Chapter one: Once Upon A Time

58 4 0
                                    

Sarina: "La la la 🎶 Kay ganda naman ng mga bulaklak na ito,amoy pa lang humahalimuyak na sa bango. Siguradong magagalak sina Inay dito pag-uwi ko."
Sa oras din na yun habang nagpipitas ng mga bulaklak si Sarina tila may isang boses ng binata ang papalapit ng papalapit sa pandinig ng dalaga.
*BOOOGSSH* Nagkabungguan ang dalawa at nagsitilapon ang mga bulaklak na nasa basket ni Sarina.
Sarina: "Araaaay ko! Yung mga bulak-" Hindi nagawang ipagpatuloy pa ng dalaga ang kanyang nais sambitin sapagkat agad na tinakpan ng binata ang bibig n'ya sa pamamagitan ng kanyang kamay at hinigit ito upang magtago sa malaking puno ng Narra.
"Tul--" Nagpupumiglas na sambit ni Sarina.
"Ssshhhh! huminahon ka,hindi kita sasaktan ang pakiusap ko lang sa'yo h'wag kang gagawa ng kahit na anong ingay" Nagmamakaawang sagot ng binata na tila parang may pinagtataguan.
Nagpumilit pa rin si Sarina na makawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng binata hanggang sa nakahanap ng pagkakataon ang dalaga upang makatakas nang may nakita s'yang isang matandang lalaki.
"Dito po! dito po! tulooooong!" Sigaw ni Sarina. "H'wag kang maingay" Pakiusap ng binata.
Napalingon ang matandang lalaki sa kanilang pinagtataguan.
"Aha! Jaime andyan ka pala ha!" Sigaw ng matandang lalaki. "Pasensya na ho Mang Domeng eh natuwa lang ho ako sa mga alaga ninyong hayop" Biro ni Jaime."Aba! at nagbibiro ka pa ngayon ha!" Galit na sambit ni Mang Domeng sabay *SAPOK* "Mang Domeng aray ko! Pasensya na ho talaga. Hindi na ho mauulit" Nagmamakaawang sagot ng binata. "Makaalis na nga dito. Nako! Malilintikan ka na talaga sa akin!" Galit na Mang Domeng.
Galit na galit ng umalis si Mang Domeng sa pinagtataguan ni Jaime.
"Aha! Jaime pala ang iyong pangalan. Buti lang sa'yo" Pang-iinis ng dalaga kay Jaime. "Sinaktan mo kasi ako kanina HAHAHA" Dagdag pa niya. "Akala mo naman ang ganda mo. Alam mo Binibining laging nakasimangot,hindi kita sinaktan." Sagot ni Jaime.
Sa sobrang inis ng dalaga inihakbang na n'yang bigla ang kanyang paa papalayo sa lalaking iyon na sobra n'yang kinaiinisan.

LOVE LETTER: A key to the pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon