A/N: Ayan na po yung itsura ni Dimples, tignan nyo nalang po. :)
--
DIMPLES' POV
Magtetest kami ngayon, heto naman si Hiro walang ginagawa.
"Hoy!" bulong ko sakanya.
"Ano?" badtrip na tanong nya.
"Bakit hindi ka nagtetest?" tanong ko.
"Wala akong ballpen"
"Kahapon wala kang papel, ngayon naman wala kang ballpen. Ang yaman yaman mo wala kang ballpen"
"Nakalimutan ko sa bahay"
"Oh heto." binigay ko sakanya yung extra kong ballpen. Buti nalang mabait ako.
"Thanks" nag thankyou na din sya after asdfghjkl years. Hahahaha.
Nag umpisa ng magtanong si Mrs.Cruz. Easy lang naman e. Pipili ka lang kung A. B. or C. Haha. Kinakalabit na naman ako ni Hiro. Ano nanaman problema nito.
"Oh ano?!" tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
"Ano yung sagot sa number 3?"
"Aba malay ko!" Sagot ko.
Tapos bigla bigla nalang nyang inaalog yung upuan ko. Ang kulit! Di ako makapag concentrate.
"Napapano ka?! Huwag ka ngang maingay! Pag narinig nyan tayo ni Mrs.Cruz."
"Sabihin mo na kase" sabay pout nya. Ang cute pa naman nyang mag pout. Hindi pala, mukha syang kwago.
"Akin na nga" kinuha ko sakanya yung papel at pinagsagot ko nalang sya. Nakakabwisit sya e.
After ng test, ina-announce na ni Mrs.Cruz yung mga score namin.
"Dimples and Hiro got a perfect score"
Napatingin ako kay Hiro sabay thumbs up.
"Thanks Dimples" sabi nya with smile pa. At lumabas na sya ng classroom. For the first time nagsmile sya.
---
"Hi girl" sabay sabi sakin ni Cynthia and Maddi.
"Hello" sagot ko naman.
"Ang cute nyong mag away ni Hiro" sabi ni Cynthia.
"Bagay kayo girl Montana and Montefalco. Parehas na may 'Mont' yung surname nyo. Hahaha" sabi naman ni Maddi. Paki ko kung parehas na may 'Mon' bagay na agad? Ewwww.
"Tara na nga! Kung anu-ano pang sinasabi nyo"
Pumunta kami sa cafeteria, ng may nakita kaming nambubully sa isang bata. Bata din yung mga nambubully. Siguro mga first year sila.
"Sino sila?" tanong ko kina Maddi at Cynthia.
"I don't know. Siguro nagpapapansin lang."
"Wait lang ah" pagpapaalam ko.
"Sama kame. Bata lang yan girl huwag mo ng patulan" sabi naman ni Maddi.
Nakalapit na ako sa kanila.
"Sinong nagsabing i bully nyo sya?" taas kilay kong tanong.
"At sino ka naman para pakelaman kami?" Aba ang taray, kabata bata lang nya.
"Wala kang pake. Ka bata bata nyo, nambubully kayo. Baka nakakalimutan nyo, bawal sa school yan" sabi ko.
"Parang ang dami mo naman alam sa school na to ah" sabi nung isa. hayyy nako. Talagang madami! School kaya to ng lolo ko! Kung alam nyo lang. Pinatayo ko na yung girl at iniwan ko yung tatlong mga engot. Sinama ko muna samin yung binubully nila kanina.