Pagkauwi ni Sarina,nagsumbong na naman ang nakababata nitong kapatid na si Adeng.
"Inay o si Ate may kasamang binata. Kasingahan yata o" Pang-iinis na naman ni Adeng.
"Ano na namang sinasabi mo?" Naiinis na Sarina. "Inay hindi po." Tanggi ni Sarina.
Nilapitan ni Adeng si Jaime at nagtanong ng kung anu-anong tanong.
"Iniirog mo ba ang Ate ko? Nililigawan mo ba ang Ate ko? Kasintahan ka ba ng Ate ko? Kapag sinaktan mo si Ate Sareng lagot ka sa akin" Makulit na tanong ni Adeng.
Iniisip din naman pala ni Adeng ang kapakanan ng Ate n'ya kahit papaano. Sa lahat ng tinanong ni Adeng ni isa dun walang nasagot si Jaime kasi bigla dumating si Aling Marisol.
"Magandang Umaga po" Sambit ni Jaime.
"O sino 'tong lalaking ito? Manliligaw ka ba ng anak ko? Kasintahan ka ba ng anak ko?" Tanong ni Aling Marisol sa binata.
May pinagmanahan naman pala si Adeng. Tama nga sila,kung ano ang puno ay s'ya ding bunga.
"Magandang Umaga po Gng. Ako po si Jaime. Kaibigan lang po ako ni Sarina" Paliwanag ni Jaime.
"Bweno. Adeng ipaghanda mo ng pagkain at maiinom ang bisita natin. Hoy Sareng,asikasuhin mo yang bisita mo at titingnan ko lang ang kapatid mo dun" Utos ni Aling Marisol.
Ganun na nga yata simula umpisa ang Inay nina Sarina. Parang may pakealam pero wala naman pala. Bumili si Adeng ng mga tinapay sa tindahan ni Aling Cora at kape para sa inumin,pagkabili nito ay agad nagtimpla si Adeng ng kape at dinala na ito sa lamesa malapit kayna Jaime at Sarina.
"Salamat" Aniya Jaime."Nga pala,Sarina bakit Sareng ang tawag sa'yo dito?" Dagdag pa n'ya na nagtataka kung bakit ganun ang tawag sa kanya ng kanyang kapamilya.
"Ahh yun ba? Palayaw ko kasi yun. Tapos si Adeng,hindi yun ang tunay n'yang pangalan,Adina ang pangalan n'ya" Paliwanag ni Sarina. "Kain ka na tapos may kape din d'yan,pampagising baka hindi ka na makatulog mamaya kakaisip mo sa akin" Biro ni Sarina.
Nagtawanan ang dalawa sa pagbibiro ni Sarina. Hindi na nila namalayan ang oras kaya inabot na ng gabi si Jaime nang mapagtanto n'yang napatagal na pala ang kanilang usapan nagpaalam naman na agad si Jaime kayna Sarina.
Ganun naman talaga diba kapag mahal mo ang isang tao kahit mga hindi na makabuluhan na ang pinag-uusapan n'yo hindi pa rin kayo nagsasawa pero sa sitwasyon nilang dalawa hindi pa nila alam kung mahal na ba nila ang isa't isa o masaya lang sila kapag sila ang magkasama.
Sumapit na ang gabi balak na sana matulog ni Sarina ngunit hindi s'ya sa makatulog at hindi kung bakit pero napapatingin lang s'ya sa kisame at ang tanging nakikita n'ya ay ang mga mukha na nakangiti ni Jaime.
"Anong nangyayari sa akin? Pagmamahal na ba ito? Mahal ko na yata si Jaime" Sabi ni Sarina sa kanyang sarili.
Habang iniisip ni Sarina si Jaime hindi n'ya alam na iniisip din pala sya ni Jaime.
(sa bahay ni Jaime) "Haay. Hindi ako makatulog. Bakit nakikita ko si Sarina? Pagmamahal na ba ito? Mahal ko na ba s'ya? Mahal ko na yata si Sarina" Sabi ni Jaime sa kanyang sarili.
Makalipas ang gabing iyon napapadalas na ang pagkikita nina Jaime at Sarina at lalong lumalalim ang nararamdaman nila para sa isa't isa.
Pinapunta ni Jaime si Sarina sa lugar kung saan sila unang nagkita,sa may puno ng Narra sa gubatan. Hindi agad pumayag si Sarina sapagkat inalam n'ya muna ang dahilan ng binata ngunit hindi rin n'ya nalaman kung bakit kaya't upang malaman ay nagpunta na rin ang dalaga sa may puno ng Narra kinabukasan matapos ang kanilang pag-uusap.
BINABASA MO ANG
LOVE LETTER: A key to the past
RomanceNaniniwala ba kayo sa muling pagkabuhay ng mga namatay na sa pamamagitan ng ibang katauhan? Naniniwala ba kayo na posibleng maulit sa kasalukuyan ang mga nangyari sa nakaraan? Naniniwala ba kayo na ang mga pinutol sa nakaraan ay muling idudugsong...