Chapter 9: It doesn't exist

9 0 0
                                    

*CANTEEN*
Napapatingin sa isa't isa sina James at Syrene. Kapag hindi nakatingin ang isa,yung isa ang nakatingin kapag yung isa naman yung isa naman ang titingin.
"Tumitingin ka ba?" Tanong ni Syrene.
"Hindi noh. Assuming mo Miss" Pang-iinis ni James
"Uurgghhhh!" Inis na sabi ni Syrene sabay balik sa pagkain n'ya.
"Uy Sy,mukhang ang lakas ng tama sa'yo n'yan ah?" Tanong ni Ela
"Excuse me? Ano sinasabi mo?" Pagtataka ni Syrene.
"Asus kunwari pa eh o baka naman ikaw ang may gusto sa kanya" Sabi ni Ela
"NEVER! Hinding-hindi ako magkakagusto d'yan noh? Samang-sama ng ugali" Pagtanggi ni Syrene.
"Sige ka. Sabi nga nila,The more you hate the more you love." Sabi ni Ela
"You know what Jess,hindi naman totoo ang mga ganyan eh. There is no such thing as Love,okay? Maybe love sa family and God,but that kind of love? It doesn't exist kaya don't expect na mangyayari ang mga bagay na Impossible at walang katotohanan" Paliwanag ni Syrene na para bang may pinanghuhugutan.
"Okay sabi mo eh" Pagsang-ayon ni Ela.
Nagpatuloy ang pagkain at pagkwekwentuhan ng dalawa nang biglang lumapit kay Carlos ang mga boys na sobra ding kinaiinisan ni Syrene kasi sa tuwing darating ang mga ito eh bigla na lang lumalakas ang hangin sa Pilipinas.
"Hey dude" Sabi ng mga ito.
"Basketball?" Tanong ng mga ito.
"Sure!" Pagpayag ni James.
"Haay. Andito na naman sila" Sabi ni Syrene at napakinggan ito ng mga lalaking iyon.
"Hey,look who's here?" Sabi ng lalaking hindi pa natin kilala haha. "Syrene. Pagkakataon nga naman o,medicine ka din pala? Haha talagang gumagawa ang tadhana para paglapitin tayo noh?" Dagdag pa niya sabay hawak sa pisngi ni Syrene gamit ang isang finger n'ya.Umiwas agad dito si Syrene.
"Ano ba! Josh,kung bwibwisitin mo lang ang araw ko you better stay away from me or else!" Sigaw ni Syrene.
"Ore else? What? Uy? Wala naman palang dahilan eh" Sabi ni Josh
"Or else,malilintikan ka sa akin kapag hindi mo tinigilan si Syrene" Sabi ni James para ipagtanggol si Syrene.
Ang bagong Knight and Shining Armour ni Syrene si James.
"Aba! Mayabang 'to ah!" Sambit ni Josh. "Tara na!" Sabi nya sa mga kaibigan n'ya.
Pagkaalis na pagkaalis nina Josh nilapitan agad ni James si Syrene.
"Sino yun? Ang yabang ah! Kala mo kung sinong gwapo eh mas gwapo pa ako dun eh" Pagmamayabang ni James.
"Wow! Wala ka na ring pinagkaiba sa kanya." Naiinis na Syrene. "Let's go Ela. Lumalakas ang hangin ngayon eh" Dagdag pa n'ya.
Umalis na sina Syrene at Ela sa canteen nang dahil sa sobrang inis ni Syrene pero sinundan pa rin ito ng sinundan ni James hanggang sa magbell na at pumunta na sila sa classroom.
Maghapong pasok para sa mga Freshmen Students sa CSU ay sobrang nakakapagod talaga. At para sa Freshman Student na si Syrene ang maghapong may pasok at may kinaiinisan ay talaga namang nakakasira ng beauty. Bigti na ba? H'wag naman, lalong nakakasira ng beauty yun.

LOVE LETTER: A key to the pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon