Chapter 7: MB112

18 0 0
                                    

Eto na,start na talaga ang college life ni Syrene kasi nasa harap na s'ya ng magiging classroom n'ya.
"MB112 ? This is it! This is it! Relax Syrene,don't get nervous. College ka na,new people,new world kaya dapat masanay ka na. Okay,c'mon Sy you have to enter this room na". Sabi ni Syrene sa sarili n'ya before she enters her classroom pero nang papasok na s'ya saktong may papalabas naman na para bang may problema kaya sinundan n'ya ito.
"Ahmmm excuse me?" Sabi ni Syrene. "Ahmmm are you okay?" Dagdag pa n'ya pero hindi pa rin s'ya sumasagot. "Ahmm what happened?" Tanong ni Syrene.
Hindi pa rin s'ya pinapansin ng girl na nakasalubong na kaya she decided na tabihan na ito.
"Ahmm you can tell me everything. Makikinig ako." Sabi ni Syrene and after n'ya sinabi ito finally pinansin n'ya na rin si Syrene.
"Sorry Miss kung hindi agad ako nagsalita pero hindi lang kasi ako sanay sa mga ganitong lugar. Kaya lang naman kasi ako nakapasok dito kasi nabigyan ako ng Scholarship. Simple lang ang pamumuhay ko nun sa Bacolod. Hindi naman kasi ako mayaman hindi katulad ng mga tao dito kaya hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko,sigurado naman kasi ako na walang makikipagkaibigan sa akin dito." Malungkot na sabi ng babaeng nakasalubong ni Syrene.
Nang ipinaliwanag iyon biglang tumawa ng malakas si Syrene.
"HAHAHAHAHA!" Halakhak na tawa ni Syrene.
"O bakit ka natawa?" Pagtataka ng babae.
"You know what Miss,natatawa ako kasi ang drama mo HAHAHAHA! H'wag mo nga isipin ang mga ganyang bagay. You're beautiful and I know you're a nice person kaya bakit naman walang makikipagkaibigan sa'yo diba? Don't be like that. HAHAHAHA! Natatawa talaga ako." Paliwanag ni Syrene habang halakhak sa tawa.
(Luka-luka din pala ang ating bida Hahaha)
"Madrama ba? HAHA! Pero salamat po ha? Bukod sa maganda na kayo mabait pa :)" Sabi ng babae.
"Thank You. Anw. I'm Syrene,Syrene Buenaventura and you are?" Sambit ni Syrene.
"Ako naman po si Carmela Agbal. Teka,Syrene Samonte po? Aha! Kayo po yung isa sa pinakamayaman dito diba? " Sabi ni Carmela
"Really? I don't know but yun ang sabi nila haha. Hindi ko na iniisip yung mga ganun. Nice to meet you nga pala Carmela. Do you have an Fb aacount? Twitter? Insta? Wattpad?" Sabi ni Syrene.
"Wala po eh. Sorry po" Sabi ni Carmela.
"Oh no. It's okay :) I'll call you Ela na lang saka h'wag ka na mag-Po sa akin I'm sure magkasing-tanda lang tayo haha. Anw. Friends?" Sambit ni Syrene.
"Opo naman po ah eh Oo naman hahaha" Sagot ni Ela
At nagtawanan ang dalawa. Imagine,nang dahil sa pagiging concern ni Syrene nagkaroon agad s'ya ng new friend. And the Congeniality award goes to Syrene Buenaventura. Hindi naman kasi mahirap maging kaibigan si Syrene kaya bakit kaya hindi magkasundo-sundo ang magkapatid na Syrene at Andrea?
"Announcement,Everyone please proceed to your classrooms."
"Pinapapasok na tayo. Shall we?" Tanong ni Syrene.
"Sige. MB112 ka din diba? Surgeon?" Sabi ni Ela
"Yes so let's go na" Sabi ni Syrene.
Pumasok na ang magkaibigan sa classroom at doon naghintay sa pagdating ng Professor nila na akala mo'y VIP sa sobrang tagal.

LOVE LETTER: A key to the pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon