*KINABUKASAN*
Himutok na himutok na si Sarina kahihintay sa pagdating ng binata. Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin ito sa kanilang tagpuan nang biglang may nagtakip sa mata ng dalaga at pagkaalis ng takip ay may nakita s'yang isang rosas na pulang-pula sa ganda. Inamoy ito ng dalaga dahil sa humahalimuyak na bango nito. Kahit sobrang inis na ang dalaga ay hindi pa rin nito napigilang ngumiti nang dumating na ang binata.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ng dalaga.
"Pasensya ka na Sarina,nanggaling pa akong bayan para bilhin itong pulang-pulang rosas na ito. Hinanap ko talaga ang pinakamagandang rosas sa bayan para lang sa'yo." Paliwanag ng binata.
"Para saan ba ang rosas na ito?" Pagtataka ng dalaga habang hindi maitanggi sa sarili n'ya na sana mahal din s'ya ng binata.
"Sabi ng lolo ko bago s'ya sumakabilang-buhay,ang kulay pulang rosas daw ay sumisimbolo sa pagmamahal." Paliwanang ni Jaime.
"Anong ibig mong sabihin Jaime?" Pagtataka muli ng dalaga.
Hinawakan ni Jaime ang kamay ni Sarina ng mahigpit at hindi ito binitiwan na tila bang nagpapahiwatig na ayaw nang mawala pa ni Jaime si Sarina sa kanyang buhay.
"Sarina,naging saksi ang punong ito sa ating unang pagkikita. Inis,tampo,galit,iyamot yan lang ang tanging meron tayo nung mga sandaling iyon. Ngayon,magiging saksi muli ang punong ito sa ating muling pagkikita dito. Magiging saksi s'ya sa tunay na pagmamahal ko sa'yo Sarina. Hindi man naging maganda ang ating unang pagkikita pero ngayong oras na ito,ngayong araw na ito,dito,binago ng pagmamahal lahat ng galit sa puso natin. Saksi ang punong ito sa mga katagang sasabihin ko sa'yo,Mahal na kita Sarina. Mahal na mahal." Sambit ni Jaime na punong-puno ng pagmamahal.
Hindi na napigilan ni Sarina ang kanyang sarili kaya't sa sobrang kasiyahan sa mga narinig ay bigla lang n'ya niyakap ang binata sabay ng pagtulo ng mga luha n'ya.
"Jaime,noong unang pagtungtong mo sa bahay namin,kinagabihan nun hindi ako makatulog kasi hindi ka maalis sa isip ko. Ang nakikita ko lang nung mga oras na yoon ay ang mukha mo at ang mga ngiti mo. Noong sandaling iyon,hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero ngayon malinaw na ang lahat sa akin,naintindihan ko na ang lahat. Pagmamahal,pagmamahal ang sagot sa mga tanong ko. Mahal na rin kita Jaime,Mahal ma mahal." Sagot ni Sarina.
Naging magkasintahan na sina Jaime at Sarina at natanggap na rin ito ng pamilya ni Sarina. Sobra saya ng kanilang pagmamahalan pero hindi maiiwasan ang magkaroon ng pagsubok sa kanilang relasyon pero hindi sila nagpatinag doon. Pinatunayan nilang dalawa na kahit na ano kaya nilang lampasan hangga't magkasama sila at nagmamahalan. Sa tuwing gusto nilang magkasama ng silang dalawa lang pumupunta sila sa kanilang tagpuan,sa may puno ng Narra.
BINABASA MO ANG
LOVE LETTER: A key to the past
RomanceNaniniwala ba kayo sa muling pagkabuhay ng mga namatay na sa pamamagitan ng ibang katauhan? Naniniwala ba kayo na posibleng maulit sa kasalukuyan ang mga nangyari sa nakaraan? Naniniwala ba kayo na ang mga pinutol sa nakaraan ay muling idudugsong...