TFAD 4

31 2 0
                                    

"Tara guys punta tayo sa covered court panoorin natin yung mga nag ba-basketball" sabi ni Cynthia.

"Ok sige, tara Dimps maraming fhafha dun" sagot ni Maddi

"Anong fhafha ka dyan Maddi! Pati kay Dimples di ka nahihiyang ipakita ang pagkahilig mo sa mga boys ha" sabay hampas ni Cynthia sa balikat ni Maddi.

"Kung makahampas ka naman te!" sagot naman ni Maddi  haha. Nakakatuwa silang tignan.

"Ahaha. Okay lang yun Cynthia tara." sabi ko naman. At pumunta nakami sa court.

"Ang gwapo ni Fhafha France! Go France!" sigaw ni Maddi. Teka parang sya yung nagtanong sakin kanina kung naliligaw ba daw ako. Mukha naman syang mabait. Dapat pala di ko na sya sinungitan.

After manood ng basketball. Umupo kami dun sa may bakanteng upuan. May papalapit na tatlong lalaki sa kinaroroonan namin. Ng palapit na sila, namukhaan ko na na sina Hiro yun.

"Hi Ms.Sungit" nag Hi sakin si Hiro'ng baliw. Heto namang si Maddi and Cynthia tinatapik tapik yung balikat ko.

"Sungit ka dyan!" sagot ko.

"Magkakilala kayo pre?" tanong ni
France.

"Oo naman!"

"Ang taray kaya nyan, tinatanong ko pangalan nya I'M NOT INTERESTED daw." sagot ni France

"Hayaan mo sya. Feeling nya kasi maganda sya" sagot nitong pangit na Hiro na to!

"Paki mo! Oh ikaw feeling gwapo mukha naman kwago!" sabi ko sabay snob.

"Bagay kayo tol" sabat naman nitong isa pa nilang kasama.

"At sino ka naman para pagsabihan mong bagay kame ng kwagong yan?" tanong ko sabay taas ng kilay.

"Jelo" sagot nya sabay salute. Baliw ata to. May pa salute salute pang nalalaman.

(A/N: Magkakaibigan sila ni France, Hiro, Jelo)

"Wala akong pake! Tara na nga girls" sabi ko kina Maddi at Cynthia, sabay alis sa kinaroroonan ng tatlong ewan na yun.

Ng paparating nakami sa classroom tinatapik tapik nanaman ako sa balikat ng dalawa kong baliw na kaibigan.

"Oh napano kayo?" tanong ko kay Maddi at Cynthia.

"Ang taray mo te!" sabay cross arms ni Cynthia.

"Alam mo, ang swerte mo kinakausap ka nung tatlong fhafha" sabi saakin ni Maddi sabay tapik ulit at para syang kinikilig.

"Ewan ko sainyo! Tara na nga" sagot ko.

**

"Class get one whole sheet of paper, magtetest kayo"

Taray ka uumpisa palang ng klase test agad.

Pagkalabas ko ng pad paper ko. Kinakalabit naman ako netong Hiro na to.

"Oh anong problema mo?!" tanong niya.

"Pahingi ng isang papel"

"Ayoko. Nag aaral ka wala kang papel!"

"Nakalimutan ko sa bahay e. Sige huwag nalang." sagot nya at humarap nalang sya kung saan si Mrs.Cruz.

"Uy" tawag ko sakanya.

"Ano?" sagot naman nya na parang naiinis.

"Oh heto" pinakita ko yung papel. Naawa kasi ako e hahaha.

"Magbibigay ka rin naman pala" sagot niya. At kinuha na nya. Aba! Walang thankyou.

"Wow! Wala man lang thankyou!"

"Bakit? Nag thankyou ka ba nung ikaw yung tinulungan ko sa grocery? So kwits na tayo nyan"

"K Fine!"

**

Hyyyyyy. Salamat naman at natapos na din ang araw na to! Nakauwi na rin ako ng bahay.

"Anak kumain ka na dyan"

"Ok ma"

"May iuutos ako mamaya sayo no Dimples, dyan lang sa tabi nating bahay" sabi ni mama. Wow may kakilala na din si mama.

"Okay ma."

After kong kumain, inutusan ako ni mama na pumunta na sa kapitbahay namin para ibigay ko yung nilutong lasagna ni mama.

Nandito na din ako sa tapat ng bahay ng kapitbahay namin para mag doorbell.

*ding dong*

"Sino yan?" tanong nung ewan, lalaki yung boses eh.

"May pinapabigay lang po yung mama ko" sagot ko naman.

Pagbukas nya ng gate, wtf. Huwag nyang sabihin dito rin sya nakatira?! Hyyyys -,-

"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko. Nagulat din sya.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?"  nakakunot noo nyang tanong.

"Paki mo"

"Paki ka dyan, bahay ko to. Ikaw dapat ang tinatanong ko kung anong ginagawa mo sa pamamahay ko" yabang pamamahay talaga? Duuuuh.

"Oh heto" iniabot ko sakanya yung lasagna.

"Para sakin to? Sabi ko na nga ba crush mo ko e" sagot naman nya.

"Napakafeeler mo naman! sa mommy mo yan. Pinabibigay lang ng mom ko"

"Sa gwapo kong to? Aminin mo na kase. Nagpapanggap kapang mataray dyan"

"Ewan ko sayo! Bwisit ka! Ang feeler mo talaga!!! Grrr" at umalis na ako sa sobrang inis!

"May pa walk out walk out pang nalalaman" narinig kong bulong nya. Bulong ba yun o sigaw? XD. Ewan ko bwisit sya.

Sa bahay nila Hiro to kaya pala may nakalagay na Montefalco, so it means classmate ko na, kapitbahay ko pa. >.<

"Oh Dimples, anong nangyari sayo?" nandito pala si Ace talagang to bigla nalang sumusulpot.

"Anong ginagawa mo dito, di kita nakita kanina ah" sabi ko

"Kadarating ko lang. Badtrip?' pa papilosopong tanong nya.

"Nabadtrip ako dun sa lalaking feeling" at umupo na ako sa sofa.

"Naku! Sino yan? Oh heto saging, mukha ka kasing unggoy dyan sa itsura mo!" at hinagisan nya ako ng saging buti nalang nasalo ko. Ginawa ba naman akong unggoy.

"Mas mukha kapang unggoy sakin e!"

"Ewan ko sayo, sino ba kasi yung lalaking yon?" tanong nya.

"Wala, si Hiro"

"Omg! Kapitbahay mo si Hiro?"

"Oo baket?"

"Ang swerte mo, sikat na basketball player sa school yan. Di ka talaga updated sa MHU" wala akong pake kung sino man sya. Ito naman kasi pinsan kong to ang chismosa kaya ang dami na nyang kakilala.

"Classmate ko pa" sagot ko.

"Ikaw na Dimples!" sabi nya at inalog alog nya pa ako.

"Ano ka ba?! Huwag mo ng sabihin yung pangalan ng kwago na yun"

"What do you mean by kwago?" she asked.

"Akala nya gwapo sya e pero mukha naman kwago"

"Sus. Kwago daw, pero deep inside nyan nagwagwapuhan ka"

Ibahin ko nalang usapan. Pag di ko kasi iniba, di titigil sa kakasalita tong bunganga ni Ace.

"Ano ba kasing pinunta mo dito ah? Para asarin ako?" tanong ko.

"Wala namamasyal lang Dimps. I have to go na pala, magpapaalam na ako kay tita ah? Kaloka ka girl!" sabi nya .

"Okay bye"

--
(A/N: Hello po, kahit vote & comment lang po XD. Thankyou! Mwamwa)

Twisted Fate and DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon