Chapter two: Still the same

37 2 0
                                    

Umuwing naghihimaktol si Sarina at agad naman itong napansin ng kanyang nakababatang kapatid na si Adina pero ang tawag sa kanya ay Adeng.
"Inay si Ate nandito na at hindi maipinta ang mukha o!" Aniya Adeng.
"Ano ka ba Adeng ayos lang ako" Tanggi ni Sarina.
Sa pag-uusap ng magkapatid agad lumabas ang kanilang ina na katatapos lamang sa gawaing bahay.
"Anong nangyayari diyan?" Pagtataka ni Aling Marisol. "May problema ba? O asan na yung mga bulaklak na pinapipitas ko sa iyo Sarina?" Dagdag pa niya.
"Mano po Inay! Pasensya na po kayo Inay,wala po akong dalang mga bulaklak may isang lalaki ho kasi kanina na bigla na lang akong hinila nang dahil sa kasalanan n'ya,nagsitalsikan tuloy yung mga bulaklak" Paliwanag ni Sarina.
"Balikan mo na lang mamaya" Sambit ni Aling Mirasol. "Ikaw Adeng? Ano pang ginagawa mo d'yan? Alagaan mo yung kapatid mo dun sa loob at magluluto pa ako tapos ikaw naman Sareng (o Sarina) magpahinga ka na muna at malayo ang nilakbay pagkatapos mo d'yan tulungan mo akong magluto" Utos ng kanilang inay. "Opo Inay" Sabay na sagot ng magkapatid.
"Asus! Ayos lang daw eh" Pahabol ni Adeng.
"Mag-alaga ka na dun" Naiiyamot na sabi ni Sarina.
Hindi makalimutan ni Sarina ang mga nangyari sa kanila ni Jaime. Sobrang iyamot na iyamot ito sa binata at lalo pang nadagdagan ang iyamot nito ng inisin s'ya ng kanyang kapatid. Apat na araw ring hindi nagkatagpo si Sarina. Sa pagsapit ng araw ng linggo,sabay-sabay sumimba ang mag-iina.
"Sa ngalang ng Ama,ng Anak,at ng Espiritu Santo" Sambit ng pari.
"AMEN" Sagot ng mga tao.
"Tapos na ang Misa at humayo kayong mapayapa" Sambit muli ng pari.
"Salamat sa Diyos" Masayang pasasalamat ng mga nagsimba.
Agad lumabas sa simbahan ang pamilya nina Sarina ngunit nagpaiwan si Sarina. Nakaugalian na ni Sarina na tuwing linggo ay nagpapaiwan s'ya upang mamasyal sa mga magagandang pasyalan sa kanilang lugar. Hindi naman kasi mahilig sa pasyalan ang kanyang pamilya kaya nasanay na rin s'yang mag-isa s'ya lagi.
Habang nilalanghap ni Sarina ang malamig na simoy ng hangin may isang lalaking bigla-bigla na lang natatalisod kung saan-saan at naaksidenteng mapatama sa dalaga.
*BOOOOGSH*
"AHHHH!" Sigaw ni Sarina habang unti-unti silang bumabagsak.
"Aray ko! IKAW NA NAMAN! At talagang hindi mo ako tinatantanan ha. Ano bang kailangan mo? At teka,alam mo napapansin ko lang na sa tuwing makikita kita lagi akong napapahamak. Ano bang meron d'yan sa katawan mo at punong-puno ng kamalasan? Nagbabawal na gamot ka ba?" Galit na Sarina.
"Ang dami agad nasabi? Saka hindi ako gumagamit nun noh? Mabait yata 'to at habulin ng mga magagandang dilag. Ikaw nga kunwari ka pa eh naghahabol ka rin naman sa akin" Pagmamayabang ni Jaime.
"Uurrghh!" Inis na Sarina.
"O teka lang,magandang binibini,nagbibiro lang ako." Sambit ni Jaime.
Kahit saan magpunta si Sarina ay sinusundan ito ni Jaime kahit malayo na ang nararating ng dalaga hindi pa rin ito tinantanan ng binata. Hindi alam ng dalaga na may dalawang lalaki na ang nag-aabang ng t'yempo para makalapit sa kanya tila naakit sa kagandahang taglay ng dalaga.
"Bakit mo ba ako sinusund--?" Tanong ni Sarina. "AHHH! Tulooooong!" Sigaw ni Sarina.
Hindi na nagawa pang ituloy ni Sarina ang kanyang sasabihin dahil bigla s'yang hinigit ng dalawang lalaking hindi n'ya kakilala at s'yempre hindi hinayaan ni Jaime na mapahamak si Sarina kaya kahit duduwag-duwag ito ay hindi s'ya nagdalawang-isip na sumugod sa dalawang lalaki para iligtas ang dalaga.
*BOOOGSH! *SPLAASH!* Magaling naman pala sa suntukan si Jaime. Nabugbog ng binata ang dalawang hindi nakikilalang lalaki. Matapos mabugbog dali-daling umalis ang mga lalaking iyon.
"Ayos ka lang ba?" Pag-aalala ni Jaime kay Sarina.
"Kapag talaga kasama kita nasa panganib ako lagi." Galit pa rin na pagkakasabi ni Sarina na tila ba wala pang utang na loob.
Nagpalitan ng mga sinabi ang dalawa na talagang galit na galit at inis na inis pa rin ang dalaga.
Sarina: "Kung hindi mo ako sinundan dito,hindi kita kasama at kung hindi kita kasama Hindi sana ako napahamak."
Jaime:"Hindi ka man lang ba magpapasalamat kasi kung wala ako dito baka nadala ka na nung dalawang lalaking kapapangit naman at teka bakit ba ako ang sinisisi mo? Ano bang nag-udyok sa'yo na pumunta dito?
Sarina:"Ahh! Ehh! Kaya lang naman kasi ako pumunta dito kasi akala ko mapapagod ka kaya ayun."
Jaime: "Wala pa rin tayong pinagbago magandang Binibini kahit nailigtas kita wala pa ring nagbago,katulad pa rim tayo nung una tayong magkita. Hindi magkasundo"
Sarina: "Ahmmm Maraming Salamat. Masaya ka na? Saka pasensya ka na naiinis lang kasi talaga ako sa'yo" Unang beses na ngumiti si Sarina kay Jaime.
Jaime: "Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka"
Sarina: "Salamat. Ako nga pala si Sarina"
Jaime: "Bagay sa'yo ang iyong pangalan Binibini. Ako naman si Jaime"
At sa sandaling iyon tuluyan ng nagkamabutihan ang dalawa. Hinatid ng binata ang dalaga sa kadahilanang baka mapahamak na naman ito. Hindi nawala sa dalawa ang ngiting hindi pa nila nakikita noon sa isa't isa. Mula sa parang aso't pusang magkaaway hanggang sa matalik na magkaibigan at tila bang mas hihigit pa doon ang kanilang nararamdaman.

LOVE LETTER: A key to the pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon