(A/N: ayan po ang itsura nina Jelo, France, Maddison, Cynthia. Tignan nyo nalang yung picture :)
Sa chapter na to puro si Hiro and Dimples. Hihi. Enjoy XD #DimRo
-----------
DIMPLES' POV
Nakapasok na din ako sa bahay.
"Dimples nandyan ka na pala, bakit ganyan nanaman ang itsura mo?"
"Ah. Wala po ma." sagot ko.
"Kumain ka na dyan, nagluto na si Manang Cecile"
"Opo ma. Akyat lang po ako saglit sa kwarto ko"
"Ok, take your time" sabi ni mama.
After 5 minutes bumaba na ako para kumain.
"Musta naman school mo Dimples?" tanong ni Manang. Si manang Cecile kasi halos lola na ang turing ko sakanya dahil napakabait nya.
"Okay naman po" sagot ko sabay smile.
"Papuntahin mo ulit minsan yung kaibigan mo dito ah. Invited sila kahit anong oras" sabi saakin ni mama habang kumakain.
"Sige ma" sagot ko.
Habang kumakain kami, meron biglang nag doorbell.
"Ah ako na magbubukas" sabi ni Manang.
"Sige po"
Pagkapasok ulit ni manang meron syang sinabi.
"Dimples may naghahanap sayo sa labas" sabi ni Manang.
"Huh? Gabi na po ah. Sino kaya yun" pagtataka ko.
"Tignan mo nalang Dimples. Malay mo kaibigan mo or classmate mo" sabi ni mama. Pero gabi na ah, may pupunta pa ba? Hyyyyysssss.
"Okay ma, labas lang po ako saglit" sabi ko.
Pumunta na ako sa gate para tignan kung sino yung nasa labas.
"Hi Dimples" wait?! Bakit nandito tong Hiro na to. Ano nanaman kailangan nya?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Pweding pahiram ng notebook sa English, di kasi ako nakapagsulat ng lecture e" sabi nya sabay kamot sa batok nya. Malapit kasi yung bahay nya samin. As in malapit na malapit lang talaga. Magkatabi talaga bahay namin. Haha. Edi sa tuwing may nakakalimutan syang activity, lecture etc. baka lagi nalang syang magtanong or manghiram saakin -.-
"Eh kung ayoko?!" sagot ko sakanya. Pagtripan ko kaya? Hahaa.
"Sige na please?" pagmamakaawa nya.
Nakita kong biglang sumilip si mama sa pintuan.
"Dimples sino yan?" tanong ni mama.
"Classmate ko po ma" sagot ko.
"Papasukin mo Dimples" utos nya -.-
"Okay po ma" sagot ko nalang.
"Tara pasok ka!" sabi ko at sumunod naman sya. Nagpipigil nanaman sya ng tawa.
"Pahiramin mo ako ha" sabi nanaman nya.
"Oo na. Ano pa bang magagawa ko." sagot ko.
Nakapasok na din kami ni Hiro sa bahay.
"Halika kain ka dito. Anong pangalan mo?" tanong ni mama kay Hiro.
"Hiro Montefalco po" sagot nya.
"Ah. Gabi na ah. Tga saan ka?" tanong ulit ni mama. Wow OP ako. Lol
"Dyan lang po sa tabi po ng bahay nyo" sagot ni Hiro.