Isang araw,naghahanda sina Jaime at Sarina upang pumuntang bayan para bumili ng mga rekados sa handa ng kanyang kapatid.
"Inay,punta na po kami" Aniya Sarina.
"Sige Anak,mag-iingat kayo ha? Jaime ingatan mo ang panganay ko ha." Pakiusap ni Inay Marisol.
"Opo naman po. Aalis na po kami Inay." Aniya Jaime.
Nagpaalam na nga sina Jaime at Sarina kayna Inay Marisol. Kumaway rin sina Adeng sa kanila na may kasamang matatamis na ngiti sa kanilang mukha.
Umalis na sina Sarina sa kanilang lugar at nagpunta ng bayan.
Sa wakas nakapunta na silang bayan. Dumeretso agad silang palengke para sa mga rekados na kakailanganin nila para sa kaarawan ni Adeng.
Habang namamalengke ang magkasintahan biglang may malakas na ingay silang narinig,parang isang bombang sumabog at nalaman nila na ang ingay na narinig ay nanggaling malapit sa kanilang lugar. Nagkagulo ang mga tao sa bayan at isa na dun sina Jaime at Sarina.
"Yung pamilya ko Jaime!" Takot na sigaw ni Sarina.
Nagmadali ang dalawa papauwi sa kanila ngunit hindi agad sila nakapunta doon dahil nalaman nila na ang bombang narinig ay nanggaling sa mga Hapon. Mga sundalong hapon na may mga malalaking armas at tangkeng dala.
"May mga sundalong hapon" Aniya Jaime.
"Kailangan na nating magmadali Jaime!" Hagulhol na sinabi ni Sarina. "YUNG PAMILYA KO JAIMEEE!" Dagdag pa niya.
Gumawa ng paraan ang dalawa upang hindi sila mapansin ng mga Hapon at ligtas silang nakapunta sa kanilang bahay ngunit ng datnan nila ang kanilang bahay ay nalaman nilang dito nanggaling ang bombang sumabog na narinig nila mula sa bayan. Hinanap nila ng hinanap ang pamilya ni Sarina ngunit hindi nila ito natagpuan. Napansin ni Jaime na may mga sundalo ng paparating kaya't sinabi n'ya kay Sarina na umalis na sila ngunit hindi ito agad pumayag.
Nang makalabas ang dalawa ay nakita nilang kalat na ang mga Hapon.
"Mauna ka na Sarina!" Sigaw ni Jaime.
"Hindi. Hindi kita iiwan dito" Hagulhol ni Sarina.
Nakita silang dalawa ng mga hapon kaya wala ng nagawa si Sarina kundi ang tumakbo na papalayo habang hagulhol ang pag-iyak.
Hinuli ng mga Hapon si Jaime at naging alipin kasama ng iba pang mga Pilipino na nahuli nila at gagamitin din ng mga ito ang mga Pilipinong nabihag nila para sa binabalak nilang pagsakop sa Pilipinas.
Oras ng pamamahinga noon matapos ang maghapong pagtatrabaho nila sa mga sundalong Hapon. Humiram si Jaime ng panulat at humingi ng papel at pinagbigyan naman ito ng mga Hapon.
"Mahal kong Sarina,kamusta ka na kaya?---" Naggawa ng isang liham si Jaime para kay Sarina at doo'y nakapaloob lahat ng mga gusto at hindi masabi ni Jaime kay Sarina sapagkat magkalayo sila. Natapos n'yang sulatin ang liham at agad s'yang gumawa ng paraan para makatakas mula sa pagkakakulong sa mga Hapon at nagtagumpay s'ya dito. Hinanap n'ya si Sarina at ito'y natagpuan n'ya sa kagubatan.
"SARINAA!" Nagagalak na sigaw ni Jaime.
Napakinggan ito ni Sarina kaya agad naman itong lumingon at doo'y natagpuan n'ya si Jaime. Sobrang kaligayahan ng dalawa kaya hindi na nila napigilan ang pagpatak ng mga luha mula kanilang mga mata. Napatakbo papalapit ng mabilis ang dalawa at niyakap ang isa't isa.
"Sarina may ibibigay ako sa'yo" Aniya Jaime.
Kinukuha na ang liham at ibibigay na ito kay Sarina nang mahawakan na ito ni Sarina ay biglang sumigaw na Hapon at sila ay nakita. Nabaril sa binti noon si Jaime at pinauna na n'ya sa Sarina. Iyak ng iyak si Sarina habang tumatakbo palayo at nang dahil dito ay nahigit at nahati sa dalawa ang liham. Ang kalahati ay napunta kay Jaime at ang isa naman ay napunta kay Sarina.
Sa kagustuhan ni Jaime na sundan si Sarina ay hindi na n'ya ininda ang sakit na nadarama at nagpatuloy na ito sa paglalakad at naabutan n'ya doon si Sarina.
Sabay nilang nakita ang isang malaking puno na mapagtataguan nila ngunit bagonpa sila makapagtago ay may nakakita na sa kanilang mga Hapon at sila ay pinagbabaril ngunit ang napuruhan ay si Sarina. Sabay bumagsak ang dalawa sa puno na pagtataguan sana nila at ang puno pa lang iyon ay ang puno ng Narra na naging saksi sa pagmamahalan nila.
"Sarina" Aniya Jaime. "Jaime,ngayon nandito tayo sa puno na naging saksi sa lahat, at sa panibagong pagkakataon ay muli s'yang magiging saksi sa atin. Sa pagmamahalan natin na dala-dala natin hanggang sa kamatayan. Mahal na mahal ki---" Hindi na nagawa pang tapusin ni Sarina ang kanyang sasabihin sapagkat binawian na ito ng buhay habang hawak ang kabiyak ng liham.
Iyak ng iyak si Jaime at niyakap n'ya ng napakahigpit si Sarina at sinabing
"Mahal na mahal din kita. Hanggng sa muli nating pagkikita."
May mga taong nagsidatingan nang ang mga sundalong Hapon ay umalis na.
Nailigtas at nailayo sa lugar na yoon si Jaime na hawak-hawak pa rin ang kabiyak ng liham.
Nawalan ng malay at nagamot si Jaime ngunit nang paggising n'ya ibang tao,lugar at buhay na ang meron s'ya.
Ilang oras,araw,buwan at taon ang lumipas matapos ang malagim na pangyayaring iyon sa buhay ni Jaime.Hanggang doon na lamang ba ang pagmamahalan nilang dalawa? O mabibigyan ng ikalawang pagkakataon upang mapagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan?
BINABASA MO ANG
LOVE LETTER: A key to the past
RomanceNaniniwala ba kayo sa muling pagkabuhay ng mga namatay na sa pamamagitan ng ibang katauhan? Naniniwala ba kayo na posibleng maulit sa kasalukuyan ang mga nangyari sa nakaraan? Naniniwala ba kayo na ang mga pinutol sa nakaraan ay muling idudugsong...