TFAD 2

23 2 0
                                    

Oras na ng pag alis sa London..

"GOOOOD MORNING! ^____^" masayang bati ni Ace at bigla akong nagising.

"Excited much lang teh?"

"Sino ba namang hindi ma e-excite e makikita ko na rin ang family ko, after 5 years"

"Sabagay"

"Anong sabagay? Huwag ka ng sad Dimples, uuwi din naman nyan ang papa mo no"

"Hindi ako malungkot nukaba" pero malungkot akong konti hehe.

"Baka masira ang beauty pag sad face ka. Yes! Makikita na nina mama ang kagandahan ko. BWAHHAHA" natawa ako sa sinabi ni Ace hahaha..

"Ready na ba kayo?" ng napalingon ako kung sino ang nasa pintuan ng kwarto ay si daddy pala.

"Dad!" nilapitan ko sya at hinug ko.

"Mamimiss kita dad. Basta dapat pag birthday ko nandun ka"

"Oo naman baby girl. Ano ready na ba kayo?"

"Yes po" sagot namin ni Ace.

Pagtapos namin magpaalam kay daddy. Pa uwi na kami ng Pilipinas.

After ng matagal na oras, Finally! We're here! :D

(isipin nyo nalang mabilis ang byahe. Bwahahaha)

"WELCOME BACK!" wow may surprise pa. Haha. Sayang wala si dad :(

"Mom,dad, kuya i miss you so much" at nag group hug sila.

"Wow ang laki nyo na ni Dimples. Nakayanan nyo yung 5 years dun ah." sabi ni Kuya Aljon kapatid ni Ace.

"Syempre kuya. Ganda namin no" hahaha baliw talaga tong si Ace.

Pagkatapos ay sabay sabay kaming kumain at nagkwekwentuhan.

"Michelle salamat sa pag aalaga ng mabuti sa anak ko ha?" sabi ng dad ni Ace.

"Naku walang anuman yun." sagot ni mom.

"Kailan ba uuwi nyan si Gordon?" tanong ni tita Myla kay mommy.

"Baka sa birthday ni Dimples. Nangako kasi sya na uuwi sya :)"

"Ahh, saan kayo titira nyan?" tanong ng mama ni Ace sa mommy ko.

"Actually malapit lang sa inyo. Nakapili kasi si Gordon ng bahay namin dito. Para daw malapit sa inyo :)" sagot ni mom sa mommy ni Ace.

"Ipasyal mo kami dun ha" sagot ni tita Myla at nagtawanan kami haha.

"Oo naman dalhin ko kayo mamaya dun" sagot ni mama.

Gordon ang name ng dad ko, at Michelle ang name ng mommy ko.

Pagkatapos namin magkwentuhan at kumain ay pumunta kami sa bagong titirhan namin ni mama. Wow kasinglaki din pala ng bahay namin sa London ang bahay namin dito. Medyo malayo lang ng kaunti ang bahay nila Ace sa amin.

"Ace maganda ba sa London?" tanong ni kuya Aljon.

"Oo naman kuya, sayang dapat tumira ka din dun ng 5 years" sagot ni Ace.

"Ayoko ko dun! Nakaka nosebleed!" at nagtawanan kame haha.

Close silang magkapatid. Tinuturing ko na rin silang kapatid dahil ako lang ang nag iisang anak nina mommy.

"Osige Michelle, salamat ah, muuna na kami. Siguradong kailangan nyo ng magpahinga. Bibisita nalang kami" sabi ni tita.

"Sige, ingat kayo ah" sabi ni mama.

Ng makaalis na sila. Nag usap kami ni mama.

"Ma saan ang school ko?"

"Sa Montana Hood University ka mag aaral anak. Si lolo mo kasi ang may ari nun"

"Ah ganun ba ma, kailan pasok ko?"

"Sa Monday na anak, naka ready na lahat huwag ka ng mag alala"

"Hindi ba ako late ma?"

"Hindi ka naman late July palang naman kaya makakahabol kapa. Sinabi sakin ng lolo mo"

"Ah ok ma. Ma pwede po bang pumunta dun sa grocery?" meron kasing malapit na grocery dito. Gusto ko din kasing mamasyal. Hehehe

"Sige anak. Mag iingat ka ah. Pahatid kita kay Mang Julio"

"Okay ma"

Nandito na ako sa tapat ng grocery ngayon. Umalis muna si Mang Julio para i park ang sasakyan.. Ng may biglang gustong humablot ng bag ko. Kapag minamalas ka nga naman oh!

"Help! Help! Help! Ewww don't you dare to touch my skin!" mahal ko skin ko haha

"Ang arte mo huwag ka ngang maingay!" at tinutukan nya ako ng knife at hinawakan ako sa balikat. Hindi na kasi akong masyadong sanay sa Pilipinas. Nagtagal kasi ako sa London e.

"Hoy! Bitawan mo sya kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" Binitawan nga nya ako. At tumakbo na paalis. Grabe sa sobrang takot ko di ako nakapag pa thankyou sa lalaki tapos di ko pa namukhaan ang itsura nya. Hyyssss.

Pupuntahan ko na sana sa parking lot si Mang Julio ng may biglang sumigaw na lalaki sa likod ko.

"HOY! MISS SANDALI!!" lilingon ba ako?

"HOY! BINGI KA BA? SANDALI LANG!" bwisit to ah. Humarap na ako sakanya.

"Di ka naman pala bingi" dagdag pa nya ng nakaharap na ako.

"Well I'm not deaf, and who are you?" pagtataray ko tinignan ko sya mula Ulo mukhang Paa. Hahahha.

"Wow! Ganyan? Walang thankyou?"

"What do you mean?" nakakunot noo kong tanong.

"Miss ako lang naman ang nagligtas sayo dun sa magnanakaw"

"Kasalanan ko bang tulungan mo ako? Feeling super hero lang teh? Malay ko ba baka ikaw yung magnanakaw" sagot ko.

"Sa gwapo kong to? Mukhang magnanakaw?"

"Like duhh? Ikaw gwapo? Mukha kang holdaper! Nasasayang lang oras ko sayo! Bye"

"By the way, I'm Hi----" hindi na nya natuloy dahil tuluyan na akong nakapasok sa car.

--

Twisted Fate and DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon