TFAD 6

18 2 0
                                    

A/N: Ayan po si Hiro, tignan nyo po yung picture nya. Hihi. Thanks. :)

Krystal Jung as Dimples Montana
Kang Min Hyuk as Hiro Montefalco

-------------------------

DIMPLES' POV

Nandito kami ngayon sa school. Walang teacher ngayon kase daw nag meeting daw sila. Tumabi muna ako sa pwesto nina Maddi & Cynthia.

"Sabay pa talaga kayong nag walk out kahapon ni Hiro no" sabi ni Cynthia.

"Nakakainis kaya sya. Masyado syang assuming" sagot ko.

"Asus, pero sa totoo nyan kinikilig ka" sabi ni Maddi.

"Ang chismosa nyo no?" tanong ko. BWISET.

"Sige na titigil na po" sagot nina Cynthia and Maddi.

"Pero meron syang girlfriend" sabi saakin ni Cynthia. Akala ko ba titigil na -.-

"Oo meron sya, kaso demonyita yung ugali" sabi naman ni Maddi.

"Pero si Hiro di naman talaga nya gusto yung girl, yung girl pa yung lumalapit." sabi naman ni Cynthia

"Wala akong paki sa lalaking yun"
Edi mag girlfriend sya kung gusto nya!.

"To naman ang sungit!" sabi ni Cynthia sabay pout.

"Kaya nga!" sabi naman ni Maddi at iniwas yung tingin saakin na mukhang nagtatampo.

"Uy sorry na" sabi ko.

"Uy!" tawag ko sakanila.

"Kaw kasi ang sungit mo!" sabi naman ni Cynthia.

"Sige na nga, magkwentuhan na tayo basta huwag lang si Hiro yung pag usapan ok?" sagot ko.

"Sure" sabi nila at humarap na saakin. Buti naman at wala pa sina France, Jelo, and Hiro. Bwahahaha.

"Ang pogi ni fhafha Kent no" sabi ni Maddi. Ngayon pogi naman yung pinag uusapan? Hahaha.

"Kaya nga! Ang swerte mo Dimps" sabi saakin ni Cynthia.

Naalala ko bigla si Kent. Ang bait nya tapos ang gwapo pa.

"Uy bakit ka nakatulala at tumatawa girl?" sabi saakin ni Maddi at kinalabit ako.

"Wala. Haha" sagot ko sakanya.

"Sus. Siguro inlove ka no?" sabi saakin ni Cynthia at sinusundot sundot yung balikat ko.

"Kay Kent no? Ayieeeee" sabi saakin ni Maddi na parang kinikilig. Ewan ko ba bakit kapag naririnig ko yung pangalan nya natatawa ako mag isa ko.

"Hindi no" sagot ko.

"Bakit ka nga tumatawa dyan?" tanong ni Cynthia.

"Naalala ko lang si Kent, ang bait kasi nya" sagot ko.

"Basta ako bet ko pa rin si Hiro" sabi ni Cynthia.

"Oo nga diba Cynthia" sabi ni Maddi at nag apir sila.

"Aanhin mo naman yung sobrang gwapo kung pangit naman ang ugali" sagot ko sakanilang dalawa. Bwiset! Lagi nalang si Hiro! Hiro! Hiro! :3

"So inamin mo rin?" baliw talaga tong si Cynthia. Anong amin amin pinagsasabi nya.

"Anong inamin ka dyan?" tanong ko.

"Inamin mo rin na gwapo si Hiro" malakas na pagkasagot naman ni Maddi. Nung pagkasabi ni Maddi nun, saktong nasa classroom na pala sina Hiro. Naku! Ang assuming pa naman ng lalaking yan! Saksakan pa ng yabang! Lahat pa naman binibigyan nya ng meaning. -.-

Twisted Fate and DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon