UNO

8 9 0
                                    

VEIN 

"Wala kanang matatakbuhan bata. Hali ka rito may candy ako para sayo " rinig kong sabi nang isang malaking tao ngunit hindi ko maaliwanagan ang kanyang mukha. May naririnig akong tinig ng batang humihikbi sa sulok agad ko yung nilapitan   at nakita kong takot na takot siyang nag tatago sa isang sulok na para bang may kung anong masamang nang yayari.


" Waaaa! Andito ka lang pala pinapahirapan mo pa ako. Halika na nag hihintay na sila sa atin " sabi nang lalaki habang humahalakhak. Nakita ko ang bakas ng takot sa bata at tumingin sakin na para bang nagmamakaawa na tulongan ko siya .


" Tulongan mo ako , tulongan mo ako ayokong mamatay hinahanap na ako ng mamo ko " sambit niya sakin habang umiiyak. Gustohin ko man ay hindi ako makakilos upang tulongan siya at ilayo sa lugar na ito. Hanggang sa nadala siya nang lalaki sinundan ko kung saan sila pupunta ,hila hila ang bata . Isinakay siya sa sasakyan at kusang gumalaw ang aking katawan papasok sa sasakyan , nakita ko ang dalawang matitipunong lalaki may dalang armas at may takip ang bandang baba hanggang ilong.


" Bilisan mo na Gerbie , baka maya't maya ay susugod na ang tauhan ni Don Lucas. Baka tayo pa ang mamatay" sambit nung isa na may hawak sa bata. 



" Oo na maghintay ka hindi lang ikaw ang kinakabahan jajshs . Kumapit kayo " sagot nang nagmamaneho. Hindi ko naklaro ang tawag niya sa kasama niya para bang isang misteryo sa pang yayariNagsimulang umandar ang sasakyan at mabilis ito na kahit ako ay kinakabahan na baka sa isang banda mabangga kami. Pero nakapagtataka at hindi nila ako nakikita o napapansin man lang?
Patay naba ako? Ano batong pinasok ko.



Turn into Thorn (The Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon