NAPULO

0 0 0
                                    

" buti naman at wala na tayong klase!" 

" Masaya ka naman e , AOS break lang naman to papagurin ka rin naman sa training. " Sabi ni kierra na ngayo'y pumakpak ng pagkain.



Halos isang linggo na pala simula nung lumipat ako dito. Pero wala parin akong alam sa mga pamamalakad sa academya. Ngayong linggo at sa susunod na linggo ay wala kaming klase kasi may gaganapin daw na AOS isang linggo para sa training at isang linggo para sa AOS mismo.


Nandito pa rin kami sa classroom at hinihintay ang mga lista ng mga kasama sa iisang station. 

" Uy sabay tayong mag training ah?" She pleaded.

" Sus papagurin mo pa yang katawan mo. Wala din naman akong alam sa ganyan matutulog nalang ako" I answered. 

" Ang tigas nang ulo mo no? Ikaw na nga tong walang alam ikaw pa tong chill. ewan ko sayo tara cafeteria tayo"


Napunta kami sa cafeteria at nakitang nandun na sila annege at maximo parang may mali sa dalawang to ah. Parang nag uusap sila ng masinsinan nakadikit pa si bakla kay Annege.

Nang makita nila kami ay agad silang kumaway sa amin at umayos nang upo. Napansin kong maraming pagkain ang nakalatag sa lamesa nila.

" Sinong bibitayin Annege? " unang bungad ko sa kanila.


" Hindi para sa atin yan lahat ano ka ba. Hindi pa rin naman kami kumakain. Treat yan ni Maximo" she answered sabay kurot sa bakla.


" Sige kain na tayo ,marami rami pa tayong pag uusapan." Pang aaya ni Maximo.



Nagsimula kaming kumain at nagtatawanan. Madaming kwento itong si Bakla kala mo reporter sa News.


" Iyon na nga , ilang araw karing hindi nagpakita samin babaita ka. " He pointed me.


" May inaasikaso lang "


" Nakoooooo..... Baka naman lalaki yan no? , Kung ako sayo wag mo na ituloy yan walang true love dito sa loob. Kung magtitiwala ka talo ka sis."
Pananakot niya sa akin.


Napaisip rin ako, alam kong lahat dito ay kailangang bigyan ng pansin. Sila lang naman ang pinagkakatiwalaan ko dito sa loob. Napatigil ako sa pag iisip ng biglang tumahimik ang loob nga cafeteria , maingay kasi talaga dito kahit iilan lang ang tao.  Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang grupo ng Archers , nanlaki ang mata ko at agad umiwas ng tingin. Hindi ako kumukibo dahil kay rylen baka marurusahan na naman niya ako.

" halaaaaa... papalapit dito si Amo." shin frowned.

Nakita kong tumayo si Annege at nag bow sa kaniya. Nanatili parin ako sa pwesto ko at hindi ako lumingon sa likuran dahil alam kong nasa likod ko siya.

Turn into Thorn (The Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon