and let her back lean on their car. "It's been two months already... I miss Cy so much." SS sadly smiled. "Parang kailan lang Cy is here with us, nakikitawa, nangunguna sa mga trip sa buhay—"



"Huy, stop it na... Hindi gusto ni Cy na ganito ka, malulungkot din iyon." Shyriz held SS' hands. "Two months na ang nakalipas pero tignan mo, kahit paunti unti nakakausad naman tayo." Shyriz even smiled.



"Huy! Oh naiyak nanaman ang baby SS na iyan?" Pang-aasar naman ni Ace na kadadating lang.



Pinandilatan naman ni Shyriz ng mata si Ace.




Inakbayan naman ni Jazz si SS na nakasimangot na. "Ngumiti ka na oh. Papunta na nga tayo doon ngayon oh! Bahala ka malulungkot din yon." Ace then fuzzed SS' hair.



"Tara na bilisan niyo na diyan." Pagtawag ni Shyriz sa tatlo.



Parang nakikisama sa kanila ngayon ang paligid. Ang alialiwalas ng kalangitan, hindi naman gaanong ka-init kumbaga sakto lang at mahangin din ngayon.



Naglalakad na sila ngayon sa kung nasaan si Cy.



Sila Xyle naman ay kanina pa nandoon, sadyang sila na lamang talagang mga kaibigan ang hinihintay.



"May lungkot at sakit pa rin talaga dito." Jazz stated as he points his left chest. The rest of the gang became soft with what Jazz said. Si Jazz kasi yung tipo ng tao na palabiro, kaya sobrang bago sa pandinig at pakiramdam nila kapag si Jazz na ang seryosong nagsalita.



Inakbayan naman ito ni Ace at tinapik ang balikat. "Next time we go here, saya na ang bitbit natin sa mga dibdib natin. Hindi ngayon pero dadating din tayo don."



"Masakit sa atin pero naisip niyo ba kung gaano din ito  kasakit para kay Xyle?" Shyriz asked. "Hindi ko alam kung paano niya kinakaya. Kung titignan mo si Xyle parang wala siyang dinadalang lungkot at pain sa dibdib."



AAMININ KO NA, GUSTO KITA.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon